"Salamat at pumayag ka sa hiling ni Doc, Anak. Akala ko'y tatanggi ka," wika ni Greg na inabot sa kanya ang isang tasa ng kape kinabukasan. Halos mag-aalas sais pa lng ng umaga.
"Wala naman ho akong magagawa, lupa nila ang inaani natin ngayon." Bagama't may hatian sa kita sa hacienda, mga tauhan pa rin sila kung ituturing.
"Yun nga lamang ay alam kong mahihirapan kang pakisamahan si Ma'am Alexa. Tingin ko kagabi labag din sa kalooban niya ang gusto ng ama."
"Gagawin ko lang kung hanggang saan ang gusto niyang matutunan. Kung sa huli ay ayaw niya wala naman ho sigurong magagawa maging ang ama niya. Sino naman ho ang taga Maynila ang gusto dito e karamihan pa nga ng tagarito ay sa Maynila gustong manirahan."
"Sayang nga lamang kung mabebenta ito sa iba. Napakalaki rin ng hirap natin lalo kapag dumadaan sa kalamidad ang bayang ito. Sana'y ma-realize ni Ma'am Alexa ang halaga ng haciendang ito."
Hindi siya sumagot. Kung pwede lang tumanggi ay hindi niya na gusto pang makita si Alexa. Mula nang mangyari ang panghihiya nito sa kanya'y nangako siyang hinding-hindi na lalapit pa dito. At sa paglipas ng panahong hindi rin naman umuuwi si Alexa sa hacienda ay nakalimutan na rin niya.
Huminga siya ng malalim bago siya tumayo at nagpaalam sa mga magulang na pupunta sa malaking bahay. Nagsabi ang isang tauhan na maaga siyang pinapupunta ng doktor.
Nasa study room si Dr. Martin nang dumating siya. Kagaya niya'y tapos na rin itong magkape habang nakaupo sa swivel chair sa loob ng library.
"Maupo ka, Edward."
"Magandang umaga ho, Doc." Umupo siya sa silyang nasa harap ng table nito.
"Ano ang lakad mo ngayon?"
"Kakatapos lang ho ng unang ani ng mga mangga. Titignan ko pa ho ang ilang mga naiwan. Mamaya ay dadating din ang kukuha sa mga gulay."
"Puntahan mo si Alexa at isama mo sa mga lakad mo," utos nito nito sa kanya.
"Gagawin ko ho kung ano ang makakaya kong ituro sa anak nyo. Pero siguro'y naalala nyo kung ano ang nagyari sa huling pagkikita namin. At kagabi nakita ko rin ang hindi niya pagsang-ayon na pamahalaan ang hacienda."
"Bata pa siya noon, Edward. Madaling mabuyo ng katulad niyang kabataan. Hindi ko sinasabing mabait na siya pero mula nang atakehin ako'y nakita ko ang unti-unting pagbabago niya. At sana'y mag tuloy-tuloy na. Isa rin sa mga dahilan kaya ko siya dinala dito sa hacienda ay para malayo sa impluwensya ng barkada."
"Maari ko ho bang itanong kung bakit kayo inatake?"
Tumitig si Dr. Martin sa kanya bago nagsalita.
"Nahuli ko siyang may lalaking kasama sa bahay at nakita rin ng katulong ang ilang tableta ng ecstasy. If you know those kinds of drugs."
Napapikit sandali si Edward. Halos nahulaan niya na kung anong reaksiyon ng matanda sa pangyayaring iyon.
"Ang lalaking kasama niya ay boyfriend ho niya malamang?"
"Yes. Pero pilit niyang sinasabing wala siyang alam sa mga drugs na nasa tokador niya. At na pinipilit siyang pagtangkaan ng masama kaya siya nagpupumiglas nang makita ng katulong. Na sabi naman ng lalaki ay may pinag-aawayan lang silang magkasintahan. Petty quarrels you know."
"Matagal nya na ho bang kasintahan iyon?"
"Hindi ko alam. Nakikita ko ng madalas pero hindi ako nakikialam pagdating sa personal na buhay ng anak ko. Pero kung manganganib ang buhay at kinabukasan niya'y hindi ko mapapayagan. Tatlo ang dahilan ko ng pag-uwi namin dito. Una ay ang ilayo siya sa lalaking iyon, pangalawa ay sa mga barkada niya."
"At ang pangatlo ho?" Tanong ni Edward nang hindi muling magsalita ang matanda.
"Ang ipakasal kayong dalawa sa loob ng anim na bwan."
"A-Ano ho??"
"Kailangan ng anak ko ng lalaking hindi niya kayang pasunurin Edward. Maliban sa lalaking binanggit kong kasama niya bago ako atakehin ay sunud-sunuran lahat sa kanya."
"Tulad ho ng sinabi ko kagabi hindi ko ako tagapaamo ng toro. I am also no saint, Dr. Martin, para ipagkatiwala nyo sa akin ang anak nyo."
"Marangal kang tao, Edward. Alam kong makabubuti ka para sa anak ko."
"Hindi ho ako pumapayag, Dr. Martin. Hindi ho kayo ang magdedesisyon tungkol sa bagay na iyan." Tumayo at akmang aalis nang magsalita ulit ang matanda.
"Kalahati ng hacienda ay ipapangalan ko sayo, Edward, pakasalan mo lang ang anak ko."
Lumingon siya nang nakakunot ang noo. "Wala hong katumbas ang kalayaan ko. Aalis na ho ako." Tuluyan na siyang lumabas ng silid bago pa muling makapagsalita ang Doktor.
Palabas na siya ng mansyon nang siyang pagbaba naman ni Alexa at nagkabungguan sila nito. Naka roba ito ngunit hindi naman nakatali at sa ilalim ay nighties na suot na halos bakat na ang katawan. Hindi niya napigilang hagurin ang kabuuan nito na nagbigay ng init sa pakiramdam niya.
"L-let me go.." mahinang sabi ni Alexa na nagpagising sa diwa niyang umabot na kung saan. Hawak pa pala nito ang balikat niya para hindi ito mawalan ng panimbang. Itinali ng dalaga ang robang kanina ay nakabukas lang.
Shit, he cursed himself.
Binitawan niya ito saka nagmamadaling umalis.
Si Alexa'y nagulat sa inasal ng binata. Ni hindi man lang siya binati ng good morning at ang anyo nito'y tila galit na galit. At sa unang pagkakataon sa buong buhay niya'y may isang lalaking imbes na paluguran siyang lalo sa ganitong ayos niya ay lalong tumakbo palayo na para siyang maysakit.
Tumuloy siya sa study room para kausapin ang ama.
"Good morning, Dad."
"Mag almusal ka muna,Anak. Mamaya ay susunduin ka ni Edward para umpisahan ang pagtuturo sayo."
"Kailangan ko ba talagang gawin to, Dad? Ipinangako kong hindi na mauulit yung nangyari, I don't even want to see Raffy anymore!"
"Subukan mo muna, Alexa. Kapag walang nangyari ay mapipilitan akong ipamahagi sa mga tauhan ng hacienda at lupain dito. Hindi ko ipagbibili ang lupang ito na galing pa sa mga magulang ko sa mga negosyanteng puro pagpapatayo ng building ang alam. Mas gugustuhin ko pang mga magsasaka rin ang makinabang ng lupaing ito."
"Edward doesn't like me and I don't like him either. Napakaseryoso at tila laging galit. He is so boring."
"Naiintidihan ko siya dahil alam mong hindi naging maganda ang huli nyong pagkikita. Marami ring trabaho at iniisip si Edward. Hindi biro ang magpatakbo ng ekta-ektaryang lupain."
"I can't believe this. Bakit hindi nyo na lang ipaubaya sa kanya ang pangangasiwa tulad ng dati. Bakit kailangan kong ma-involve? I am a nutritionist Dad, not a farmer."
"Maghanda ka na Alexa. Baka mainip si Edward."
Nagpupuyos sa galit si Alexa na lumabas ng silid na iyon.