Hapon nang nakarating si Alexa sa mansyon dahil alas otso na siyang nakaalis sa bahay nila sa Quezon City. Tiyak niyang magugulat ang ama sa biglaan niyang pag-uwi dahil nakapagpaalam siya ng maagang leave na dapat ay sa susunod na buwan pa. Sa tuwina ay kinasasabikan niya ang pag-uwi sa pag-asang makikita si Edward kahit sandali. “Nasaan si Dad, Nelia?” tanong niya sa katulong na kasalukuyang naglilinis sa hardin ng mga tuyong dahon ng mga halaman. “Kayo po pala, Ma’am Alexa! Nasa bukid po, maghapon po minsan doon iyon kasama si Mang Greg.” “Sige, pupuntahan ko sa bukid,” wika niya sa katulong. Matapos iwanan ang ilang gamit at mga biniling pasalubong sa ama ay nag-drive siya patungo sa bukid. Alas kwatro na ng hapon kaya’t malamang ay nagpapahinga na ang mga ito sa k

