Chapter 6

1670 Words
Chapter 6 Raiya's Pov Nakahanap na pala ako ng tugtugin na sayaw nasa ulo ko na din kagabi ang mga steps. Kailangan ko lang ulitin ngayon dahil nakatulog na ako kagabi. Iniba ko na lang ang music ng kanta para madali namin maisayaw. Ilang ulit ko din na practice para ituro na lang sa kanila sa Lunes. Ng natapos na magpahinga na din ako. “Anak pwede ba kitang mautusan anak pumunta ng bagatan.” Wika ni mama sa akin “ Anong gagawin ko doon mama?” Tanong ko sa kanya habang nakaupo ako “Kunin mo lang yung na order ko na kurtina at bedsheet para sa kwarto ng tito Lucas mo mag kuliglig ka na lang para mabitbit yun anak.” Wika ni mama sa akin habang naglalaba. “Isama mo si John para may kasama kang pumunta doon.” Dagdag niya pa ito. “Sige po mama.” Sagot ko John! John! Samahan mo daw ako punta tayo bagatan kunin natin na order ni mama na kurtina. Sakay na naman tayo kuliglig John.” Wika ko sa kanya na alam kong gusto niya din sumakay. “Sige ate Raiya tara.” Wika niya sa akin sabay takbo sa kuliglig para sumakay. “Oh, Raiya kapatid mo ha. Ingat kayong dalawa.” Wika ni mama sa akin. “Opo mama punta na kami mama.” Wika ko kay mama. Pinaandar ko na ang kuliglig saka umalis na kami ni John sakay ng kuliglig. “Thug..thug…thug…” tunog ng kuliglig habang nasa daan kami ni John. Malayo layo din yun pupuntahan namin kaya pinagamit talaga ni mama ang kuliglig. “Hawak ka dyan John. Baka mahulog ka dyan.” Wika ko sa kanya. “Opo ate naka hawak po ako dito.” Wika niya sa akin. Iniliko ko ang kuliglig tapos umakyat kami sa mataas na daan. Tapos nagpababa ulit kami. “Hawak ka ng maigi dyan John.” Wika ko kay John. “Dito na tayo John baba na muna.” Wika ko sa kanya. Bumaba na din ako para kunin ang pinag utos ni mama sa akin. “Tao po! Tao po! .” Sambit ko sa gate habang nakatayo. “Ah, iha ikaw ba yun anak ni Elena?” Tanong ng babae sa akin. “Opo Auntie ako nga po. Inutusan kami ni mama kunin yung ni order niya po sa inyo.” Wika ko sa Ali. “Abay,napakagandang dalaga naman pala anak ni Elena.” Wika niya na pinuri ako sa ka gandahan ko. “Salamat po.” Sagot ko sabay ngiti “Ito na order ni mama mo ineng.” Wika niya sabay abot sa akin. “Ikaw ba yan nagdala ng kuliglig?” Tanong niya sa akin “Opo Auntie.” Sagot ko “Ay, marunong ka pa lang magdala niyan? Kay gandang bata nag d drive ng kuliglig.” Gulat niyang sabi sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya habang inaabot niya ang isang plastic na blue . “Auntie alis na po kami ng kapatid ko. Salamat po nito.” Wika ko sa kanya. “Sige ingat kayo ineng.” Wika niya sa akin Binuhat ko ang malaking plasti na may laman na kurtina at bedsheets para isakay sa kuliglig. “John, sakay ka na uwi na tayo.”Wika ko sa kanya. “Opo ate .” Wika niya sa akin. Dali-dali siyang umakyat sa likod para makasakay na siya agad. “Umupo ka dyan John hawakan mo yang plastic na nandyan sa likod.” Wika ko sa kanya habang pinapa andar ko na ang kuliglig. Dahan-dahan kung minaneho ang kuliglig namin hanggang sa maka uwi na din kami ni John. Nang nakarating na kami sa bahay agad kaming sinalubong ni mama para mabitbit ang kinuha naming order niya na ng galing sa bagatan. Inayos ko muna ang kuliglig ma i pwesto saka bumaba na kami ni John. “Ako na mag baba ng plastic Raiya.” Wika ni mama sa akin. “Tulongan kita mama para ma abot ko sayo.” Wika ko kay mama habang naka tayo ako sa taas ng kuliglig. “Sige anak paki abot na lang.” Wika ni mama sa akin. Binuhat ko ang malaking plastic saka inabot sa kanya agad. “Opss!Mabigat pa naman mama dahan-dahan po.” Wika ko kay mama habang inaabot sa kanya Pagkatapos kung inabot bumaba na ako agad sa kuliglig namin. “Anak salamat sa pagkuha ninyo ni John itong inorder ko.” Wika ni mama sa akin “Okay lang yun mama.” Wika ko sa kanya. Pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Pagkatapos umakyat na muna ako sa taas at nagtungo sa kwarto ko. Pagdating ko sa kwarto agad akong nagpalit ng damit sa sobrang pawis ko galing sa init. Nagpahinga ako saglit sala nag practice ulit ng sayaw. Pinatugtug ko ulit ang music at sinabayan ko na sa sayaw. Isang saglit na kabisado ko na mga action at ilang ulit ko din pinatugtog at sinayaw ito. Ilang oras din ang pag practice hininto ko na ito at nag tungo na ako sa baba. “Anak manang halian na tayo pagkatapos tulungan mo naman akong maglinis sa magiging kwarto ni tito Lukas mo doon sa tapat ng kwarto mo.” Wika ni mama sa akin. “Sige po mama kain muna po tayo nagugutom na din po ako.” Wika ko kay mama. “John kain na tayo.” Sambit ni mama Lumapit si John at naghugas ng kamay sa lababo para kumain na din siya . “Mamma ,walang manok ma? Puro na lang po gulay?” Tanong ni John kay mama “Naku!John huwag kang mamili ng ulam kung anong meron sa hapagkain kailangan magpasalamat na lang. Yung ibang bata wala nga makakain eh. Ikaw ma swete ka na nga laging may pagkain ka na John.” Sermon ni mama kay John habang nasa hapagkainan kami kumakain na. “Mama naman eh gusto ko kasi manok na prito.” Kunot noo nyang sagot kay mama. “Naku! John kung nandito papa mo ngayon mapapagalitan ka ngayon sa kakapili mo ng ulam.” Sagot ni mama sa kanya “John kumain ka na lang kaya dyan. Huwag kang mamili ng ulam masarap naman ulam natin gulay pangpalakas ng katawan.” Wika ko kay John Nakasimangot siya nakaharap sa hapag kainan. “John kailangan huwag tanggihan ang grasya John paano pala pag wala na tayong makain John saan ka kukuha? Huwag mong sabihin magmamalimos ka na lang para may pangkain ka.” Wika ni mama sa kanya pinapangaralan. Tumahimik na lang si John at kumain na walang imikimik. “Mama,tapos na po akong kumain.” Wika ni John “Kaunti lang ata nakain mong tanghalian John.” Wik ni mama kay John. “Busog na po ako mama.” Sagot naman din ni John Nagtinginan kami ni mama dahil alam namin ayaw niya talaga sa ulam naming gulay. “Problema talaga ito si John ayaw kumain ng gulay paano tataba kung hindi naman kumakain ng gulay din. Haisst.” Wika ni mama habang naglilipit ng pinagkainan namin. “Paano na lang pag wala pa lang tumutulong sa atin ano na lang mang yayari? Maslalong gulay puro kakainin natin talaga.” Dagdag ni mama “Sanayin nating puro gulay kainin natin mama para si John masanay na din sa gulay ang ulam po.” Sagot ko naman kay mama. “Paano kasi sinanay ng papa mong bilhan ng masasarap na ulam sa bayan yan tuloy hinahanap hanap na din niya.” Wika ni mama sa akin. “Hayaan mo na ipapaliwanag ko na lang kay John po.” Wika ko kay mama “Punta muna ako sa sala ma may aayusin lang ako doon mama.” Paalam ko sa kanya habang naghuhugas pa si mama ng pinggan. “Sige anak pag katapos dito tulungan mo ako sa taas para maglinis.” Wika ni mama sa akin. “Opo mama.” Sagot ko. Lumabas na ako sa sala para ayusin ang mga kalat na naka patong doon malapit sa tv. Habang hindi pa tapos si mama ay nag walis na lang muna ako. Tinignan ko sa labas ng bahay kung nasa labas ng bakuran namin naglalaro si John pero wala akong nakitang John. “Tara na anak sa itaas na tayo.” Aya ni mama sa akin. Sinarado ko muna ang pinto saka umakyat na kami ni mama doon sa kwartong lilininsan naming dalawa. Binitbit ko ang walis tambo,dustpan at pampunas. Binuksan ni mama ang kwarto saka pina ilaw niya ito. Puro agiw at alikabok ang nasa loob ng kwarto kaya kailangan linisin ito. Inalis namin ang kalat sa loob ng kwarto yung mga naka tagong mga box na hindi na gagamit inilipat namin sa baba para doon ilagay sa maliit na bodega ni papa. Winalisan ko ang mga agiw sa mga dingding at sa kisame. Pinunasan din ni mama ang mga bintana at nagsimula na din magwalis si mama sa sahig. “Raiya, kailangan na natin muna pa pinturahan itong kwarto ni tito mo kasi yung iba na tuklap na pintura.” Wika ni mama sa akin. “Kaya nga po mama dami na din tuklap mama. Pabili na lang po tayo kay papa ng pintura tapos ako na lang po magpintura nito mama.” Wika ko kay mama habang pinupunasan ko ang dingding. “Sige maya magpabili ako pintura kulay puti para i pintura dito sa loob ng kwarto.” Wika ni mama sa akin. Bumababa ako at kumuha ako ulit ng basang basahan para ipunas sa kahoy na sahig. Pinatuyo ko muna ang sahig bago mag floorwax. “Mama, ako na lang po dito malapit naman din matapos ang pagpupunas ko sa sahig ng basahan po.” Wika ko kay mama habang naka tayo sa pintuan. “Sige na anak maiwan muna kita at ako'y maglalaba pa sa kurtina at bedsheets na na order ko.” Wika ni mama sa akin “Sige po ma.” Sagot ko habang nagpupunas sa sahig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD