Chapter 2

2311 Words
Chapter 2 Raiya's Pov “Takbo Raiya, takbo. Mahahanap din kita.” Sigaw ng boses ng lalaki. “Huwag po kuya.” Sigaw ko din habang umiiyak at takot na takot na mahabol ako ng lalaki. Iyak ako ng iyak hanggang sa nadapa at napasigaw ako. Napabangon ako bigla sa kinahihigaan ko pawis na pawis at hinihingal ako bigla. Kinapa ko ang aking mukha kung totoo hindi isang panaginip na naman pala ang nangyari. Dalawang beses na ako nananaginip nasa piligro daw buhay ko. “Bakit mga ganun mga napanaginipan ko ang pangit ang sama nakakatakot.”Sambit ko sa sarili. “Mag alas tres ng madaling araw grabe natakot ako sa panaginip ko. Hindi ko kilala ang lalaking nasa panaginip ko na humahabol sa akin.” Sambit ko sa sarili. Kinuha ko ang tumbler ko at uminom ako ng tubig. Humiga ako ulit at tumingala sa kisame. Na parang naghihintay may dumapo na butiki sa itaas. “Mahihirapan na naman akong matulog nito. Haisst.” Sambit ko. Kinuha ko ang unan at niyakap ito. Balibag ako ng balibag sa higaan dahil hindi ko makuha na ang tulog ko. Hanggang naisipan kung magbasa na lang ng pocket book hanggang makatulog ako. Natapos ko na lang ang 3 chapter hindi pa rin ako makatulog hanggang sa umabot ng 5 chapter na ang binabasa ko Love of Desire ang pamagat. Dito nakuha ko din ang antok ko sa mata natulogan ko hawak- hawak ang pocket book. “John, gisingin mo nga ate mo tanghali na.” Utos ni mama kay John “Mama naman eh mag sapatos pa ako ma.” Sagot ni John kay mama habang nagmamaktol . “Sige na John gisingin mo na doon ate mo bilis. Hindi kita bibigyan ng baon mo.” Saad ni mama kay John. “Mama naman eh ako talga utusan eh nag sapatos ako.” Maktol niyang sagot kay mama “Sige na Joh dagdagan ko yan pera mo.” Saad ni mama sa kanya. “Sinabi mo yan mama dagdagan mo baon ko.” Sabay ngiti niya agad “Ikaw nagmumukha kang pera John talaga. Hindi ka ba pwedeng utusan walang kapalit John?” Wika ni mama sa kanya na pinangaralan. “Mama naman eh sabi mo bigyan mo ako pera pag ginising ko si ate sa taan.” Saad ni John kay mama. “Sige na gisingin mo na ate mo mapipingot ko tenga mo talaga.” Galit na sabi ni mama kay John. “Oo na pupunta na po basta ang limang piso ko po mama.” Sigaw niya sabay takbo sa hagdanan sa itaas. “Ate Raiya ,ate Raiya gising ka na dyan nagagalit na si mama sa’ yo.” Kalabog ni John sa pinto ko habang kinakalampag niya ang pinto ko. “Hmm…” sagot ko lang. “Ate, ate .. Gumising ka na nga dyan ate Raiya sige ka gigibain ko itong pinto mo.” Banta ni John sa akin habang kinakalampag ang pinto. Tumingin ako sa relo mag alas siete na pala ng umaga. “Hala! Tanghali na pala. Naku po!..” Windang ko habang aligagang bumangon sa kama. “Oo, John gising na .” Sigaw ko sa kanya. “Ayan kasi matagal natutulog sa gabi buti nga sayo malalate ka na ate Raiya lagot ka kay mama.” Saad ni John sa akin na inaasar pa ako. “Sige bumaba ka na iniinis mo pa ako malalate na nga ako.” Aniya ko habang kinuha ko ang tuwalya para bumaba papuntang banyo. Nagmamadaling tumakbo si John ng binuksan ko ang pintuan ko. Nagmamadali akong bumaba sa hagdan muntik pa akong mahulog sa kakamadali ko bumaba . “Ayan kasi matagal kang natutulog pag gabi ano kasing ginagawa mo bakit napupuyat ka Raiya ang sarap pingutin ng tenga mo late ka na naman pagpasok mo.” Bulyaw ni mama sa akin na pinapagalitan ako. Nagtungo na ako sa banyo at hindi ko na pinansin si mama kaka sermon sa akin kada umaga. Dali - dali akong nagbuhos ng tubig kahit malamig ito . Nag shampoo at nag sabon na ako agad ng katawan. Pagkatapos isang banlawan lang tapos na agad dahil late na talaga ako. “Oh ang bilis mo naman naka ligo Raiya. Ano yun 123 lang ? Ayan kasi natanghalian ka naman ng gising. Ayan sa umaga ka lagi na lang nagmamadali.” Sermon ni mama sa akin habang nagmamadali na akong umakyat sa taas ng kwarto. “Naku,naku, bilis na Raiya ilabas tenga mo na lang muna malalate ka na talaga.” Sambit ko sa sarili. Dali -dali na akong nagbihis ng aking uniform at madaling nag ayos. “Raiya, ano hindi ka pa tapos dyan kumain ka na dito papa mo naghihintay sayo para isabay ka na sa bayan.” Sigaw ni mama sa akin habang nasa taas pa ako. “Opo mama pababa na po ako ma.” Sagot ko kay mama habang nagsusuklay ako sa buhok ko. Bitbit ko na sapatos ko at bumaba na sa hagdan . “Kumain ka na dito kahit ilang subo lang.” Sambit ni mama sa akin. “Opo mama.” Sabay lapit sa lamesa at umupo sa upuan para kumain. “Ano ba pinupuyatan mo ha Raiya bakit sobrang tanghali ka ng bumabagon ngayon?” Tanong ni mama sa akin “Ma, kumakain po ako hindi ko po kayo masasagot nagmamadali na po ako ma .” Aniya ko sa kay mama na nagmamadali ng sumubo ng kutsara sa bibig ko. “Baka pinagpupuyatan mo yang mga pocketbook mo na naman ha susunugin ko talaga yan sinasabi ko sayo.” Kuda ni mama habang nakatayo sa harapan ko . “Mama naman eh ,huwag mo pakialaman mga pocketbook ko doon ma collection ko yun. Saka hindi naman yan pinuyatan ko po . Mamaya ko na i kwento anong nangyari sa akin bakit ako na puyat kanina.” Saad kay mama habang panguya nguya ako sa kinakain kong hotdog. “Ano na Raiya hindi ka pa ba tapos dyan anak?” Sigaw ni papa sa akin “Opo papa nandyan na po pa lalabas na.” Sigaw ko kay papa pahirit pang uminom ng tubig habang nagmamadali. “Bye, mama alis na ako.” Sambit ko habang pa takbo sa labas ng bahay para makasakay na sa tricycle ni papa. Pina andar na ni papa ang tricycle at inilabas na sa bakuran namin . Nakikita ko na naka abang si Theo sa kalsada para sumakay na din sa tricycle namin. Dinaan din namin si Chona isang pasahero din ni papa na nag aaral din sa bayan. Dinaan din namin ang last na sasakay na hinahatid ni papa si Freddie na nag aaral din sa bayan. Completo na kaming sakay sa tricycle at binaybay na namin ang daan papuntang bayan. Malayo layo ang bayan namin tatlong barrio pa dadaanan namin para makarating sa bayan. Kaunti lang din ang mamasahero na tricycle sa barrio kaya minsan pahirapan ang pasakay kaya yung iba nag arkila na lang talaga sila para may sundo hatid ang ibang estudyante para makapasok sa bayan. Binilisan ni papa ang pagdrdrive para may makukuha pa siyang pasahero doon sa sa Barrio namin. Kailangan maihatid niya muna kami sa bayan. Ng malapit na kaming makarating dumeritso na siya sa bantayan dahil doon ako banda nag aaral si Theo at si Chona din. Nasa harapan na kami ng Community College na pinapasukan namin . Inihinto ni papa ang tricycle ni papa at bumaba na kaming lahat sa tricycle. “Raiya baon mo.” Wika ni papa sabay abot sa perang baon ko. “Papa salamat po.” Sagot ko sa kanya. “Pa ingat ka sa pag byahe po. Pasok na po ako sa loob.” Aniya ko kay papa Carlos. “Salamat anak ingat ka din.” Sagot din papa sa akin. Pumasok na ako sa loob ng gate binati ko ang guard at ipinagpatuloy ko ang paglalakad sa loob ng campus. “Hi. Raiya.” Bati ni Ken sa akin habang papasok sa room. “Hello Good Morning.” Sagot ko sa kanya. Umupo sa second row na upuan at doon pinatong ko na mga gamit ko. Habang hinihintay namin ang aming teacher ay kinuha ko muna ang pocket book na nasa bag ko para ipagpatuloy basahin ko. Chapter 6 na pala ako nakatapos ko pala ang chapter 5 kaninang madaling araw. Binasa ko na naman ang Love of Desire . Tahimik lang ako nagbabasa sa upuan ko mata sa mata lang ang pag basa ko. Hanggang wala pa si teacher namin nagbabasa muna ako para hindi sayang ang oras ko. Tahimik lang talaga ako sa school pag kailangan lang ako busy or participation active ako pag may sayaw doon active ako. Pag wala libangan ko talaga magbasa ng mga pocketbook. “Good morning class.” Sabi ni Mrs. Torres. Itinabi ko na ang pocketbook at nilagay sa loob ng bag ko. Nagsimula na ang klase namin sa English subject namin. (Sa bahay) Biglang nag ring ang telepono ni mama Elena na 3310. Dali- dali niyang sinagot ito. “Hello.” Bigkas ni mama Elena sa phone nito. “Ate Elena kumusta na kayo dyan ate.” Wika ng boses na lalaki sa phone. “Lucas, kamusta ka na ading?” Tanong ni mama Elena kay Lucas sa phone. “Ito ate gwapo pa rin.” Wika niya ito kay mama Elena sa phone. “Naku! Ag bwakaw ka manen .” Sagot ni mama Elena sa kanya. “Hahahaha.” Tawa ni Lucas sa phone. “Ate baka malapit na akong umuwi ng Pilipinas . Pwede ba dyan na ako tutuloy sa inyo pagdating ko?” Saad niya kay mama Elena seryusong boses ni Lucas. “Agawid ka? Apay ?” Tanong ni mama Elena kay Lucas. “Gusto ko ng magpahinga ate napapagod na din ako dito.” Sagot niya kay mam Elena “Mag isang dekada ka na din dyan kaya Okay lang na umuwi ka na dami mo ng naitulong sa amin ading. Pati pag basa tay balasang ko ikaw pa rin ang nag supporta..” Wika ni mama Elena sa kanya. “Kailan uwi mo ba?” Tanong ni mama Elena kay Lucas. “Mga May ate Elena. 2 months na lang.” Sagot ni Lucas kay mama Elena. “Ganun ba dami naman din trabaho dito sa probinsya hindi ka na din mahihirapan ading.” Sagot ni mama Elena sa phone. “Kaya nga ate na pagod na ako dito.” Wika niya kay mama Elena. “Bakit ayaw mo ng bumalik sa asawa mo ading?” Tanong ni mama elena sa kanya “Ayoko na ate . Hayaan ko na siya hindi naman din ako naghahabol sa kanya wala naman kaming anak ate para maghabol . Siya una nagloko sa relasyon namin dapat pagdusahan niya.” Saad ni Lucas kay mama Elena . “Tama din naman ading . Ikaw mag desisyon buhay mo yan.” Sagot ni mama Elena sa kanya. “Mas tinuring ko na din mga anak ang mga anak mo ate kaya sila tinutulungan ko .” Sagot ni Lucas kay mama Elena. “Salamat ading kahit hindi tayo magkapatid sa tatay itinuturing mo pa rin akong kapatid na totoo.” Sambit ni mama Elena sa Lucas. “Basta ate Elena dyan aki deristo sa inyo pag nakauwi ako.” Wika ni Lucas kay mama Elena “Oo naman ading welcome ka sa bahay ading.” Sagot ni mama Elena. “O, ate ibaba ko na to breaktime lang namin trabaho na naman ako dito.” Wika ni Lucas kay mama Elena sa phone. “Okay ingat ka ading dyan. Bye.” Saad ni mama Elena sa kanya hanggang pinatay na ang linya ng tawag nila . Biglang dumating ang asawa niya si Carlos dala ang tricycle. “Mama, may niluto ka na ba? Nagugutom na ako ma.” Wika ni papa Carlos kat mama Elena.. “Oo meron na maghahanda ako sa lamesa saglit.” Sagot ni mama Elena kay papa Carlos. “Ano ulam natin mama?” Tanong ni papa Carlos. “Kardis na sinabawan papa nag laga ako na may buto -buto ng baboy.” Sagot ni mama Elena “Salamat makaka higop ako ng sabaw.” Wika ni papa Carlos. “Ito pa kanin mo at ulam papa.” Wika ni mama Elena dala ang pagkain ni papa sa lamesa. “Salamat mama. Tubig nga din uhaw na uhaw na din ako mama.” Wika ni papa kay mama Elena. “Sige saglit papa kuha ako sa refrigerator pa.” Saad ni mama kay papa habang papunta sa refrigerator para kumuha ng tubig na malamig. “Ito papa tubig mo.” Bigay ni mama kay papa. “Pa, uuwi na daw si Lucas sa Pilipinas.”Kwento ni mama Elena “Uuwi? Bakit daw?” Tanong ni papa Carlos. “Baka napagod na din yun. Ikaw ba kayang magtrabaho ng magtrabaho isang dekada doon sa ibang bansa hindi ka mapagod.” Wika ni mama Elena kay papa habang nakaupo sa upuan. “Ganun ba edi mas mabuti para maka pahinga na din siya sa pagtatrabaho .” Wika ni papa Carlos . “Pero dito siya titira muna daw papa .” Wika ni mama Elena sa kanya “Wala naman problema siya naman tumulong sa atin dito. Kaya ok lang dito din siya tumira sa bahay.” Sagot ni pala Carlos ka y mama Elena . “Salamat papa pumayag ka din dito manirahan si Lucas papa.” Wika ni mama Elena kay papa Carlos. “Kumain ka na ba?” Tanong ni papa kay mama “Wala pa pa.” Sagot ni mama kay papa. “Halika na sabayan mo na ako kumain dito mag isa lang akong kakain.” Saad ni papa kay mama Elena.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD