bc

My Ambitious Heart

book_age18+
12.4K
FOLLOW
38.8K
READ
sex
contract marriage
second chance
badgirl
billionairess
drama
bxg
small town
cheating
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Twenty two years old pa lang si Edward ng unang makita si Alexa, anak ni Dr. Martin na may-ari ng Hacienda Montemayor. Spoiled brat, matapobre, at masungit ito dose anyos pa lamang. Ito rin ang kauna-unahang nagpahiya sa kanya nang sampalin siya nito sa gitna ng bulwagan sa selebrasyon ng kaarawan ni Dr. Martin.

Sa paglipas ng panahon ay nawala na sa isip niya ang haciendera dahil hindi na ito muling umuwi ng Zambales. Hanggang isang araw ay kinausap siya mismo ni Dr. Martin na turuan ang amo sa pamamahala ng hacienda. Dahil sa utang na loob sa matanda ay napapayag siya nito.

Pero ano ang gagawin ng isang spoiled brat, mataray at maarteng babae sa Hacienda Montemayor?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nakatanaw si Edward sa malaking bahay ni Doktor Martin nang may pumaradang isang magarang sasakyan.  Bumaba ang driver nito at kinuha ang mga maleta sa compartment. Kasunod niyon ay bumaba si Dr. Martin, isang yaya, at isang dalaga na sinusuyod ang kabuuan ng mansyon.  Ito ang kaisa-isang anak ni Dr. Martin sa asawa nitong namayapa na.  Naririnig niya sa Itay niya na ngayon ang dating ng mga ito para magbakasyon ng ilang linggo.  May medical mission din kasi ang doktor sa ilang kababayan niya dito sa Zambales. Pag-aari ngayon ng Doktor ang halos sampung ektaryang lupain dito sa Santa Cruz na minana nito mula sa mga magulang.  Ngunit dahil nagpakadalubhasa sa pagdo-doktor si Martin ay ang Itay Greg niya ang namahala dito mula ng mamatay ang Don na ama ni Dr. Martin.  Kahit hindi nakatapos ng pag-aaral ang kanyang Itay ay magaling ito sa pamamahala ng hacienda dala na rin ng tagal nito doon at dahil sa taglay na  pagkahilig sa pagtatanim.  Hanggang ngayon ay sila pa rin ang nangangasiwa sa pagpapatakbo ng hacienda lalo't bihira naman ang doktor kung umuwi dito.  "Dalaga na pala ang anak ni Doc, at lalong gumanda si Alexa," wika ng Inay Sabel niya.  "Maliit pa iyan nung huli kong nakita may sampung taon na ata ang nakakaraan." "Aalis na ho ako, Inay," paalam niya sa ina na hindi pinansin ang sinabi nito.  Summer ngayon at anihan na ng mangga.  Tumango ang Inay niya bilang pagsang-ayon habang nakatingin pa din sa mga dumating. Ang lupa nila ay karugtong ng lupang kinatitirikan ng Hacienda Montemayor, kung saan naroon ang malawak na manggahan na pinagkukunan ng income sa haciendang iyon.  Isa sila sa mga supplier ng malalaking kumpanyang nag-e-export ng mangga sa iba't-ibang dako ng mundo.  Ang ibang parte naman ng hacienda ay may iba't ibang tanim na mga gulay na kinokompra naman ng mga negosyante ng gulay sa bayan nila. Nasa kalahati na nang pamimitas ang mga tauhan ng asyenda ng dumating siya.  Naroon na rin ang buyer na siyang magde-deliver ng mga naani sa Maynila.  Hapon na sila natapos at halos alas sais na siyang nakauwi dahil kinausap pa niya ang mga tauhan sa bukid. "Nasan ho ang Itay?"  tanong niya sa ina na nagluluto ng hapunan. "Kanina pa nga nasa mansion, hindi pa bumabalik.  Baka nagkasarapan ng kwentuhan." "E kayo ho ba nanggaling na doon?" "Oo kanina pa, ako ang naghatid ng pananghalian." Ang pamilya rin nila ang nangangasiwa sa mansion dahil wala doong nakatira.  Pero dahil may sarili naman silang bahay, paminsan minsan lang kung magpunta ang kanyang Inay para maglinis kasama ng isa pang katulong sa hacienda. Maya maya ay dumating na si Greg na may dalang ilang gamot at vitamins. "Bigay ni Dr. Martin para sa mga tauhan ng hacienda.  Ano ba ang niluto mo, Sabel?  Nagsabi si Doc na sa mansion tayo maghapunan kaya dalhin na lang natin iyan pagkaluto mo." Nasa veranda si Edward at nagpapahinga ng tumabi ang ama sa mahabang bangko. "Kumusta ang ani ng mga mangga? Natapos ba,Anak?" "Natapos naman ho.  Kumusta ho si Doc?" "Okay naman, anak,  matanda na si Doc at minsan na rin palang inatake sa puso.  Pagkatapos ng medical mission nila sa bayan sa linggo ay dito muna sila pansamantala." "Pamamahalaan na ho ba niya ang hacienda?" "Sa tingin ko'y ganun na nga.  Mamaya pag-uusapan kaya tayo inimbitang maghapunan sa kanila.  Sa akin naman kung gusto nilang kunin na ang pamamahala ng hacienda eh okay lang.  Magpasalamat tayo dahil sa kanila ay nakapagtapos ka ng pag-aaral, Anak." Nakapagtapos siya ng Agriculture sa pilit ng ama, at dahil sa pagtatanim rin naman nauubos ang oras niya ay naging pabor na rin.  Hindi raw nila kayang pag-aralin siya ng abogasya na siyang una niyang napiling kurso.  Hindi na rin siya nagpilit dahil matanda na ang Itay niya. "E kumusta ba kayo ni Clarissa?  Nagkakamabutihan na ba kayo?"  Ang tinutukoy nito’y anak ng isang tauhan sa hacienda na nagpapakita ng interes sa kanya.  "Magkaibigan lang ho kami,‘Tay."  Ngumiti siya sa ama.  Alam niya kung gaano kagusto ng mga ito na lumagay na siya sa tahimik. "Wala ka pa bang ipapakilalang mamanugangin namin ng Inay mo?" "Bakit naman ho gusto nyo na akong mag-asawa?"  "Thirty two ka na,Anak, gusto na sana kitang makitang may katuwang na sa buhay." "Bata pa ho iyon,‘Tay,  tsaka alam nyo namang maraming trabaho dito sa hacienda. Wala pa akong oras para sa ganyan." "Wag mong isarado ang puso mo sa pag-ibig,Anak.  Hindi porke’t nabigo ka kay Monica eh hindi ka na susubok ulit."  Tinapik nito ang balikat nya saka pumasok sa loob ng bahay. Naalala niyang muli si Monica.  Anak ito ng mayor sa kanilang bayan.  Nabulag siya sa pag-ibig dito kahit madalas na natatapakan na ang kaniyang pagkatao.  Hindi siya nito ipinakikilala bilang kasintahan.  Ang katwiran nito'y  hindi pa naman sila handa.  Bente singko siya noon at si Monica ay bente dos pa lamang. Ilang beses na ring may nangyari sa kanila na pilit niyang pinanagutan pero panay tanggi nito.  Makalipas ang apat na taong relasyon ay nagpakasal ito sa anak ng kaibigan ng pamilya na may-ari ng iba't-ibang negosyo sa kanilang bayan.  Ang katwiran nito'y dahil hindi siya nito kayang ipagmalaki sa mga magulang. Labis siyang nasaktan.  At mula noon ay hindi pa siya muling sumubok na magmahal muli.  Ipinangako din niyang hindi na siya iibig sa mga mayayamang katulad ni Monica. "Tara na, Anak,  nakakahiya kay Dr. Martin kung hihintayin pa tayo sa hapag kainan," wika ng Inay niya. Tinatamad man dahil sa pagod ay hindi na siya tumanggi.  Malaki ang utang na loob niya at ng pamilya niya sa mga ito.  Pagdating sa mansyon ay nasa hapag kainan na nga ang doktor at ang kasambahay na kasama nito.  Si Alexa ay pababa pa lang mula sa ikalawang palapag ng bahay.  Naningkit ang mata niya nang makita ang suot nitong napaka-iksing short at ang tank top nito'y kitang kita ang bewang nito.  Kung lalabas ito sa bukid ay mababastos ito ng mga trabahador. "Magandang gabi ho, Doc."  bati niya kay Dr. Martin.  Tumayo naman ito at nakipagkamay sa kanya, pagkatapos ay umupongmuli.  Siya rin ay naupo na sa isa sa bakanteng upuan na katabi ng Itay niya. Tuloy-tuloy naman si Alexa na umupo sa nag-iisang bakanteng silyang naroon.  At dahil katabi niya ito’y kitang-kita niya ang mapuputing hita nito dahil sa maiksing suot.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook