Chapter 4

1057 Words
Pinag-iisipan ni Alexa kung ano ang isusuot sa unang araw niya bilang haciendera.  Wala na siyang magagawa kundi sumunod sa ama niya.  She felt responsible for his first heart attack at talagang natakot siya sa nangyari.  Her Dad is the only relative she has after her mother passed away when she was still young.  Kung hindi rin naman sa dahil sa ex-boyfriend niya'y hindi sila aabot dito.  Raffy tried himself on her at may dala pa pala itong mga drugs nang magpunta sa bahay.   Mabuti na lang at narinig siya ng mga katulong nang sumigaw at humingi siya ng tulong. Hindi siya nakapagsampa ng kaso dahil lalo lang sasama ang loob ng ama kapag paulit-ulit pang pag-uusapan ang mga pangyayari.  Isa pa'y mahirapan din siyang idepensa ang sarili dahil siya mismo ang nagpapunta kay Raffy sa bahay nila. Dahil sa mga nangyari ay para siyang batang naging sunod-sunuran sa ama.  Isang denim short at white tank top ang isinuot niya dahil mainit ang panahon.  Nagpaalam siya sa ama bago umalis na kasalukuyang kumakain ng quaker oats at itlog.  Ito ang laging almusal nito. "Alexa,"  tawag sa kanya ng ama nang nasa pinto na siya. "Magpakabait ka kay Edward ayoko nang maulit ang nangyari ten years ago."  She smiled.  "I can't promise, Dad."  Kumindat pa siya sa ama.  Sa tingin niya sa binata ay madali itong mairita. Nakatayo siya sa harap ng pinto ng passenger's seat ng pickup ni Edward ngunit tila wala namang balak pagbuksan siya ng pinto.   The nerve of this man! Nang makasakay siya'y nakatingin na ang binata sa kanya.  Disgust was on his face saka itinuon ang tingin sa kalsada. "Ano yang suot mo, Alexa?" "Anong problema sa suot ko, Edward?" "Sa bukid tayo pupunta, puro kalalakihan doon.  Baka may masampal ka ulit kahit wala namang kasalanan."  Alam niyang kung ano ang ibig nitong sabihin. "I can take care of myself, Edward.  Let's go." "We're not leaving hangga't hindi ka nagbibihis," seryoso pa ring sabi nito. Nagpupuyos ang dibdib niya sa inis.  Unang araw pa lang ay parang gusto niya nang pagsisihan na pumayag siya sa ama.  Padabog siyang bumaba at bumalik sa bahay. Isang V-neck long sleeve ang isinuot niya na nakatupi hanggang siko at isang long skirt tulle.  Pagkatapos sinipat ng sarili sa salamin ay lumabas siyang muli.  "That looks better on you, Alexa," wika ng ama na iba ang ngiti sa labi.  Sinundan nito ng tingin ang anak mula sa pinto hanggang sa sumakay ng pickup si Alexa.  Si Edward ay kumaway kay Dr. Martin bago pinaandar ang sasakyan. "May maayos ka naman palang damit ba't pilit mong sinusuot yung halos hindi na magkasya."  Nangako si Alexa sa ama na magpapakabait kaya hindi na siya sumagot.  Itinuon ang tingin sa tila mahabang pila ng punong mangga na nadadaanan nila.  Sa totoo lang ay ngayon pa lang niya malilibot ang buong hacienda. Hindi na rin nagsalita pang muli si Edward.  Palihim niya itong tinitingnan.  Malaki na ang pinagbago nito, mas malaki na ang katawan at mas malakas na ang dating.  Ang mga muscles sa braso nito'y tanda nang banat sa trabaho.  May balahibo ang dibdib nito na kita sa puting polo nitong nakabukas ang ilang butones. "Sinusuri mo ba talaga ang lahat ng lalaking nakikilala mo?" tanong nito nang hindi lumilingon sa kanya.  Paano nito nalamang nakatingin siya? "Masama ba ang humanga sa tulad mo, Edward?  In fairness, you're good looking."  Tinapangan niya ang sagot para makabawi sa pagkapahiya.    Kanina pa siya ginagalit ng lalaking ito.  "Pumasa ba naman ako sa standards mo?" May pilyong ngiti na sumilay sa labi nito. "Hmmm, pwede na.  Kung physical ang pag-uusapan." "Hindi lang physical ang kaya kong ipagmalaki.  Pati rin 'performance'."  Diniinan pa nito ang huling salita at sandaling lumingon sa kanya.  Pinamulahan siya ng mukha pero hindi siya nagpa-apekto.  Hindi mananalo ang lalaking ito sa kanya. Nakarating sila sa dulo ng manggahan kung saan may kubo para sa pahingahan ng mga tauhan.  Nagulat siya ng biglang bumaba si Edward at umikot sa may gawi nya para pagbuksan siya ng pinto. "Hmm..  Na-late yata ang pagiging gentleman mo."  Hindi pa siya bumaba ng sasakyan "Baka kasi gusto mong ma-experience ang performance na sinasabi ko," nakangising wika nito sa kanya.  Sumimangot siya at hinawi ang kamay nitong naka-abang.  Ngunit pagbaba niya'y sumabit ang heels sa mahabang palda niya at nawalan siya ng panimbang.  Mabilis siyang nasalo ni Edward.  Ang kamay nito'y nasa bewang niya ay ang kamay naman niya'y nasa dibdib nito.  Naaamoy niya ang hininga nito dahil halos magkadikit ang mga mukha nila.  At naramdaman niya ang matigas na bagay sa pagitan ng hita nito! "L-let me go.."  halos pabulong niyang wika.  Wala pang isang oras ay dalawang beses niya nang sinabi ang salitang iyon. Pinakawalan siya ng binata at inayos niya ang sarili.  Nagpasalamat na lng siya dahil walang tao sa kubo. "Ano ba ang una mong gustong matutunan?" tanong ni Edward sa kanya habang naglalakad sila sa silong ng mga mangga. "Hindi ko alam, sa totoo lang hindi ako interesado dito.  Si Dad lang ang may kagustuhan nito." Huminto ito sandali at tinitigan siya, ang kamay ay inilagay sa baywang na tila nagtitimpi rin. "Well, decide now, young lady.  Marami akong gagawin at nasasayang ang oras nating dalawa kung hindi ka naman interesado."  May galit sa tono nito. "Ikaw na ang bahala kung ano ang gusto mong ituro."  Nakikipag paligsahan siya sa tono ng boses nito.  Nagpigil ng inis si Edward.  Masyado pang maaga para magkainisan silang dalawa.  Hinila nito ang kamay niya saka nagsimulang maglakad ulit. "Sixty percent ng lupang ito ay natataniman ng mangga.  Kahapon na harvest na ang mga bunga pero meron pang mga maliliit na pwede pang i-second harvest." Tumingala siya sa puno at nakita niya ang ilan pang mga bunga na di pa nahihinog. "Ilan ba ang trabahador ng hacienda?" "Sa ngayon may sampu tayong regular na pinapasahod.  Kapag maraming aanihin saka lang kami kumukuha ng dagdag na trabahador. Pagkatapos nilang mag-ikot ay tumuloy naman sila sa pag-aani ng mga gulay sa kabilang bahagi ng hacienda.  May ampalaya, okra, talong at kung ano-ano pa.  Nakabalot na ng plastic ang mga iyon at isinasakay na sa nakaparadang trisekel nang dumating sila.  Matapos ipakilala sa mga tauhan ay siya na ang nag-compute at tumanggap sa bayad ng mga naani. Bago makapananghali ay hinatid na siya ni Edward sa mansyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD