Chapter 4

1652 Words
Chapter 4 Raiya's Pov “Mahirap pa lang magtrabaho sa ibang bansa mama?” Tanong ko habang nanonood ng tv. “Mahirap anak lalo na malayo sa pamilya anak. Tapos ibang lahi pa mga kasama mo doon mag isa ka lang . Kailangan palakasan ng loob at matatag. Yung iba na homesick pag hindi na kayanan. Yung iba minamaltrato tulad yan pinagtanggol lang niya ang sarili niya pero siya din napahamak kaya sobrang hirap magtrabaho sa ibang bansa Raiya.” Sagot ni mama sa akin. “Nakakatakot pala mag ibang bansa po. Kailangan isipin din ng mga kamag anak na naiwan dito sa pilipinas kamustahin sila at pahalagahan ang binibigay nilang padala dahil sa hirap ng sitwasyon nila doon para magtrabaho alang -alang sa mga pamilya nila.” Aniya ko habang nanonood ng tv. “Oo anak kaya si tito Lucas mo isang dekada na doon nagtatrabaho gusto na niyang umuwi baka napagod na din siya doon. Buti nga bukal sa loob tinulungan tayo dito sa pagpatayo ng bahay natin sa lupang tinataniman natin ng tabako at pag aaral ninyo tumulong din siya anak.” Wika ni mama Elena sa amin “Mabait pala din si tito Lucas kasi tinulungan pala tayo mama.” Wika ko kay mama “Kaya magpakabait kayo at mag aral ng mabuti. Pag nandito na si tito Lucas ninyo magpakabait din kayo sa kanya mga anak.” Saad ni mama sa amin. “Opo mama.” Ani ko “Matulog na kayo maaga para maaga kayo magising bukas.” Wika ni mama sa amin. “Sige na po mama akyat na na ako sa taas mag ayos pa ako sa mga gamit ko para bukas.” Wika ko habang tumayo na sa kinaupuan ko. “Ikaw John matulog ka na din. Una ka na sa kwarto natin.” Wika ni papa kay John. “Papa sabay na ako sa inyo pa dito na muna po ako.” Sagot ni John kay papa habang naglalaro pa. “Good night John akyat na ako.” Wika ko kay John. Umakyat na ako sa hagdan at nagtungo na ako sa kwarto ko. Pagpasok ko agad ko kinuha alarm clock ko para i set ng oras sa umaga. Inayos ko na din ang mga iniwan ko kanina mga kalat ko. Pagkatapos ko nag ligpit kinuha ko pocketbook at tinuloy ko ulit pagbabasa ko maaga pa naman kaya mag babasa na naman ako hanggang dalawin na ako ng antok ko. “Napaka gandang story nito Love of Desire nakakabaliw magbasa ng pocketbook.” Aniya ko. Ilang chapter na nabasa ko umabot na ako chapter 15 anong oras na din inaantok na din ako. Pinatong ko na sa lamesa ang pocketbook tapos ipinikit ko na ang aking mga mata. (Krinn Ggggg..kringgggg) Tunog ng alarm clock Napa inat ako para abutin ang alarm na tumutunog sa uluhan ko. Alas singko na pala kailangan ko ng bumangon ng maaga mapagalitan na naman ako ni mama nito. Dahan- dahan na akong bumangon at tinupi ang kumot na ginamit ko saka tinabi sa unan. Lumabas na ako sa kwarto at pa inat inat na ako sa katawan ko. Habang bumaba ako sa hagdan pa hikabhikab na ako naglalakad sa hagdan. “Inaantok pa talaga ako ngayon kung wala lang pasok sana matutulog pa talaga ako ngayon.” Sambit ko habang bumaba ng hagdanan. “Buti naman nagising ka ng maaga Raiya?” Tanong ni mama sa akin. “Inaantok pa nga ako mama eh nag pa alarm po ako kaya nabulabog kwarto ko po ma.” Sagot ko sa kanya. “Halika na magtimpla ka ng kape dito para mawala antok mo Raiya.” Saad ni mama sa akin. Kumuha ako ng tasa sa lalagyan ng cabinet tapos kumuha ako ng mainit na tubig sa termos para mag timpla ng kape. Bigla tumunog phone ni mama na nasa lamesa. “Ma, may tumatawag sa inyo mama.” Ani ko sa kanya “Sino anak?” Tanong ni mama sa akin. “Ibang number ma parang pang ibang bansa po.” Wika ko kay mama. “Ah,baka si tito Lukas mo yan. Sagutin mo nga Raiya.” Wika ni mama sa akin Kinabahan ako bigla ako ang kakausap kay tito Lucas . Pinulot ko phone ni mama saka sinagot ito. “Hello po?” Ani ko. “Hello, ate.” Sagot lalaking boses sa phone Boses na maangas na malalim si tito Lucas ba talaga ito? Tanong sa isipan ko. “H-hello po. Si Raiya po ito anak ni mama Elena. Si mama po may niluluto lang po tito.” Sagot ko sa kanya na pautal na kinakabahan. “Ganun ba ikaw ba yung panganay na anak ni ate? Kumusta ka na pamangkin?” Tanong niya sa akin sa phone. “Okay lang naman po tito Lucas . Kayo po kumusta po kayo dyan?” Tanong ko din sa kanya “Ito pauwi na ako dyan baka nextmonth na ako makakauwi na asikaso ko na sa embassy papel ko agad.” Wika niya sa akin “Po! Next month na po kayo uuwi?” Gulat kong sagot sa kanya. “Na ano ka dyan Raiya?” Biglang na patanong si mama sa akin. “Hello,hello, Raiya ,nandyan ka pa ba?” Boses ni tito sa phone “Akin na nga yan Raiya ang phone.” Wika ni mama sa akin. “Hello, Lucas hello.” Wika ni mama sa phone “Manang, nasaan na si Raiya?” Tanong ni Lucas kay mama “Ayon na pa tulala.” Sagot ni mama kay tito Lucas. “Nagulat ba siya na next na ako makakauwi manang.” Wika ni tito Lucas kay mama. Ano? Next month ka na uuwi dito? Gulat din na sagot ni mama kay tito Lucas sa phone “Oo ate next month na napa dali process ko sa embassy ate.” Sagot niya kay mama habang kausap niya sa phone. “Ang bilis naman ading.” Wika ni mama kay tito Lucas. “Oo naman madali lang naman basta walang problema papers ko dito.” Wika ni tito Lucas kay mama . “Kaya pala nagulat itong si Raiya habang kausap mo.” Wika ni mama kay tito Lucas. “Anong gusto mong pasalubong manang para mabili ko dito.” Tanong ni tito Lucas kay mama “Okay lang ading kung ano sapat na sa akin kung maka uwi ka na dito ading. ” Wika ni mama kay tito Lucas. “Sige manang ako na lang bahala anong pasalubong ko sayo.” Wika ni tito Lukas kay mama. “Ikaw bahala ading.” Sagot ni mama sa kanya. “Magtrabaho na ako manang bye na.” Wika ni Lucas kay mama “Sige ading mag ingat ka dyan lagi sa trabaho mo.” Wika ni mama sa kanya “Naku, Raiya uuwi na pala si Lucas kailangan na natin mag dahan- dahan maglinis ng bahay nito.” Wika ni mama sa akin. “Nagulat nga ako mama noong sinabi niya next month na po siya uuwi ma.” Ani ko kay mama. “Ang bilis niya maka process ng papel niya kung sa bagay kung wala naman siya problema sa mga papers niya doon madali lang talaga.” Wika ni mama sa akin. “Lumamig tuloy mainit na tubig ko sa tasa mama.” Ani ko “Kuha ka na lang ulit mainit sa termos Raiya.” Wika ni mama sa akin. “Opo mama.” Ani ko. Nagtimpla na ako ng kape saka dinala ko sa lamesa at umupo sa upuan na. “Grabe boses pala yun ni tito Lucas ngayon ko lang narinig ang boses niya para nakakatakot pakinggan.” Habang nag hahalo ako ng kape na tinitimpla ko. “Ma, hindi pa gising si John mama?” Wika ko “Tulog pa hayaan mo na lang maya na lang siya gisingin.”Sagot ni mama sa akin. “Ilang days na lang pala 23 na po tayo ngayon araw na lang bibilangin natin para umuwi na si tito Lucas ma.” Wika ko kay mama “Kaya nga eh Raiya ilang araw na lang din. Ang bilis pa naman ng oras ngayon. Ngayon nga mag 6:30 na ng umaga kaya kumain ka na dyan habang nagkakape.”Wika ni mama sa akin “Kaya nga mama sabi ko nga kakain na lang ako hehehe.” Wika ko kay mama . “May sinangag dyan na kanin tapos itlog kain ka na dyan gigisingin ko kapatid mo.” Wika ni mama sa akin. “Sige po mama kakain na po ako.” Sagot ko. Kumuha ako ng plato at nag sandok ng sinangag na kanin para ihanda na sa lamesa. Pagkatapos maglagay na ako ng sinangag sa plato ko para kumain na din. Pagkatapos kung kumain kumuha na ako agad ng tuwalya para maligo . “Naku napaka lamig naman ng tubig sa timba parang ice. Nakaka gising ng diwa .” Sambit ko sa saril. Nagdadalawang isip ako kung magbuhos ba ako ng tubig sa katawan ko o hindi na lang ako maliligo muna. Napakalamig naman talaga oi nakakapanginig naman sa kalamnan ito. Dali - dali na akong nag buhos ng tubig sa timba saka ng sabon at ng shampoo agad. “Hala sobra naman ginaw parang ayukong lumabas ng banyo.” Wika ko. Nakita ko si John naka tulala sa pintuan sa kusina bagong gising pa. “Naku John napaka lamig ng tubig ngayon huwag ka na lng maligo.” Pabiro ko sa kanya “Naku ate hindi mo naman ako gaya mo takot maligo sa malamig para kang kambing ate Raiya minsan lang naliligo. Resback niya sa akin may kasamang biro niya sa akin. Hahaha.. alam na alam talaga ng kapatid ko oh.kambing ako . Malamig kasi ang tubig eh.nakakawindang pag maligo. “Sige na akyat na ako sa taas nilalamig na ako kailangan ko ng magbihis.” Aniya ko .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD