Chapter 4.2- The Fifth Level
Amythyst
Pumunta kami ni Master Morley sa isang lugar na napapalibutan ng maraming libro.. Yeah! It was like a library. Or rather I said it was a Library nga. Sa lahat ng makabagong nakikita ko sa school na 'to... Eto ang naiiba... It's an old one at parang ang lakas ng energy ang nandito.
Hindi ko masasabi kung bakit pero iba ang feel ko.
At sa pinakagitna na room na to ay may malaking halaman na sobrang green ang color. At nakakamangha lang kasi nabubuhay siya sa loob ng room na to na hindi man lang nasisikatan ng araw. A sparkling glimmering plants na sobrang nagpahanga sakin.
Napakamagical ng dating niya.
Ibang-iba siya sa lahat ng halaman na nakikita ko.
"It's our tree of life."
Marahan na sabi ni Mr. Morley,
Siguro napansin niya na halos tunawin ko sa titig ang halaman na 'to.
"Tree of life? Ano po ba pangalan nito? Sa amin kasi ang tree of life is ang puno ng niyog. Hindi naman sila magkahawig ah?" sabi ko habang palibot na tintingnan ang puno. "Since sa tingin ko...hindi naman siya tataas ng gaya sa coconut tree namin."
6 feet lang kasi ang taas nito. At sobrang yabong ng mga dahon na katamtaman lang ang laki.
Ngumiti siya at lumapit sa pwesto ko.
"It's Ambosia Plant..."
Napafrowned look ako kay Mr. Morley na ngayo'y nakatingin lang sa halaman.
"Ambrosia?"
Tumango siya... at naglakad siya papunta sa bintana at hinawi ang makapal na kurtinang tumatabing nito. Sumunod naman ako at doon ako mas lalong napahanga sa nakita ko.
A green well trimmed plants and grass. A perfect line up of trees. A maze of plants that full of different flowers.
A perfect view of the open field..
A breathtaking view of a whole field of Trojan Academy!
"Wow..." amazed kong sabi.
"Ang halaman na 'to ang nagbibigay ng ganda sa school na 'to. Lahat ng nakikita mong halaman. Lahat ng bagay na nabubuhay sa Academy na 'to ay dahil sa halaman na 'to. Isa ito sa pinakamahalaga sa amin. It can also heal wounded people lalo na kapag nagkakaroon ng digmaan sa pagitan namin at ang Dark Kingdom." paliwanag ni Mr. Morley.
"So... walang sinuman ang makakalunas sa isang sugat kundi ang halaman lang na 'to?" tanong ko sa kanya.
"Noon... wala. Pero ngayon, meron ng isang tao. Na kaya ng gawin 'yon." bumuntong hininga siya at ngumiti.. "anyway..."
Tumingin siya sa'kin..
"So hindi mo talaga pinagkakaila na galing ka sa mundo ng mga tao... " Master Morley said.
Napatingin ako sa kanya at ngumiti.
"'Yon naman po talaga ang totoo. Naligaw lang po talaga ako. At hindi po ako tulad niyo- "
Umiling siya kaya napatigil ako sa pagsasalita.
"That's not true. I can feel it... We all feel it, na isa kang elementians."
"Pero... ako mismo hindi ko 'yon maramdaman sa sarili ko."
"You feel a weird energy inside this room. It's one of the sign that you're an elementian Ms. Lee."
"P-pero bakit kanina wala man lang akong naipakitang kapangyarihan sa mga royalties? "
"Hindi madali ang gumamit ng kapangyarihan Ms. Lee. That's why bago sila pumasok dito sa Trojan Academy. Sinanay na muna nila ang kapangyarihan nila sa Eleria. Kapag hindi mo to kayang dalhin... maaaring, ikaw ang mapahamak o ang mga taong nasa paligid mo."
Tumango na lang ako sa sinabi niya.
Kahit sa totoo lang wala naman akong maintindihan.
"Just like Zed Deauville. Her sister died, because of him."
Napatingin ako bigla kay Mr. Morley sa sinabi niya. Hindi ko mapigilan kumunot ng noo.
Sister of Zed?
"When he was only 7 years old. Hindi niya magawang ma-control kapangyarihan niya. The Ice bender. Isang araw bigla-bigla na lang ito lumabas sa mga kamay niya.. At kahit saan 'yon tumatama. Lahat ng natatamaan niya ay nagiging yelo din. Tapos it took a minute to broke into pieces. Hanggang sa biglang pumasok ang younger sister niya, sii Yumi. Aksidente niyang natamaan ang kapatid niya ng yelo na galing mismo sa kamay niya.. Automatically, Yumi became an Ice... and she broke into pieces after a minute."
Mr. Morley stopped and took some breath.
"And Yumi.... died."
Hindi ako makapagsalita.. My whole body was in shocked. Parang hindi makapagreact ang utak ko dahil sa sinabi ni Mr. Morley.
"That's the reason why Zed became a mean person. He just hate himself dahil sa pangyayari na 'yon. To the point na pati sa ibang tao naging mailap siya. Natatakot kasi siya na baka maulit na naman ang bagay na 'yon.. Forever niya yun dinala sa buhay niya. Kaya naman galit siya kapag sinasabihan siya ng walang pakealam... Coz, honestly?... he did."
So... ? Ganoon pala ang lahat. Now I know kung bakit ganun siya sa mga tao sa paligid niya.. He was just afraid na baka maulit ang dati.
Kaya siguro hindi niya ako natulungan kanina.
I felt a little bit guilt sa mga pinagsasabi ko sa kanya. Hindi ko dapat siya hinusgahan ng basta-basta.
Mga ilang minuto ang lumipas ay nagpaalam na ako kay Mr. Morley kasi magsisimula na ang second subject namin which is the History Subject. Hindi ako nakapasok sa first subject dahil sa mga bruhang royalties na 'yon. Tss...
Pero atleast medyo naging malinaw na sa'kin ang lahat. Na siguro isa nga akong elementian tulad nila. Ang problema nga lang di ko pa alam kung kelan ko ba makikita ang powers ko. Kung meron nga.
And thanks to Master Morley sa mga information about kay Zed. I really don't know that thing...
But after ng nangyari kanina. May isang bagay na nagbo-bother sa kalooban ko.
Iyon ay si Master Morley...
Yeah! Iba ang feelings ko ng nakasama ko siya kanina. Parang ang gaan ng feelings ko sa kanya. I felt that... that...
Argh! Forget it. Mabait lang talaga si Mr. Morley kaya ganoon na lang nararamdaman ko sa kanya.
Pumasok ako sa isang room na halos kalahating oras kong hinanap sa sobrang laki ng Academy na 'to. 'Yong iba kasi... Within one second andito na agad sila.
Paano?
Nag-ala Matteo Do lang naman.
Yeah! Nagteleport sila. Karaniwan ng power ng isang elementian ang magteleport kaya naman halos lahat kayang gawin ang bagay na 'yon. Pero exclusive lang 'yon dito sa Trojan Academy pero sa ibang lugar bihira gumana ang ganoon kapangyarihan.
Eh pero mumusta naman ako?.. A powerless elementians. Kaya naman ang karaniwan na bagay sa'kin...
Ay ang maglakad.
"Oh girl? Ba't ngayon ka lang?" tanong ni Claire sa'kin ng pagupo ko sa upuan, Nagsisimula na ang klase. I mean.. Nagpapakilala na ang lahat.
Ako na lang ata ang hindi pa.
"Ang dami kasing nangyari kanina.. Later ko na lang ikukwento." sabi ko.
"Ms. Amythyst Lee, You can Introduce yourself in front."
Tumayo ako at pumunta sa unahan.. Halos lahat nakatingin sakin.. Kaya medyo tinamaan ako ng kaba.
"Hello I'm Amythyst Lee. But you can call me Amy. Thank you." I said and bowwed at them.
"'Yon lang?" kunot-noong anong ng teacher namin.
"Ahm.. Meron pa po akong dapat sabihin Ma'am?" wala sa loob na tanong ko din sa kanya.
Ewan ko kung may pagka pilosopo 'yong tanong ko. Pero.. Ano pa nga ba ang sasabihin ko?
"You will also tell us about your power. And kapag nakapasa ka sa pagiging Commoner alin levels ang gusto mo or papasukan mo.. Warrior or Spy." sabi ng teacher namin.
Ok? Mukhang mahirap 'to ah. At tsaka ba't may tanong pa? Beauty pageant ba 'to? I suddenly bit my lower lip. Paano ko nga ba sasabihin na Unknown ang Abilities na taglay ko.
Halos lahat ng Commoner nakatingin sa'kin. They looked at me from head to toes.. Na para bang may hinahanap sila sa'kin.
"Ahm... Ahm.... Ano- ahm."
Letche! Paano ba ako magsisimula?
"Ano kasi guys..." tiningnan ko ang mga kaibigan ko. Nakatingin lang sila sa'kin na parang nagsasabi sila na 'ok lang.. Sige na sabihin mo na'
Isang malalim na paghinga ang ginawa ko.
"Ang nakalagay kasi sa ID ko is Unknown Power... at saka naligaw lang kasi ako- "
Again I took a deep breath... Pero hindi na ako nakapagsalita pa nang tumawa si Teacher History namin.
"HAHAHAHAHA!!" our teacher laughed. And after a while nakisabay na ang mga Classmates ko.
"Hahahahhahahhaha!"
Ok? Laughtrip ba 'to? Pwede makisabay?
"Hahahahahhahha!" Yeah, I did too. I laughed like there's no tomorrow. Sinabayan ko silang tumawa. Mas ok na 'yon kesa magmukhang kawawa.
Tumigil sila sa pagtawa nang narinig nila akong tumawa. Then nang napagtanto ko na ako na lang pala ang tumatawa kasi sila seryoso ng nakatingin sa'kin. Yumuko na lang ako nung feel ko nakakahiya pala ang ginawa ko.
"Ok... best joke ever Ms. Lee. Lahat ng nandito isang elementians.. Kaya naman isa ka samin.. Kaya huwag mong sabihin na wala kang powers tulad namin." Our teacher said. She wiped the tears of joy in her eyes.
"P-pero."
"Hep! Umupo ka na bago pa ako matawa ulit sa mga pinagsasasabi mo."
Ok lang Ma'am sasamahan naman kitang tumawa, sabi ng isip ko.
Umupo na ako tapos biglang may narinig akong dalawang babae nagbubulungan sa kabilang upuan namin.
"'Diba siya 'yong babae sa CR? 'Yong muntik ng masunog ang buhok niya dahil kay Ruby?"
"Oo siya nga... wala nga talaga siyang pinakita sa kanilang ability para makawala siya. Ni mag teleport nga di niya nagawa..."
"Siguro nga wala siyang kapangyarihan... O baka naman... Isa siya Dark Elementians."
"Huh?! Oo nga, nakakatakot , dapat ma-expel siya dito sa Trojan Academy. Baka mapahamak pa tayo." sabi ng sumingit na isang babae na katabi ng dalawa.
Tiningnan ko 'yong dalawa. Ay tatlo pala.. Pero binehlatan lang ako. Tss...Tae sila! Porket alam nilang wala akong kapangyarihan.
"Bwisit na mga bruhang 'to!" inis na sabi ni Rizza.
Tsaka tiningnan niya ng maigi ang tatlo tapos biglang naggalawan yung libro na nasa armseat nito at kusang tumama sa mukha ng tatlong bruha.
"Aray!"
"Tss...! 'Yan ang napapala niyo. Mga chismosang palaka!" galit na sabi ni Rizza.
"Wow... Ikaw ang gumawa nun? Kaya mo malevitate yun? Owwaaahhh ! Ang galing mo naman Rizza." may paghanga na sabi ko sa kanya.
Ngumiti lang si Rizza. Hindi ko mapigilan ma amaze sa ginawa niya. Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganun.. As in LEVITATE! 'Yong mapapagalaw ang kahit anumang gamit. Owwwaaah! Amazing talaga!
"Ok listen Guys... Our topic for today are the four levels.. And you commonly know what are those, right? They are the Commoner, Spy, Warrior and the Royalties.. But did you know that our levels are five?"
All students got a frowned look. Kahit ako ganoon din. Bigla ay nakuha ni Teacher ang atensyon naming lahat.
"Huh? Five? Paano nangyari naman nangyari 'yon?" tanong ng mga classmates ko.
"4 na dekada na ang nakakaraan. May isang babaeng taga dark kingdom na pumasok dito sa Trojan Academy. Magaling siya sa lahat ng bagay. Kaya nagawa niyang linlangin kahit ang pinuno ng Eleria. Ang plano niya ay unti-unting patayin ang lahat ng tao na nandito. Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon may isang Royalty Prince na unti-unting nagpahulog sa loob niya. At kahit 'yong prinsepe ay nahulog din sa kanya. Nagka-ibigan sila sa isa't-isa kahit... labag 'yon sa batas ng buong kaharian. Nagbunga ang pagiibigan nila... At ang bata ay tinawag na unang batang may taglay na SuperPower Elementians."
"SuperPower Elementians?" curious ulit na tanong namin.
"Ang SuperPower Elementians or Liwaru ay isang half Royalty at half Dark Elementian ang pinakamalakas na elemento sa lahat. Ngunit kung akala niyo ay magandang maging isang Uri nila ay nagkakamali kayo. Dahil sanggol palang, ay pinapatay na agad ang ganoong klaseng nilalang. Dahil ayaw ng hari na magkaroon ng isang tao na mas hihigit pa sa kapangyarihan niya. At higit pa roon. Ang Liwaru ay nakatakda upang magdala ng kamalasan sa mundong ito And that will be a war between Helio and Eleria."
"Helio?" mukhang bago 'yon sa pandinig ko ah?
"Helio ang tawag sa kaharian ng mga dark Elementians." paliwanag ni Claire.
"Napatay po ba ang bata?" tanong ng isang kaklase ko sa teacher namin.
Tumango si Teacher.
"Actually silang tatlo..."
Huminga nang malalim ang mga classmate ko, na parang nagpasalamat pa sila at napatay 'yon. Samantalang ako.. Parang naawa ako sa lalo na dun sa sanggol. Napakainosente niya para patayin..
Natapos ang oras ng history subject namin. And nagsnack na kami.
"You have only 150 points for my next return thank you." nawala ng parang bula si Machine na nangagaya ng sinasabi.
Pumwesto ako sa kina Claire na nasa isang bench kung saan kitang-kita ang lawak ng Trojan Academy.
"So 'yon pala ang dahilan kung bakit hindi ka nakapasok sa first subject natin." sabi ni Mark. "Dahil kina Ruby."agalaw kapag sila ang nabangga ko. Nakakatakot sila." sabi ni Claire. "Pero... OMG! ang swerte mo girl, niligtas ka ni Chan."
"Oo nga eh. Pero wait! Sino ba sila dito sa school na 'to? I know isa silang royalties. Pero bakit parang kinatatakutan sila? Hindi naman sila mga chaka face ah? At tsaka to the point na pati buhok ko napagdiskitan pa nila." tanong ko.
"Sila ang mga royalties na sobrang excellent sa lahat ng bagay. Si Ruby... Ang leader nila na nagmamay-ari ng apoy, si Emerald na nagmamay-ari ng lupa si Sapphire na nagmamay-ari ng tubig at si Pearl na ang kapangyarihan ay hangin. At hindi lang 'yan... ang ama ni Ruby ang namumuno ng Eleria at itong Trojan Academy: Si King Charles Williams." paliwanag ni Rizza
"Pero... 'diba sabi mo nasunog ang buhok mo? Bakit parang hindi naman?" tanong ni Mark.
"Oo eto siya oh." pinakita ko sa kanila ang strand ng buhok ko... Pero kahit ako nagulat din. "Teka... halos kalahati ang nasunog na buhok ko kanina. Naamoy ko pa nga ang sunog na buhok ko eh.pero bakit parang... walang nangyari sa buhok ko?"
Oo... halos wala lang na nangyari sa buhok ko. Parang walang damage o sunog man lang.
Nagkatinginan sila at saka napafrowned look.
"Posible kayang..." sabi ni Gino sabay tingin kina Rizza, Claire at Mark.
"Oo nga! Posible kayang... " sabi naman ni Claire.
"Huh? Anong posible?" tanong ko sa kanila.
Nagtinginan ulit sila tsaka sabay-sabay na nagsalita .
"Posibleng dahil sa kapangyarihan na taglay mo, kaya bumalik sa dati ang buhok mo!"
*************