Chapter 7
Raiya's Pov
Dumating si papa may dalang pintura at siya na lang daw mag pintura sa loob ng kwarto.
“Nextweek na pala darating si tito Lucas.
Parang kinakabahan akong makita siya baka mas strikto pa siya sa mga magulang.” Sabi ko sa sarili
Bigla ko tuloy naalala ang boses niya na parang familiar sa akin. Hindi ko lang maalala kung saan ko narinig dati. May kahawig siyang boses.
( School)
“Raiya nakahanap ka na sasayawin natin?” Tanong ni Trisha sa akin.
“Meron, As long as you Love me na lang sasayawin natin madali lang ang step .” Wika ko kay Trisha habang nasa loob ng room.
“Maganda nga yan para saglit lang ang step.” Wika din ni Joanna sa akin
“Okay na yan basata maka sayaw tayo.” Sabi ni Ken din
“Oo naghanap kasi ako madali lang din kasi darating tito ko ngayon na week at para madali kong ituro sa inyo.” Wika ko sa kanila
“Ano practice natin ngayon pag katapos nitong klase natin?” Wika ko sa kanila.
“Sige ba maya para alam din namin ang mga step ng sayaw.” Wika ni Lhea sa akin.
“Pagnatapos itong klase natin hanap tayo venue para doon tayo mag practice ng sayaw.” Wika ko sa kanila habang naka upo kami sa classroom.
Dumating na ang aming instructor at nagsimula na ang klase namin ngayon.
Ilang oras din ang klase namin at nag exam pa kami bago kami bitawan ni Sir Tulin sa subject naming Math.
Isang oras kaming walang kasunod na instructor kaya may oras kaming mag practice ng sayaw.
Nag form kaming lima si Ken ang nasa gitna tapos ako ang nasa kaliwa at si Trisha ang nasa kanan. Si Lhea nasa likod ko at si Joanna sa kabilang side din.
Itinuro ko step by step na mga unang action.
“1,2,1,2,3,1,2,1,2,3 side by side again.” Wika ka ko sa kanila.
Tapos ibang action na naman hanggang paunti-unti naituro ko na sa kanila ang buong step sa kanila.
“Madali lang pala kayong turuan.”Wika ko sa kanila
“Easy lang pala Raiya ang mga step mo kayang kaya namin sayawin.” Wika ni Trisha sa akin.
“Gusto mo bang mahirap sige gagawin ko na lang hiphop na lang kaya gusto nyo?” Tanong ko sa kanila .
“Ay,wag na Raiya sakto na kami dito na sayaw.” Sagot ni Joanna
“Ikaw Trisha mag re react ka pa talaga gusto mo atang pahirapan tayo ni Raiya sa mga steps.”Wika ni Joanna na naiinis siya kay Trisha.
“Okay, kaya naman sana hiphop sana kung pwedeng isayaw.”Wika ni Trisha
“Hala! Kung kaya mo naman Trisha mag hiphop pwede ka naman mag solo sumayaw. Huwag ka na lang sumali sa amin.” Wika ni Joanna kay Trisha.
“Okay,okay fine tatahimik na .” Wika ni Trisha habang nakakunot noo siya nagsasalita.
“Sige at the top ulit tayo para masaulo nyo din ang mga step natin.” Wika ko sa kanila.
Pinatugtug ko ulit ang sayaw para ma practice ulit namin agad. Pagkatapos ng ilang practice nagpahinga muna kami saka pumasok sa sunod na subject namin.
“Okay guys sa ibang araw ulit tayo mag practice madali lang naman sayaw natin para lang naman pang grades tayo kay Mrs. Vilbar.” Wika ko sa kanila na nagpapahinga muna
“Pasok na tayo sa next natin na subject. Paano na yan mauna ako punta ako saglit sa canteen nagutom ako. Bye.” Wika ko sa kanila habang paalis na sa kinaroroonan nila.
“Grabe hiningal ako doon sa practice naming sayaw. Nauuhaw na talaga ako.Gusto kong uminom na malamig na soft drinks.” Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad papuntang cafeteria.
“Ate isang burger at soft drinks po.” Wika ko sa tindera.
“Ito po order nyo po ate.” Wika niya sa akin
“Ito po ang bayad. Salamat po.” Wika ko sa kanya sabay abot sa pera.
Binuksan ko agad ang soft drinks sabay tungga at kumain na din sa burger. Habang kumakain tumingin ako sa relo may 5 mins na lang ako makakapunta sa room. Dali-dali ko ng kinain ang burger at ininum agad ang soft drinks para maubos na din ito. Pagkatapos pumunta na ako agad sa classroom.
Saktong five minutes nakapasok na ako agad sa classroom namin. Sumunod pumasok si Mrs. Cano para Steno namin .
Habang nag tururo si Mrs. Cano napapa idlip na ako sa klase. Babagsak na talaga mata ko sa pakikinig sa pagtuturo niya sa amin. Pakiramdam ko hinihili ako sa sobrang ka antok ko.
Naka survive pa rin mata ko kahit papik pikit na mata ko nakikinig pa rin ako sa leksyon niya sa harapan. Bigla na lang ng bell napagising na ako dahil uwian na.
“Mapapatulo laway ka na naman Raiya sa ginagawa mo habang nagtuturo si Mrs.Cano sa atin.” Wika ni Ken sa akin.
“Paano kasi na boboring kasi talaga ako sa Steno subject eh pakiramdam ko hinihili ako sa pag explain ni Mrs. Cano sa atin.” Wika ko kay Ken
“Buti na lang last subject na pala natin ito si Mrs.Cano kaya makakauwi na tayo ngayon.” Wika ni Ken sa akin.
“Pano ba yan Raiya uwi na ako. Napagod din ako sa practice natin kanina ng sayaw.” Wika niya sa akin habang nilalagay niya bag niya sa likod.
“Sige na umuwi ka na at ako'y maghihintay pa ako sa sundo ko.” Wika ko sa kanya.
“May taga sundo ka na pala?” Tanong ni Ken sa akin.
“Si papa ang sumusundo sa akin Ken wala ng iba.” Wika ko kay Ken na akala mag ibang nag susuundo
“Kala ko may nag susundo na sayong iba.” Wika ni Ken sa akin.
“Sige na alis na ako uwi na din ako.Bye.” Wika niya sa akin habang paalis na siya sa harapan ko.
Naglakad na din ako pa labas at umupo sa waiting shade.
Napa isip ko na naman manghiram ng pocketbook para sa next babasahin ko.
Pumunta ako sa lagi kong hinihiraman para manghiram ulit ng ibang babasahin.
“Laira,meron ka pang pocketbook natapos ko ng basahin yung nahiram ko sayo isasauli ko na ngayon pahiram ulit ako panibago.” Wika ko sa kanya.
“Sakto may dalawa ako dito pero s*x love ang meron dito sa akin Raiya.” Wika niya sa akin
“Maganda ba yan?” Tanong ko sa kanya.
“Oo naman Raiya maganda din ito. Try mong basahin Raiya promise maganda ito.” Wika sa akin no Laira.
“Hmmm.. sige na nga sabi mo ha maganda yan.” Wika ko sa kanya.
“Oh ito na dalawa yan nasa sayo. Nasaan na yung isa hiniram mo?” Wika ni Laira sa akin.
“Ito na dala ko naman sa bag wait kunin ko.” Wika ko kay Laira
Binaba ko ang aking bag saka kinuha sa loob ng bag ko ang pocketbook at binigyan sa kanya.
“Ito na yung pocketbook na aking hiniram Laira.” Wika ko sabay abot sa kanya
Inabot din niya ang dalawang pocketbook na aking hihiramin.
“Apoy sa Langit at Wet in my Dreams sige try ko itong basahin itong dalawa.” Wika ko sa kanya.
“Okay basta pagkatapos mo sauli mo lang sa akin Raiya para mapahiram ko din sa iba.” Wika niya sa akin.
“Sige salamat nito.” Wika ko sa kanya.
“Grabe mga title nito parang nakakatakot basahin.” Wika ka ko sa sarili.
Unahin ko na lang muna itong Apoy sa Langit basahin habang wala pa si papa.
Tahimik na naman akong nagbabasa sa waiting shade habang hinihintay ang ibang kasabayan ko.
Naka ilang chapter na din ako habang wala pa si papa para sunduin kami dito. Maya-maya dumating si Chona at Friddie.
Naghintay din sila sa waiting shade habang hinihintay din namin si Theo na wala pa.
Dumating na si papa pero walang Theo ang lumitaw.
“Wala pa si Theo anak?” Tanong ni papa sa akin.
“Wala pa naman pa ewan ko doon asan yun.” Sagot ko kay papa.
“Hintayin lang nating saglit baka may ginawa sila project ba o may klase pa.” Wika ni papa sa amin .
Hinintay namin siya mga 10mins pero walang Theo lumabas.
“Tara na gumagabi na uwi na tayo.” Wika ni papa sa amin.
Sumakay na sila Chona at Freddie sa loob ng tricycle at hindi na namin nahintay si Theo dahil sobrang tagal na niya lumabas.
Pagka uwi namin dumaan kami sa kanila para tanungin kung naka uwi na ba siya o hindi pa para balikan ni papa sa bantay.
Huminto si papa sa harapan ng bahay.
“Aling Mona nandyan na ba si Theo?” Tanong ni papa kay Aling Theo.
“Ay oo kanina pangtanghali wala daw silang klase kaya umuwi na lang siya kaninang tanghali.” Wika ni Aling Mona kay papa.
“Dapat nag sabi din sana siya na umuwi na kanina hintay kami ng hintay doon gabing gabi na kaya Aling Mona.” Wika ni papa kay Aling Mona.
“Hindi pala nagsabi sa inyo pareng Carlos?” Biglang tanong ni Aling Mona kay papa.
“Hindi kahit lang sana nag bilin na lang kay Raiya wala . Dapat kasi magsabi siya para hindi kami maghintay doon.” Wika ka ni papa kay Aling Mona
“Pagpasensyahan mo na pre pagsasabihan ko si Theo maya pareng Carlos.” Wika ni Aling Mona.
"Pa, hayaan mo na lang ako na lang po magsasabi kay Theo na magsabi siya sa susunod." Wika ko kay papa na mukhang galit na siya.
"Hindi kasi mabuti ginawa niya anak pinaghintay niya tayo doon tapos may iba pa tayong pasahero." Wika ni papa sa akin.
"Hayaan mo po pa ako na mag explain kay Theo kung uuwi man suya dapat magsabi din siya sa akin o kaya po sayo pa. Huwag na lang po i daan sa init ng ulo papa." Paliwanag ko kay papa.
"Pasensya na anak hindi ko sinasadya masagot si Aling Mona dahil sa ginawa ng kanyang anak." Wika ni papa sa akin
"Tara na papa uwi na tayo." Aya ko ni papa para umuwi na.