Bago mag alas dos ay bumalik muli si Edward sa mansyon para sunduin ang dalaga. Umalis daw ang Doktor sabi ng katulong at si Alexa ay tulog.
"Tulog?! Pakigising mo dahil kailangan naming pumunta sa bukid," utos niya sa katulong
"Eh baka ho magalit. Kayo na lang ho bukas naman ang kwarto niya."
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa at umakyat sa kwarto nito. Si Alexa'y nakadapa at mahimbing ngang natutulog.
Sumandal siya sa tokador at pinagmasdan ang mukha nito. One of the prettiest faces he'd ever seen. Kung hindi mo siya kilala'y mapapagkamalan mong mabait dahil sa maamong mukha nito. And she's soft and sweet. Tila sixteen years old gayung twenty two na ito. Ang balat nito't parang labanos kapag nasa gitna ng araw.
At nang mapadako ang mata niya sa ibaba ng leeg nito ay napaungol siyang lihim. This girl, though small, is filled at the right places.
"Do you like what you see?" Napatuwid siya ng tayo ng biglang nagsalita si Alexa. Hindi niya inaasahang magigising ito.
"Hapon na, Alexa, kailangan pa nating bumalik sa bukid." Tumuwid siya ng tayo at lalabas na sana ng silid ng nagsalitang muli ang dalaga.
"Why don't you tell me, pasado ba ako sa standards mo? Kung tignan mo ko'y tila gusto mo akong..." hindi nito tinapos ang sinabi na marahil ay gusto lang siyanitong inisin.
Bumalik siya at inilapit ang mukha nito sa kanya. "If it will satisfy your ego, then yes, you passed the standards kung physical lang ang pag-uusapan, sweetheart. But I'm sorry, I don't ravish little girls kahit pa maghubad pa sa harap ko." Hinawakan nito ang labi niya sabay tapik sa pisngi at tumayo. "Five minutes, Alexa. Kanina pa ako naiinip." Tuluyan na siyang lumabas ng kwarto.
Nanggagalaiti naman sa inis si Alexa ng pumasok sa banyo at nagbihis. Inaantok pa siyang talaga dahil hindi siya gaanong nakatulog kagabi. Sira ang aircon niya sa kwarto at dahil mainit ay nagbukas siya ng bintana. Ang kaso'y puro kulisap naman ang naririnig niya.
Naiinip na si Edward sa paghihintay na halos kalahating oras pa ang nakalipas bago bumaba si Alexa. She's damn sexy sa suot nitong denim dress. Mula nang mahawakan niya ito kaninang umaga'y natatakot na siyang mapalapit dito dahil sa kakaibang nararamdaman. Hindi siya santo. At tuwing mahahawakan at maamoy niya ito'y naglalakbay agad ang diwa niya. Nang mahawakan niya kanina ang labi nito'y pinigilan lang niya ang sariling hagkan ito.
Kung hindi lang niya iniisip ang dignidad niya'y papayag siya sa gusto ng ama nito na pakasalan ito. But hell, no. Rich and spoiled kids like Alexa were not his cup of tea anymore. Tama na ang isang Monica sa buhay niya.
"You're twenty five minutes late, señorita," wika niya matapos paandarin amg sasakyan.
"So what, even if it's thirty five?" pagalit nitong sagot
"Well, kung mamamasyal ka sa park ay walang kaso iyon, Alexa. Pero kung may mga kausap kang negosyante ang bawat minuto ay mahalaga. Yan ang una mong dapat matutunan," may diin niyang sabi.
Hindi ito sumagot. Itinapat ang aircon sa katawan at pumikit.
"The aircon in my room doesn't work. Can I call someone to fix it?"
Napatitig siya dito. Kaya pala ito tila puyat.
"Papupuntahin ko mamaya," wika niya.
Isang oras pa lang sila sa bukid ay nainip na ang dalaga at bumalik na sa pickup. Akala ni Edward ay may kukunin lang pero sumandal na ito doon at ipinikit ang mata. Dagli niya itong pinuntahan.
"Anong ginagawa mo?" paanas niyang tanong
"Nagpapahinga. Masakit ang ulo ko," sagot nito na nanatiling nakapikit.
"I'm sorry, señorita, pero hindi pa oras ng pahinga. Bumaba ka diyan at humarap ka sa mga trabahador." Alas tres pasado na noon at kasalukuyang nagme-merienda ang mga tao.
Tinawag siya ng Itay Greg niya at sinenyasang hayaan na muna si Alexa doon.
"Huwag mong biglain si Ma'am Alexa, Edward. Nag-aadjust pa siya sa buhay niya dito." Muli niyang nilingon ang dalaga saka huminga ng malalim.
Pagkatapos mag-merienda ang mga tao ay bumalik na sa bukid. Si Edward ay bumalik sa pickup imbes na sumama sa mga trabahador. Hindi niya pwedeng iwanan ang dalaga na mag-isa sa sasakyan.
Bago pinaandar ang pickup ay tinitigan niya ito na mahimbing na ang tulog. Unang araw pa lang ay libo-libong emosyon na yata ang idinudulot nito sa kanya.
Idinaan muna ni Edward sa bahay ang sasakyan at may kinuha roon bago nito hinatid ang dalaga sa mansyon.
"Alexa." Kinyari ay nilakasan nito ang boses niya para magising ang dalaga. Nagising naman agad ito at nagulat na nasa tapat na sila ng mansyon.
Kinuha niya ang mga libro na dinaanan niya sa bahay kanina at inabot sa dalaga.
"Ano ‘to?"
"Hindi ako baby-sitter mo na babantayan ka habang masarap ang tulog mo. Magbasa-basa ka na lng muna ng tungkol sa pagtatanim, ako na lang ang babalik sa bukid."
"You could've left me in the car. Hindi mo ko kailangang bantayan!" pagalit na sabi nito.
"At makita ka ng mga trabahador na natutulog?"
"So what, Edward? Ako ang may-ari ng hacienda gagawin ko kung ano ang gusto ko!"
Hindi napigil ni Edward ang inis at iniharap nito ang mukha ni Alexa sa kanya.
"Hindi mo kailangang ipangalandakan ang pagiging amo dito, Alexa. Kaya kita iniuwi dito para ipagpatuloy ang pagtulog mo! Hindi magandang tignan na habang sila'y bilad sa araw at nagtatrabaho ikaw naman ay tulog at naka-aircon pa. Ano na lang ang iisipin nila? Na ikaw lang ang anak ng Diyos?"
Pagalit na inalis ni Alexa ang kamay nitong tila bakal na hinawakan ang mukha niya at binuksan ang pinto ng pickup.
"Naiwan mo ang mga libro!" galit pa ding sabi ni Edward. Pahablot naman nitong kinuha ang mga libro sa upuan at nagmadaling pumasok ng mansyon.
Damned rich kids, Edward told himself.
Inihagis ni Alexa ang mga libro sa kama at ibinagsak ang sarili doon. Ang sarap ng tulog niya dahil may aircon sa kotse pero inuwi siya dito sa bahay. Nawala rin ang antok niya dahil sa init ng panahon. Nagpasya na lang siyang pumasok ng banyo at maligo ulit. Kinuha niya ang cellphone at headset saka nagbabad sa bathtub. Hindi maalis sa isip niya ang galit na anyo nito nang sabihin niyang siya ang may-ari ng hacienda. Kahit siya'y nagulat sa nasabi. Hindi naman iyon ang ibig niyang sabihin pero sa inis niya sa binata ay kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bibig niya.