Chapter 2

1886 Words
Si Alexa ay tahimik lang na nakaupo at nagsimulang kumain.  She noticed Edward's eyes when she walked down the stairs.  Napalunok rin ito na tila ngayon lang nakakita ng babaeng naka-short.  Oh well,  kahit naman sa Maynila na puro naka-short ang mga babae ay napapalingon pa rin kapag siya ang dumadaan. Pero hindi nya maintindihan kung bakit natakot siya sa tingin nito kanina na parang gusto niyang bumalik sa kwarto at magbihis.  His eyes were so expressive; from anger to something else.  At sa malapitan ay mahaba at malantik ang pilikmata nito.  His tan color compliments his muscles na kahit nakadamit ay alam mong perfect abs.  Ang puting tshirt nito ay humahapit sa dibdib at balikat nito.  This man is the definition of tall, dark, and handsome. Ito ba ang lalaking binastos niya ten years ago? "Kumusta ka, Edward?" tanong ng ama niya sa binata. "Mabuti naman ho, Doc," magalang nitong sagot.  "Nakwento sa akin ni Greg na ikaw na halos ang namamahala sa hacienda.  Salamat Iho at hindi mo ito iniwan kahit nakatapos ka na ng kolehiyo." "Hindi ko rin naman ho kasi maiiwan sila Itay dito nang sila lang dalawa," katwiran niya. "Ako rin ay matanda na kaya nagdesisyon na akong magretiro, Edward.  Madalas na kami dito mamamalagi," pahayag naman ng doktor. Marami itong kwento habang kumakain at nakikinig lamang siya.  Pilit niyang iwinawaksi ang sumusuot na mabangong amoy ng babaeng katabi niya na bagong paligo.  Minsan ay nagkakadikit ang siko nila habang kumakain at nag-iiba ang pakiramdam niya. "Malayo na ang narating ng haciendang ito hano,Edward?" Nagulat siya ng muling kausapin ng doktor dahil kung saan-saan na naglalakbay ang diwa niya. "Noong nagsimula si Edward na makialam sa mga pananim ay lalong gumanda ang kita ng hacienda, Doc.  Palibhasa tapos ng Agriculture kaya nai-a-apply niya dito ang mga bagong teknolohiya," pagmamalaki ng Itay niya. "Kaya nga may isa akong hihingiing pabor sayo, Edward.  Sana ay hindi mo tanggihan."  "Hangga't sa makakaya ko ho," matabang niyang sagot. "Gusto ko sanang ituro mo kay Alexa kung paano pinapalakad ang haciendang ito.  Walang ibang magmamana nito kung hindi siya." Kung nagulat ang Inay at Itay niya'y lalo na siya.  Hindi niya inaasahan iyon at hindi niya alam kung ano ang itutugon.  Ang naaalala nya dati kay Alexa ay isang spoiled brat na matapobre at kauna-unahang namahiya sa kanya dati sa harap ng maraming tao.  Kahit si Alexa ay nagulat sa sinabi ng ama.  Tila hindi nito sinabi ang dahilan kung bakit bigla ang mga itong umuwi dito dahil halatang labag sa loob ng dalaga ang sinabi ng Doktor.  "What!? Dad?!"  "You heard me, Alexa.  Ikaw lang ang anak ko at kaisa-isang tagapagmana." "But we don't live here!  We can sell this land to anyone ---"   "Hindi ko ibebenta ang lupang ipinamana sa akin ng mga magulang ko, Alexa!"  Halos pagalit nitong sabi sa anak na tila sila lang ang tao sa loob niyon.  "If you don't know the value of this land, ipapaalala ko lang sayo na dito mo kinukuha ang pinanggagastos mo sa mga luho mo." "No. You can't do this to me, Dad."  Ang kaninang mataas na tono nito'y napalitan ng tila paiyak na.  Hiniling niya sa sariling sana'y pinag-usapan muna ng mag-ama ang desisyong iyon ni Martin bago iminungkahi sa kanila. "I can, Alexa.And I will," pinal nitong sabi.  Tumayo sa kinauupuan nito si Alexa at patakbong umakyat sa hagdan at tumuloy sa kwarto.  "Hindi ho ba nagpadalos-dalos kayo ng desisyon, Doc?  Hindi dito lumaki si Alexa.  Iba ang buhay na kinagisnan niya," wika ng Itay Greg niya. "Alam ko, Greg.  Pero kailangan kong turuan sa buhay ang anak ko.  Muntikan na siyang hindi maka-graduate dahil sa mga kalokohang pinaggagawa sa kolehiyo.  Laging nasa bar at pag-uuwi ay lasing.  Muntik pang mabangga dahil nakainom nung umuwi.  Puro barkada ang alam.  Hindi ko na alam ang gagawin ko sa batang iyan." "Kung sa tingin niyo'y iyan ho ang makakabuti sa kanya," sagot ng Itay niya. "Gusto kong si Edward mismo ang sumagot, Greg.  Gusto kong mangako siyang puputulin ang sungay ng anak ko.  Turuan niya ng leksyon sa buhay." "Magsasaka ho ako, Doc,  hindi ko kayang magpaamo ng torong tila nakawala sa kural," pagtanggi niya. "Nakikiusap ako, Edward.  Matanda na ako at hindi ko na kayang makipagsabayan sa lakas ni Alexa.  Isa pa, hindi ko rin alam kung paano ang pagpapalakad sa hacienda.  Gusto kong bago ko isalin sa pangangalaga niya'y hindi niya babalaking ibenta na lang basta ito."  May lamlam sa mga mata ng doktor. Isang mahabang paghinga ang ginawa ni Edward bago muling sumagot.  "Susubukan ko ho." "Maraming salamat, Edward.  Tatanawin ko itong malaking utang na loob." Hanggang sa matapos ang hapunan ay hindi na muling nagsalita si Edward.   Pagbalik sa bahay ay nanatili lang siya sa veranda habang nag-iisip. Ano ang gagawin niya kay Alexa?  Kung aasta pa din ito tulad ng inasta nito sampung taon na ang nakararaan ay hindi na siya magpipigil.  Rich kid like Alexa needs to be tamed.  Muling dumaloy sa isip niya ang nangyaring pagpapahiya sa kanya sampung taon na ang nakalipas.   Abala ang mga tao sa mansyon para sa selebrasyon ng ika-animnapong kaarawan ni Dr. Martin.  Lahat ng tauhan sa hacienda ay abala sa paghahanda at pag-aayos sa hardin. Bente dos na si Edward noon at kakatapos lang ng kolehiyo.  Ang bahay sa hacienda ay napapalibutan ng mga puno ng mangga.  Nakaupo si Edward sa isang sangang nabali ng bagyo sa gilid ng bahay na iyon.  Kakatapos lng nilang magtayo ng mga tent at kasalukuyan nang nilalagyan ng palamuting bulaklak at lobo ng ibang tauhan.  "Hello, handsome."  Nagulat siya nang may biglang sumulpot na isang babae sa kanyang likuran.  Halos magdidilim na dahil alas sais na iyon.   Nakilala niya ang babae na kasama ni Dr. Martin na mga taga Maynila.  "Hi!" ganting bati niya. "I'm Aubrey." Inilahad nito ang kamay na tinanggap naman niya. "I'm Edward." "Maaari mo ba akong isayaw mamaya?" Napakunot noo siya sa tanong nito. "Sige," sagot niya.  Pagkatapos ay may ilang hagikgikan siyang narinig sa likod ng puno. "Sige, aalis na ako salamat!"  Nagmamadaling umalis ang babae at nagtuloy sa likod bahay.  Napailing na lang si Edward. Alas otso nang magsimula ang selebrasyon.  Lahat ay nagkakasayahan at nagdiriwang.  Marami ang bisita na mula pa sa iba't ibang bayan, karamihan ay mga pulitiko at may mga sinasabi sa buhay. Natanaw niya si Aubrey at dalawa pang dalagita na nagbubulungan at nakatingin sa kanya.  Nakilala niya ang isa na anak ni Dr. Martin.  Kung si Aubrey at ang isa pa ay malaking bulas at matangkad,  ang anak ng Doktor ay hindi katangkaran at payat.  Bagama't kung titignan ay halos magkaka-edad lamang ang tatlo. Ngumiti siya kay Aubrey at sa dalawa pa nitong kasama pero nakita niya ang pag-ismid ng anak ng Doktor. Hindi niya na lang pinansin.  Matapos ang halos isang oras ay nagsimula nang magsayaw ang ilang bisita.  Siya ay nakatayo lamang at nanonood.  "Tara na at magsayaw, maraming kadalagahan sa bulwagan,” wika ni Dante na kaibigan niya sa kolehiyo.  Apat silang naroon na pare-parehong kakilala ng Doktor ang mga magulang. "Sige na, kayo na lang muna," sagot niya. Pero dahil sumenyassi Aubrey sa kanya na magsasayaw na sila ay napilitan na rin siyang sumunod sa bulwagan. "Taga Maynila ka rin ba?" tanong niya kay Audrey habang kasayaw ang dalagita. "Oo.  Pinsan ko si Alexa." "Ilang taon ka na?" muli niyang tanong. "Fourteen.  Ikaw? "Twenty two." "Anong trabaho mo?" tanong nito sa kanya "I'm a farmer," sagot niya. "Oh..  wala sa itsura mo ang magsasaka lang.  Akala ko may negosyo kayo rito.” Nagpantig ang tenga niya sa narinig pero hindi nagpahalata.  Kung maliitin nito ang trabaho niya'y tila ito anak ng hari, ni halos hindi pa nga ito nagdadalaga.  Ganito ba ang mga taga Maynila? "Mamaya ay si Alexa naman ang isayaw mo.  Kanina ka pa gustong makasayaw nun," wika ni Aubrey.  Nang tumingin siya kay Alexa ay ngumiti na ito kaya't gumanti siya ng ngiti dito. Matapos ang sayaw ay inihatid niya si Aubrey sa pwesto ng mga kaibigan. "Join ka muna sa amin," yaya nito sa kanya.  Ngumiti siya at nagpaunlak kahit nayayabangan siya sa dalagita.  Siguro naman ay hindi ganun ang dalawa pa lalo na ang anak ng Doktor, wika ng isip niya. "I'm Edward,"  inilahad niya ang kamay sa isa pang babae at kay Alexa na tinanggap naman ng dalawa. "May I dance with you?" tanong niya kay Alexa nang maalala ang sinabi ni Audrey kanina na gusto siya nitong makasayaw.  Nakita niya ang pagsiko ni Audrey dito, bigla naman itong sumimangot ngunit inabot pa rin nito ang kamay niya.  Naramdaman niyang labag sa loob nito ang pagsayaw nila at hindi rin nagsasalita.  Sana'y hindi niya na lang ito isinayaw, saad niya sa sarili.  Hindi naman siya namimilit kung hindi lang siya nasabihan ni Audrey kanina. Iilan na lang ang tao sa bulwagan dahil halos patapos na ang tugtugin.  Nakakahiya lang na ibabalik niya agad ang dalagita sa pwesto nito. "Bakit ka nakasimangot,"  ngiting wika niya.  "Sayang ang ganda mo." "Ang presko mo naman," sagot nito sa kanya na ikinagulat niya.  Hindi na siya umimik.  Birds of the same feather, aniya sa sarili.  Nakita naman niyang nakangisi ang dalawa pa nitong kasama sa kanila. "May hantik ang leeg mo,"  wika niya dito ng makitang gumagapang ang isang hantik na malamang galing sa puno.  Ngunit hindi nito pinansin ang sinabi niya. "Tanggalin mo ang hantik masakit iyang mangagat," wika niyang muli.  Pero tinitigan pa siya nito nang masama. Nang muli nyang makita ang hantik na papababa sa dibdib nito'y agad niyang kinuha at ipapakita sana rito.  Pero kung mabilis ang kamay niya'y mas mabilis ang kamay ng dalagita.  Isang sampal ang pinadapo nito sa pisngi niya sabay alis na ikinagulat ng mga taong naroon. Kung pwede lang siyang lamunin ng lupa doon ay hiniling na niya.  He was never humiliated in his entire life until now.  At sa harap pa ng napakaraming bisita.  "Ipagpaumanhin po ninyo pero tinanggal ko lang ang hantik sa leeg ni Ma'am Alexa," paliwanag niya sa mga tao saka siya umalis ng bulwagang iyon at tuloy tuloy na umuwi.  Kinabukasan ay ibinuhos niya ang inis at pagkapahiya sa maghapon niya sa bukid.  Kahit nang magkaroon ng meeting ang doktor at ilang tauhan sa hacienda ay hindi siya nagpunta.  Dalawang araw pa ang nakalipas bago siya kinausap ni Dr. Martin.  Nagtungo ito mismo sa bahay nila para makausap siya bago ito bumalik ng Maynila. "I'm sorry sa nangyari noong birthday celebration niyo, Dr. Martin.  Sana'y huwag niyong isipin na binalakan ko ng masama ang anak niyo." Wika niya habang nakatingin siya sa mga matatayog na punong natatanaw niya.  Hindi niya kayang tignan sa mata ang Doktor dahil hindi niya alam ang iniisip nito matapos ang insidente. "Ako ang humihingi ng paumanhin, Edward.  Noong una'y talagang nagalit ako.  Pero kinabukasan ay narinig ko ang anak ko at mga pinsan niya na pinagtatawanan nila ang nangyari sa inyo.  At nang hindi ka nagpunta sa meeting ng mga tauhan ay nabahala ako.  Alam kong ikaw ang talagang napahiya sa nangyari." Tumingin siya sa doktor at tumango.  "Sapat na ho sa akin na naniniwala kayong wala akong ginawang masama.  Mag-iingat ho kayo sa biyahe."  Nagpaalam na siya sa doktor na pupunta sa bukid. Mula noon ay hindi na isinasama ng doktor ang anak kapag umuuwi dito sa hacienda.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD