Chapter 3

2315 Words
Chapter 3 Raiya's Pov. Alas singko ng hapon. Hinihintay na namin si papa para sunduin kami dito sa Bantayan. Habang hinihintay namin nakaupo lang ako sa waiting shade nagbabasa ng pocket book . Hobby ko na ito pag wala akong ginagawa or pamatay oras lang ito. Mga kalahating oras na din kaming nag hihintay ng mga kasama ko. Ilang saglit dumating na si papa para sunduin na kaming tatlo. “Kanina pa ba kayo dyan anak?” Tanong ni papa sa akin. “Mga 15 mins papa naghintay po.” Sagot ko sa kanya habang naka hawak ako sa damit ni papa sa likod niya. Dumaan kami sa bandang palengke para bumili ng karne ng baboy. Pagkatapos umuwi na din kami agad. Bigla kaming napahinto dahil maraming tricycle ang napahinto din sa unahan . “Pre, anong nangyari bakit dami napahinto sa unahan?” Tanong ni papa sa unang napahinto na tricycle din. “Nagkabangaan daw sa unahan motor. Ayon nabalian ang isang driver ng motor ung isa puros gaga's ang katawan.” Wika ng nauna sa amin na huminto. “Naku po! Baka naman kasi kaskasero din o di kaya lasing ba.” Sagot ni papa Carlos sa kapwa niya tricycle driver. “Kaya nga eh ayon maya pa tayo nito hihintay daw ambulansya muna bago maka daan .” Saad ng kapwa tricycle driver din. “Na, matatagalan tayo rito sa daan. Dapat pina tabi sila saglit ba para maka daan naman din ang mga dumaraan dito .” Wika ni papa sa kapwa driver din niya. “Kaya nga eh tengga talaga tayo dito sa daan. Sana pumunta na agad ang ambulansya para madala agad sa ospital.” Saad ni papa Carlos . “Naku, matagalan daw tayo rito. Pano yan maghihintay pa tayo dito .” Wika ni papa sa mga pasaherong nakasakay sa tricycle namin. “Matagal pa pala yan papa?” Tanong ko “Oo anak matagal pa ata wala pa kasi yung ambulansyang magsusundo sa mga victima.” Sagot ni papa sa akin. Gilid ni papa ang tricycle para hindi masagi ng ambulansya pag dating. Sakto wala naman akong magawa kinuha ko ang pocketbook ko at itinuloy ang pag babasa. Weew..weew .weew..(Tunog ng ambulansyang) parating sa malapit sa amin. “Tabi-tabi.. Gilid kayo.. Dyan na ambulansya..” Sigaw ng ibang driver Isinakay na ang mga victima sa ambulansya. “Ayan na makakaalis na tayo anak .” Wika ni papa Carlos. “Haisst ,salamat makakauwi na din tayo .” Sambit ko din Naka daan na din kami pauwi . Ilang minuto na lang makakarating na din kami sa bahay. “Bakit ngayon lang kayo nakauwi papa?” Tanong ni mama Elena sa amin. “May nagbanggaan kasi naganap sa Pasil kaya na trapped kami doon lahat ng mga tricycle.” Wika ni papa kay mama “Ganun ba, kaya pala natagalan kayo.” Wika ni mama sa amin. “Dami namin sa daan mama nakatambay lang doon.” Aniya ko kay mama Pinarada na ni papa ang tricycle para magpahinga na din si papa. “Ma, ano pong makakain po nagugutom po kasi ako mama.” Aniya ko kay mama na naghahanap ng pagkain. “May tinapay dyan kunin mo na lang peanut butter sa refrigerator kain ka na dyan.” Wika ni mama Elena sa akin. “Okay po mama.” Sambit ko Pumunta ako sa kusina kinuha ko ang tinapay sa ibabaw ng mesa at kinuha ko din peanut butter sa loob ng refrigerator . Hinila ko ang upuan para umupo sa harapan ng lamesa. “Anak, uuwi na si tito Lucas mo sa May.” Wika ni mama sa akin habang kumakain ako ng tinapay. “Ano po?! Uuwi na si tito Lucas?” Gulat na tanong ko kay mama “Oo anak tumawag siya kaninang umaga para sabihin dito siya tutuloy sa atin .” Wika ni mama sa akin “Totoo ba yan dito na titira sa bahay natin mama?” Tanong kulit kay mama. “Oo dito na titira sa bahay natin dito na din siya maghahanap ng trabaho din.” Saad ni mama sa akin. Muntik ko ng hindi malunok ang tinapay na kinakain ko dahil sa nalaman kong balita ni mama. “Ngayon ba May mama uuwi si tito Lucas mama?” Tanong ko ulit kay mama. “Oo Raiya sa May na darating uncle mo.” Sagot ni mama Elena sa akin. “Kaya maglilinis tayo ng buong bahay bago mag Mayo.” Wika ni mama sa akin. Hindi na ako naka imik kumain na lang ako ng tinapay. Pagkatapos kumain umakyat na ako sa taas para mag bihis ng damt. Dinala ko na mga gamit para ilagay na sa kwarto ko. Ng nasa kwarto na ako inipag ko ang mga gamit ko sa maliit kong lamesa at hinubad ko na ang uniform kong suot. Iniisip ko makakasama na namin si tito Lucas dito sa bahay parang may pagka strikto pa naman yun sabi ni mama. “Parang na te- tense ako pag dito na nakatira si tito Lucas haisst. Ano ba itong naiisip ko .” Sambit ko sa sarili. Pagkatapos kung nagbihis pumunta na ako sa baba . Hinanap ko si John gumala daw sabi ni mama. Lumabas ako ng bahay para hanapin siya. “Ate Ely nakita niyo po ba si John?” Tanong ko sa kanya “Parang nakita ko nagtatatakbo doon sila sa damuhan kasama ni minggoy.” sagot sa akin ni ate Ely. “Sige po salamat ate Ely.” Aniya ko. “John, John John na saan ba itong bata na ito.” Sambit ko habang naglalakad sa taltalon. “Ayon nakita ko na. Ngayon ka pipingotin ko talaga tenga nito.” Aniya ko habang naglalakad palapit sa kanya. “John,John,kanina ka pa hinahanap ni papa lagot ka talaga masisinturon ka ni papa naglalaro ka sa garami.Lagot ka talaga sumbong kita.” Aniya ko sa kanya . “Bakit nandyan na si papa?” Tanong ni John sa akin. “Kanina pa dumating magkasabay lang kami umuwi. Pinapahanap ka nga niya sa akin. Maka uwi na nga para maisumbong kta.” Aniya ko sa kanya “Uuwi na ako hintayin mo ako ate Raiya.” Wika ni John sa akin “Ate naman oh hintayin ko ako ate Raiya.” Sigaw ni John sa akin. “Naku , sobrang pawis mo kagagaling mo lang ngbihis pawis na pawis na na naman.”Wika ko sa kanya. “Halika nga punasan kita dungis mo.” Sambit ko sa kanya “Ate huwag mo akong isumbong kay papa ha mapapagalitan ako noon.” Wika ni John sa akin. “Paano yan basang basa ang damit mo kakatambling mo. Kailangan mo mag patuyo ng damit muna.” Aniya ko sa kanya “Bilisan mo mag gagabi na hindi pa tayo nakakauwi John .” Sambit ko sa kanya habang naglalakad kaming dalawa. Ng malapit na kami sa bahay nakita ko si papa nasa labas naka upo. “Naku John naka bantay si papa sayo kanina ka pa talaga hinahanap yan.” Wika ko sa kanay . Hindi na umiimik si John alam niyang papagalitan talaga siya pagdating sa bahay . “Oh , Raiya si John asaan ?” Tanong ni papa sa akin Hindi ako umimik pero nasa likod ko siya nakatago. “Gabing gabi na hindi pa siya umuwi gala ng gala mapalo ko talaga yang bata na yan.”Galit na pagka sabi ni papa. “Dito ako papa oh papaluin mo ako?” Pabirong sagot ni John na nasa likod ko lang naka tago. “Ikaw kung saan saan ka pumupunta gusto mo pa sunduin ka pa bukas Raiya huwag mong puntahan ha pag hindi siya umuwi ng alas singko huwag mong papasukin sa bahay Raiya parusa niya yan.” Wika ni papa na pinag sasabihan si John. “Opo papa.” Sagot ko. “Hala pasok ka na John mag aral ka at mag assignment hindi yun gala ka ng gala sa labas.” Wika ni papa kay John. Pumasok si John sa loob ng bahay kinuha ang mga gamit sa school para tingnan kung may assignment siya para masagutan niya ito. “Yan kasi sinabihan kita hindi ako nagbibiro galit nga si papa kung saan saan ka napadpad kung nalaman ni papa kung saan ka galing naku palo talaga abot mo. “ Saad ko sa kanya na pinagsasabihan din si John. “Huwag mo ako isumbong te ha .” Wika ni John sa akin “Hindi naman kita isumbong naaawa ako sayo pag na palo ka. Kaya makinig ka sa susunod ha John. Kung hindi lang kita mahal na kapatid sumbong na kita.” Aniya ko sa kanya “Sige na mag aral ka na dyan para hindi magalit si papa sayo John.” Saad ko sa kanya. “Doon muna ako kusina tulong muna ako kay mama mag luto.” Paalam ko kay John. Pumunta ako sa kusina at tinignan kung anong pwedeng kung matulong kay mama. “Magsaing ka na anak.” Wika ni mama sa akin. “Sige po ma magsasing ako.” Sagot ko kinuha ang kaldero at hinugasan ito. Hinugasan ko ang bigas saka nilagyan ng tubig para isalang sa apoy para maluto. “Mag aral ka na doon sa taas para hindi ka mapuyat na naman bukas Raiya. Ikaw lagi ka na lang late na magising hindi ka ba nag alarm ng oras mo?” Tanong ni mama dalang pinagsasabihan. “Kasi mama kaninang madaling araw po binabangungot po ako mama kaya nagising ako ng madaling araw matagal akong nakabalik tulog kaya na tanghalian ako ng gising tuloy.” Paliwanag ko kay mama Elena “Baka kasi hindi ka nag dadasal pag natutulog ka Raiya? Minsan kasi magdasal ka hindi matulog ka lang agad.” Wika ni mama sa akin. “Minsan ma hindi ako nagdarasal makakalimutan ko po.” Wika ko kay mama “Ayan kaya binabangungot ka yan .” Saad ni mama sa akin. “Huwag kasi kalimutan magdasal pagka na tulog .” Wika ni mama sa akin. “Sige na mag aral ka na muna para maaga ka makatulog mayang gabi.” Utos ni mama sa akin. “Opo mama akyat na po ako.” Sagot ko kay mama. Umakyat na ako sa hagdan at nag tungo sa kwarto ko. Hinila ko upuan ko at nilabas ko mga notebook ko at books ko para mag aral muna ako. “Dami ko palang assignment ngayon kailangan kung sagutan lahat ito.” Sambit ko. Ilang oras din ako naka upo at nag aaral natapos ko din ang mga assignment ko. “Raiya kain na tayo.” Sigaw ni mama sa akin. “Opo ma baba na po ako.” Sagot ko sa kanya. Bumaba na ako ng hagdan para kumain. Nadatnan ko nakaupo na silang tatla sa hapag kainan para kumain. Biglang bumuhos ang ulan sa labas biglang napatayo si papa para takpan ang kanyang tricycle ng tulda. Si mama namn pinag hihila ang mga damit na nak paypay sa gilid ng bahay namin. “Ano ba yan bigla din umulan abay napaka lakas naman.” Saad ni mama habang nakatingin sa pintuan. Naalala ko tuloy yung nasa panaginip ko na ang lakas ng ulan. Napatigil tuloy akong kumain dahil dito. “Halika na papa kumain na tayo.” Aya ni mama kay papa . Bumalik si papa sa upuan niya saka kumain ulit. “Grabe ang ulan na naman kala mo may bagyo na naman.” Wika ni mama habang kumakain kami sa lamesa. “Ganito talaga sa probinsya grabe ang ulan dito pa bigla lang buti nga walang halong kidlat yun ung nakakatakot.” Sagot ni papa kay mama habang tinuloy ni papa kumain. “Bilisan nyo mga anak baka mag brown out sa sobrang lakas ng ulan na naman.” Wika ni mama sa amin. Nagmamadali na kaming kumain para hindi kami maabot ng pag brown out. “Raiya i charge mo ang emergency light natin dyan.” Utos ni mama sa akin. “Opo mama.” Sagot ko Kinuha ko ang emergency light at ini charge ito. “Naku sana hindi mag brown out naman madilim na naman ang bahay nito.” Sambit ko Lumamig tuloy ang paligid dulot ng pag ulan. Umakyat ako sa kwarto para kumuha ng jacket ko. Mag alas siete pa lang pa lang ng gabi. Pero sobrang lakas ng ulan sa labas. Bumaba ako sa hagdan para doon muna ako umupo sa sala. “John ,hindi ka ba nilalamig John?” Tanong ko sa kanya. “Hindi naman ate ang sarap nga eh malamig hindi mainit.” Sagot ni John sa akin. “Ako nilalamig na John hindi ako sanay sa ulan.” Sagot ko kay John. Umupo ako sa kawayan na upuan namin saka nanood ng tv na lang. “Anak lipat mo nga sa balita tignan natin kung may bago pa.” Wika ni papa sa akin “Sige po papa.” Sagot ko naman. Napunta sa balita tungkol sa ibang bansa na may bibitayin na naman daw sa Saudi Arabia. “Naku,napakahirap talaga dyan sa ibang bansa kahit depensa mo sa sarili magiging kasalanan mo pa . Napatay niya dahil nadepensahan ang sarili pano kung siya pinatay balewala na lang ? Tapos ngayon siya tuloy ang bibitayin dahil sa depensa sa sarili k Laking gag* naman din. Mas mabuti pang umuwi na lang at mag tanim na lang sa bukid kaysa mamatay na walang kasalanan doon sa ibang bansa.” Wika ni papa habang nanunuod ng balita “Kaya nga uuwi si Lucas papa baka kasi nahihirapan na din kapatid ko doon kaya nag desisyon ng umuwi.” Sagot ni mama kay papa Carlos. “Ang hirap pa lang magtrabaho sa ibang bansa pag ganyan ang sistema nila doon.” Sambit ko habang nanunuod ng tv.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD