Hindi gaanong nakatulog si Alexa dahil sa maraming iniisip. Alas sais ay bumangon na siya at tinungo ang silid ng ama pero tulog pa ito. Gumawa siya ng kape at tumungo sa veranda kung saan tanaw ang bahay nila Edward. Gising na rin ito at nakita niyang kalaro nito ang bata at naroon din si Michelle. Naalala niya kagabi kung paano siya iniwasan ng tingin ng dating kasintahan sa lahat ng pagkakataon. She wasn’t even introduced to Michelle. Tila siya isang estranghero sa paningin nito. Dahil hindi niya kayang makita ang tagpong natatanaw ay bumalik siya sa loob ng mansyon. Tulog pa rin ang ama kaya’t bumalik siya sa silid at nagbabad sa bathtub. Matapos ang kalahating oras ay tinungo niya ang silid ng ama at nakitang kagigising lang nito. “Good morning, Dad,” bati niya sa ama.

