Chapter 5

1677 Words
Chapter 5 Raiya's Pov ( Sa School) “Malapit na Intrams natin kailangan sumali kayo sa mga activity kahit isa dahil dagdag din points yan sa grades ninyo.” Wika ni Ma'am Vilbar sa amin. “Naku po makasali talaga nito may grades pala.” Sambit ko. “Lahat kailangan sumali hindi pwede hindi sasali dahil may grade itong pag participate .” Wika ni ma'am Vilbar “Iniisip ko na kung ano salihin ko nito.” Sambit ko “Pwede singing, dancing , or sa sports salihin nyo.” Paliwanag ni ma'am Vilbar sa amin. “Ma'am, .” Ani ko sabay taas kamay ko “Oh, miss Alcantara ano yun?”Tanong ni ma'am sa akin. “Sayaw na lang po ako pero hahanap ako makakasama dito mga Lima kasama ko.” Wika ko kay ma'am. “Ako, sali ako Raiya.” Sambit ni Lhea sa akin. “Ako din sali din ako.” Sambit ni Trisha “ Isama mo na din ako sali ako.”Sambit ni Joanna. “Isa na lang sino pa sasali dyan.” Wika ko sa kanila. “Pwede ba lalaki dyan?” Tanong ni Ken sa akin “Pwede, ikaw ang gitna payag ka ba?” Tanong ko sa kanya “Oka lang naman sa akin basta maka grades.” Sagot niya sa akin “Ok sali ka na.” Wika ko sa kanya. “Pano yan ma'am completo na kami mag practice na lang kulang po.” Wika ko kay ma'am Vilbar “Sige Raiya grupo mo yan ikaw na bahala paano strategy mo dyan.” Wika ni ma'am Vilbar sa akin. “Okay po ma'am kami na po mag uusap po ma'am.” Wika ko kay ma'am Vilbar Pagkatapos ng klase namin nag usap usap na kami kung anong sayaw isasayaw namin sa intrams. “Ano ba gusto nyong tugtog sasayawin natin suggest kayo?” Tanong ko sa kanila. “Ikaw na bahala Raiya basta susunod lang kami kundi lang sa grades hindi kami sasali eh, may grades pa talaga.” Wika ni Trisha “Kaya nga eh kailangan talaga mag participate talaga.”Wika ni Joanna “Raiya sana yung madali lang na step ha para magkasunod ako .” Wika ni Ken sa akin. “Okay lang modern dance sa inyo?” Tanong ko sa kanila. “Okay lang basta madaling ma practice natin ha Raiya.” Wika ni Ken sa akin “Okay sige bukas simula tayo practice.” Wika ko sa kanila . Inisip ko muna anong sayaw ang isasayaw namin na madali lang. Nag search din ako mga trending na sayaw nakita ko itong Tik Tok Mashup Remix. Hanap na lang ako madaling step. “Kailangan practice ko muna bago ko maituro sa kanila ang mga step. Sakto saturday na pala bukas.” Sambit ko “Raiya pupunta ka dito bukas sabado pala bukas?” Tanong ni Joanna “Sa monday na lang pala kasi maghanap pa ako ng sayaw at step para sa monday madali na lang practice.” Sagot ko sa kanila “Sige okay Raiya. Uwi na kami.” Wika ni Trisha “Sige ingat kayo sa pag uwi.” Wika ko sa kanila. Maaga pa naman para hintayin si papa wala pa naman mga kasabayan kung sasakay. Kinuha ko ang pocketbook sa bag ko saka pinag patuloy ko na naman ang pagbabasa ng pocketbook habang naka upo sa waiting area. Grabe nakakaiyak na itong binabasa ko maluha luha na ako habang binabasa ko. Tumingin ako sa relo ko mag alas kwatro imedya pa lang. Kailangan kung tapusin ito para bukas magawa ko yung sayaw namin. “Last 3 chapter na lang matatapos ko na din itong binabasa ko.” Sambit ko. Habang wala pa si papa minadali ko ng binasa para matapos ko na din ito. Dumating si Theo tumabi sa akin. “Ayan ka na naman novel na naman binabasa mo. Imbes libro yang novel lagi mong binabasa.” Wika ni Theo sa akin. “Hoy, hindi naman ako lagi nag babasa nito mas inuuna ko muna mag aral bago ito. May oras din ako pag nag aaral grabe naman yang sinasabi mong lagi hindi naman ako ganyan.” Paliwanag ko sa kanya . “Diba dyan nakukuha mga malalaswang story bakit ka pa nagbabasa yan Raiya ?” Tanong ni Theo sa akin. “Theo hindi naman lahat malaswa ang nasa pocketbook depende naman sa babasahin mong story naman. Saka bakit mo ba ako pinapakialaman hindi naman ako nangingialam sayo ha Theo.” Napakunot noo ako sa kanya dahil sa pangingialam niya sa akin. “Sorry naman bahala ka nga .” Sagot niya sa akin. Tumahimik na siya at umurong palayo sa akin dahil naasar ako sa pangingialam niya sa akin. Itinuloy ko ang pag babasa sa pocketbook para matapos ko na ngayon. Isang chapter na lang para matapos ko na din ang binabasa ko. Dumating na din si Chona at Freddie at si tatay na lang hinihintay namin para makauwi na kaming apat. Pang last chapter na din matatapos ko na. May 15 mins pa para mag alas singko na din. Saktong dumating si papa natapos ko na din ang binabasa ko. “Hay salamat natapos ko din basahin.” Sambit ko. Kanina pa kayo? Tanong ni papa “Hindi naman gaano tito.” Sagot ni Friddie “Ako papa kanina pa dito nag hihintay.” Wika ko kay papa “Bakit wala ka bang klase?” Tanong ni papa sa akin “Maaga natapos klase namin po kaya kanina pa ako naka upo dito.” Sagot ko kay papa Nakasakay na lahat kaya umalis na kami pauwi sa Tangaoan. Nakarating na din kami inuna ni papa hinatid si la Chona,Theo at Freddie.. Pagkatapos dumeritso na kami sa bahay pa garage na si papa. “Papa.” Sigaw no John habang nakita kami papasok sa bakuran namin. Sumabit siya sa tricycle saka sumakay na nakatayo. Bumaba na ako saka pumasok na sa loob ng bahay. “Mama,dito na sila papa at ate po.” Wika ni John kay mama nasa kusina na nagluluto. “Mano po mama.” Wika ko Umupo muna ako sa sala at nagtanggal ng sapatos. “Mama may merienda po ba ma?” Tanong ko kay mama “May biko dyan sa lamesa bigay ni Ekong may birthday kasi sa kanila.” Wika ni mama sa akin “Sige mama kainin ko po. Kumain na ba si John ma?” Tanong ko kay mama “Naku kumain na yun spaghetti kinain yun.” Sagot ni mama sa akin. “Hala hindi ako binigyan ni John ng spaghetti biko lang iniwan sa akin.” Wika ko sa kanila “Hayaan mo na Raiya matanda ka na sa kapatid mo biko na lang kainin mo dyan timpla ka ng kape para masarap.” Wika ni mama sa akin. “Grabe ka naman maka matanda sa akin mama 19 years old pa ako hindi matanda.” Sagot ko kay mama na nakasimangot. “Wag ka ng magtampo 7 years old pa kasi kapatid mo kaya hayaan mo na Raiya.” Wika ni mama sa akin. “Sige na magtimpla na lang ako hot chocolate nalang po.” Aniya ko kay mama “Mas mabuti pa Raiya masarap yun hot chocolate partner sa biko.” Wika ni mama sabay ngiti sa akin. Nagtimpla na ako saka umupo sa lamesa para kumain na din. “Kumain ka na ba mama?”Tanong ko kay mama “Hindi para na lang sa inyo yan anak okay lang hindi makakain basta makakain lang kayo.” Wika ni mama sa akin “Hati na lang tayo mama ito oh.” Wika ko kay mama “Tikim na lang ako anak.”Wika ni mama sa akin Sinubuan ko si mama ng biko at sumubo na din ako. “Masarap biko nila mama.” Wika ko “Oo nga masarap nga malagkit talaga siya walang matigas na nakain ko.” Wika ni mama habang nginunguya . “Masarap din sa chocolate e paris po .” Aniya ko kay mama “Sige ubusin mo na yan alam kong gutom ka anak.” Wika ni mama sa akin. “Okay po mama.” Wika ko “Ma, may salihan ka ming sayaw para sa intrams po.” Wika ko kay mama “Ikaw magturo sa mga kasama mo yan na naman?” Tanong ni mama sa akin “Opo ako magdadala kasali ako doon wala kasi daw kami grades pag hindi sumali po mama .” Wika ko kay mama “Ganun ba ikaw kaya mo naman yan diba madali lang yan sayo.” Wika ni mama sa akin “Opo ma maghanap pa ako ng sasayawin namin.” Wika ko kay mama “Kailangan ko ma practice bukas para sa monday maituro ko na sa kanila ang steps mama.” Dagdag ko “Madali lang naman yan sayo anak.” Saad ni mama sa akin. “Hay salamat busog na din ako sa biko mama.” Wika ka ko habang nililigpit ang plato at baso pinag kainan ko. Pagkatapos kung hinugasan mga pinagkainan ko nagpaalam na akong umakyat sa taas para magbihis na din ako. “Ma akyat na muna po ako sa kwarto ma para makapag bihis na po ako mama.” Paalam ko kay mama “Sige anak umakyat ka na ako na lang muna dito.” Sagot ni mama sa akin. “Salamat po mama.” Sagot ko. Lumabas na ako sa kusina at umakyat na sa hagdan para pumunta sa kwarto ko. Pumasok na ako sa kwarto bitbit ang mga gamit ko sa school. Pagkatapos kung nagbihis inayos ko muna mga gamit ko bumaba ulit para maghanap ng mga music tape para sa sayaw namin sa intrams. Pumunta ako sa sala para maghanap ng pwede kung ipa tugtog sa maliit kong radio sa taas. Kumuha lang ako ng tatlong music tape para pagpilian ko. Ng naka pili na ako bumalik ako sa taas para i try ko ipa music doon at pag aralan ang step.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD