Chapter 4.1- Cold Blue Eyed Devil
Amythyst
Mga ilang oras din bago natapos ang Orientation dito sa meeting hall at ilang beses din akong napahikab sa orientation na 'yon. Hindi nawala sa isip ko 'yong sabi nina Rizza na posibleng narinig ni Zed ang mga sinabi namin sa kanya.
Tss... pake ko naman sa kanya?
Tsaka feel ko wala naman 'yon pake sa mga nakapaligid sa kanya.
He was such a cold arrogant guy!
Pumunta muna ako sa cr para mag pee.. Tae! Ang daming tao!
May natabig pa akong gamit dahil sa sobrang dami ng tao.
"Ai! Ano ba 'yan!" mataray na sabi ng babae na nasa unahan ko.
"S-sorry." hinging-paumanhin ko sabay pulot ng nalaglag kong make-up pocket niya.
Pero pagpulot ko ng pocket na para ibigay sa babae na nasa harap ko ay parang nag-iba bigla ang atmosphere na nandito sa washroom.
All girls gave me a strange look. Lalo na 'yong apat na nasa harap ko na naka crossed arms at mataray na nakatingin sa'kin.
The'yre all look creepy!
"Sila pa talaga ang nabanga niya. Tsk, she's dead!"
Narinig ko pang sabi ng isang babae na nasa gawing gilid ko.
Ano namang pinagsasasabi nila?
Pagkabigay ko... may sinadyang hinulog ulit 'yong isang babae na gamit niya sa harap ko.
"Ay! 'Yan din oh. Pulutin mo..." she said with malandi accent.
Hinulog niya lang naman 'yong make-up kit niya at gustong ipapulot sa'kin.
"Bakit ko naman 'yan pupulutin? Eh sinadya mo naman 'yan na hulugin 'diba?" Kaswal kong sabi sa kanya.
All gasped in horror.
Yeah! Lahat. Kahit 'yong babae na nakapila sa gilid ng washroom na 'to. Napanganga sa sinabi ko.
As if... ngayon lang sila na nakarinig ng ganoong salita mula sa isang tulad ko.
"Woah! Woah! narinig niyo 'yon girls? May isang COMMONER na nagsalita ng ganoon sa'min. What the hell." mataray na sabi ng babae at saka tumawa. Napangisi naman ang tatlo niyang kasama. Kapagkuwa'y sumeryoso at naging cold ang tingin nila sa akin.
"Don't you even know us?" matigas na sabi niya sabay taas ng kilay.
I looked at them from head to toe. Tapos napatigil ang mga mata ko sa suot nila necklace.
The eff. The'yre wearing a BLUE DIAMOND NECKLACE.
Meaning ang apat na babaeng nasa harap ko ay isang....
ROYALTY!
Gulp!
"So now? Kilala mo na ba kami?"
Mataray na sabi ng babaeng na nasa gitna nila. Na para bang siya ang leader sa kanilang apat. Sabay nilang binuka ang kanilang mga palad at doon lang lumabas ang kakaibang liwanag. A swirling ball like na sa anime ko lang nakikita.
Etong babaeng nasa gitna nila has a power of fire. Yea! A swirling ball of fire! Kasabay ng pagiging red ng eyeballs niya.
And the rest is Earth, water, and air.
Astig!
Pero hindi ito oras para mamangha. Kasi ito ang oras para..
TUMAKBO!
"Ahehe. Oo, kilala ko na kayo. Sige bye!" pagpaalam ko sabay talikod para sumabay sa ibang students na nagmamadaling magsilabasan ng restroom para umiwas sa commotion.
"Hep! Hep!"
Nag Earth bending 'yong isa sa apat na babae para mag create isang ng wall sa harap ko
Napapikit ako sa kaba. Patay!
May takot na hinarap ko sila. Lumapit ang babae na nagmamay-ari ng isang bolang apoy na nasa kamay niya. At nilapit sa pagmumukha ko. Automatic na napaatras naman ako kahit wala akong maatrasan.
"What's wrong? Nagmamadali ka ata? Tatakas ka ba? And where do you think you're going? Akala mo ba hindi ka namin masusundan?" bulong niya sa'kin na halos bawat salita niya ay tumatagos sa mga buto ko.
Mas lalo niyang nilapit sa mukha ko ang bolang apoy na nasa palad niya. Nararamdaman ko na ang init nito.
"A-anong gagawin m-mo?"
Medyo takot na tanong ko sa kanya.
A devilish smile drawn on her lips.
"Bibigyan ka lang namin ng paunang lection. Para malaman kung sino ang binangga mo sa araw na 'to." Malumanay pero matigas na sabi ng babaeng nasa harap ko.
Nilapit niya ang kamay niya sa buhok ko. Wala na akong maatrasan kasi I almost pinned to wall.
Hindi ko mapigilan kabahan sa ginagawa niya. Ano naman ang laban ko dito? Kung sapakan lang naman at sabunutan.. Ready ako, Pero iba 'to eh! Iba ang mundong pinasukan ko. Hindi ito ordinaryong Academy. At hindi ordinaryo ang mga taong nandito.
Bumalik sa kasalukuyan ang isip ko nung maamoy ko ang sunog na buhok.
At ang sunog na buhok na 'yon ay walang iba kundi sa'kin. Sinunog niya ang strands ng buhok ko.
"Please! 'Wag mong gawin 'yan!" pigil ko sa kamay niya, pero mas lalong pinalakas niya ang kapangyarihan niya.
"Ano? Ba't hindi mo pinapalabas ang bansot mong kapangyarihan." nakangising sabi niya.
Tumawa silang lahat.
Kapangyarihan??
Meron nga ba ako 'non? Ilang beses kong sinubukan 'yon sa bahay nina Tita. Dahil sa sobrang hilig ko sa fantasy. Hilig ko sa mga palabas na may taglay na magic.
Pero wala... wala akong naramdaman na mayroon akong kapangyarihan.
At 'yong panaginip ko? Hindi ko alam kung totoo ba 'yon o bahagi lang 'yon ng malikot na imagination ko dahil sa pagkahilig sa magic.
Pero... dito na ata ang magtatapos ang buhay ko. I mean mawawala ang buhok ko.
"Please!" I almost begged her. Hindi ko alam pero naiiyak na talaga ako. Hindi naman talaga siguro ako nababagay dito eh. Bakit ba kasi pasok ng pasok pa ako dito! Dapat sana tiniis ko na ang pagmamalupit ni Tita sa'kin atleast doon may chance na buhay pa ako. Pero dito...
"M-MASTER ZED??" narinig kong sabi ng isang babae habang nakatingin sa labas ng washroom.
Nawala bigla yung swirling fire ball sa kamay ng babaeng nasa harap ko. Lahat sila ay tumayo nang maayos. At medyo may takot sa mukha nang makita si Zed.
Eh ako naman. Medyo nakahinga dahil feel ko. Ligtas na ako. Nagalipat-lipat ng tingin sa amin si Zed hanggang sa napatitig siya sa akin. Nabalot ng katahimikan ang paligid habang nakatingin sa amin si Zed
.
Tapos mayamaya nagderitso siya ng tingin at naglakad paalis.
Yeah! PAALIS na para bang wala siyang nakitang nangyayari.
Dismayadong sinundan ko siya ng tingin.
What the! Sobrang mali ang hinala ko na ligtas na ako. SOBRANG MALI. Na ililigtas ako ng lalaking 'yon.
Hindi niya ba nakikita na may commotion na nangyayari doon. Or ayaw niya lang talaga akong tulungan sa higad na ito? Bwisit na lalaking 'yon!
Isang malakas na tawa ang ginawa ng babe dahilan para mapaharap ako sa kanya.
"So? Paano ba 'yan? Kawawa ka naman... Akala mo ba ililigtas ka ni Zed? Asa ka girl! To think na hindi siya mag-aaksaya ng oras sa tulad mong isang commoner." maarteng sabi ng babae sa harap ko at saka unti-unting nilabas ulit ang swirling fireball na nagtatago lang sa kamay niya.
I...
I'm
I'm really dead!
"Ruby! Don't do that!"
May isang tinig ulit mula sa labas ng washroom ang kumuha sa atensyon namin. Isang lalaking kasing edad lang namin. He's also wearing a blue necklace.
Kilala ko 'to!
S-si... Si...
Sino nga tong lalaki na 'to?
"Huwag mong pakialaman ang pinagagagawa ko Kuya Christian." may galit na sabi ng babaeng nasa harap ko.
Christian? 'Yon! Oo... Siya si Christian Onyx Williams. Ang lalaking pinakilala sa'kin ni Claire doon sa meeting hall.
Ang royalty na nagmamay-ari ng Phoenix fire!
And... WHAT?! Tinawag siyang kuya ng babaeng nasa harap ko? I-Ibig sabihin...
Magkapatid sila?
Lumapit siya sa amin ng nakapamulsa pero nakangiti. Maamo ang mukha niya at shet! Tulo ang laway ko sa ganda ng dimple niya!
"Hindi ko pakikialaman ang gawa mo kapag hindi masama. Hindi ka ba naawa sa kanya?"
"Tss..! I was born no mercy kuya! Kaya pwede ba wag kang makialam!" medyo galit na sabi ng babae. Ruby ba name niya?
"Ok? Gawin mo 'yan. Makakarating kay Daddy ang pinagagagawa mo."
Inis na tiningnan ni Ruby si Christian na cool na cool lang na nakangiti.
"Ano? Ititigil mo ang ginagawa mong yan? O makakarating kay Daddy ang lahat ng mga masamang ginagawa mo kasama ng mga kaibigan mo? "
Nabigla ang mga kasama niya.
"Huh??.. OMG. Umalis na tayo Ruby.. Baka magalit samin ang Daddy mo." sabi ng isa na medyo may takot sa mga mata.
"Oo nga! Baka mawalan pa kami ng kapangyarihan kapag nalaman niya." dugtong naman ng isa.
"ARGGGGHHH!" sigaw ni Ruby sa amin kasabay ng pagbiglang kulay pula ng eyeballs niya.
Naglakad siya paalis. Pero bago sila tuluyan umalis nagpahabol siya sakin ng titig na para bang nagsasabing 'Hindi pa tayo tapos!'
Pagkatapos umalis ng mga babae hinarap ako ni Christian.
"Hi... Are you ok?" tanong niya sakin na medyo may worried look
.
"A-ahm... medyo, nasunog kasi yung ilang strand ng buhok ko. P-pero ok na din naman ako. Thank you ah?" sabi ko sa kanya sabay ngiti.
"I'm sorry about that. Pero hindi pa naman siguro ako nahuli ng dating right?"
"Ah-m.. Of course not. Kasi kung nahuli ka.. Baka crispy dead meat na ako kanina." sabi ko tapos medyo napatawa siya dahil sa sinabi ko.
"Haha, that's funny. Siyanga pala.. I'm Christian , but you can call me Chan. And you are?"
Nilahad niya ang kamay niya ang kamay niya para makipagshake hands..
"Amy... Amythyst Lee." sabi ko then kinikilig na tinanggap ko ang kamay niya.
Biruin niyo may isang gwapong lalaki na nagligtas sakin tsaka nagpakilala sakin.
Tiningnan niya yung wrist watch niya. May pinindut lang siya at lumabas yung number na pang 3D na kahit ako makikita ko din ang oras. Hindi ko maiwasan ma-amaze.
"Sorry Amy. But I need to go." pagkuwa'y sabi niya sakin pagkatapos makita ang oras.
"Ok lang. Nakakahiya nga kasi, I'm almost wasted you're time." sabi ko sa kanya.
"No, its ok. And its my pleasure to meet you here. So? See you around Amy?" paalam niya. At saka nagpahabol pa ng ngiti.
"Ah... yes. Bye." paalam ko sa kanya. Kumaway pa siya bago nagteleport paalis. Napahawak ako sa mukha ko. Shocks! parang gusto kong tumili.
Ang gwapo niya kasi promise. Hindi ko mapigilang kiligin na makita siya ng malapitan.
"Excuse me..."
Panira ng moment na sabi ng isang babae sa likuran ko. Parang assistant siya dito sa Academy since hindi ko naman masabi sa kanya na isa siyang students.
"Yes? " nakangiting tanong ko sa kanya. Nakangiti ako pero sa totoo lang naiinis ako kasi sinira niya pag da-daydream ko.
Mga age 25 palang siya.
"Ahm.. Pwede pakidala 'tong mga papel kay Master Zed?. Hindi ko na kasi kaya eh." sabi niya sakin.
"Ha? So pati pala ikaw Ma'am hindi mo na din kaya ang ugali ni Zed? Kahit naman ako noh! Kahit baguhan palang ako. Grabe! Masasabi kong sobrang sama ng ugali niya at walang pang pakealam sa paligid. I wonder kung bakit naging master p-- "
Sumabad si Ma'am Assistant sa pinagsasasabi ko.
"Hindi 'yon Miss... Hindi ko na kayang tiisin, Natatae na kasi ako. Sige ah.. ibigay mo na lang yan. "
"Hah? P-pero.. Hindi ko alam ang office niya?" sabad ko habang hawak-hawak ang mga plastic envelope na punong-puno ng laman.
"Ikatlong pinto sa kanan. Sige bye!" Tsaka bigla nalang siyang nawala sa paningin ko.
"Oww... K?"
Tiningnan ko ang mga envelope. Kay Zed pala 'to.
'Yong lalaking hindi man lang ako tinulungan sa apat na hipokrita na 'yon sa kanya ko pala dadalhin ang mga envelope na ito. Hmmm...
*Pak*
Binagsak ko ang dalawang envelope na punong punong ng laman lamesa mismo ni Zed.
Ngunit hindi man lang siya natinag sa pagsulat niya. Abnormal nga siguro 'to. Kasi kung normal 'tong tao. Magugulat siya sa pagbagsak ng mga envelope sa lamesa niya.
"Bakit ikaw ang nagdala niyan?" tanong niya habang tuloy parin sa pagsulat and he don't even bother to stop writing and look at me. Tae! Maganda naman ako Ah?
"Natatae daw!" sagot ko. Parang hindi master ang kausap ko 'no? Ang ganda kasi ng ugali niya. Tsss.
"Ok? Then you can go now." cold niyang sabi.
"Sure! Hindi naman ako magtatagal dito. Oh, by the way, salamat nga pala ah? Salamat kasi aumingit ka lang naman sa eksena kanina. Kita mong nasa bingit ng kamatayan na ako hindi mo man lang ako tinulungan.. Pero nagpapasalamat ako kasi Umextra ka pa kanina.Wala ka naman nagawa!" I said with full of sarcasm.
Pero mas lalo akong nainis nang magsalita siya.
"Ok... Your welcome."
Napanganga ako.
Bwisit! Hindi niya ba alam na sarcastic words 'yon?
"Alam mo ba ang word na sarcastic? Ibig sa-"
"Oo alam ko. Sarcatic din 'yong sinabi ko kaya pwede ka ng umalis. And diba isa kang Elemetian? Then prove them your power. You don't need my help." Cold niyang sabi sabay tingin sa'kin . "at tsaka ganyan mo ba i-treat ang Master mo? Walang modo!"
Parang napanting sa tenga ko ang sinabi niyang walang modo kaya naman biglang umusok ang tenga at ilong ko.
"Hoy!Excuse me!" pamewang ko sa kanya. "Paano naman kita iti-treat na isang master kung hindi ka marunong tumulong sa kapwa? I really wonder why kung bakit ka naging Master kung halos wala kang pakialam sa pa- "
Napatigil ako sa pagsalita nang biglang tumingin siya sa'kin with a very cold eye. Kasunod ng paggalawan ng mga upuan at mesa na nandito sa office niya. Pero mas ang ikinagulat ko nang sa isang iglap he pinned me to the wall at galit na hinawakan ako sa balikat.
His cold eyes, turned to a blue one.
Now he's having Cold Blue Eyes.
"Don't you dare to say that word to me. Dahil wala kang alam sa pagkatao ko at hindi mo alam kung sinong tao ang kausap mo Ms. Amythyst Lee!"
Napasinghap ako sa takot.
Nabakas ko ang galit sa mukha niya. Habang pahigpit ng pahigpit ang paghawak niya sa balikat ko.
"Ah-Aray..." nasabi ko na lang. Hindi ko alam pero biglang lumakas ang t***k ng puso ko sa matinding takot.
"Mr. Deauville!" tawag ng isang lalaki na nasa pintuan.
Si Mr. Morley ang Master na nagtuturo sa Royalties.
"Control your emotion. Wala siyang kalaban-laban sayo. " saway niya
Pagkarinig niya ng sinabi ni Master Morley ay binitawan niya agad ako at bumalik sa upuan. Para akong dahon na nalagas mula sa sanga nang bitawan niya ang balikat ko.
"Magusap tayo sa labas Ms. Lee. " sabi niya sakin .
Eh ako naman sobrang na- speechless sa nangyari at mga sinabi niya.
Hindi ko maiwasan matakot. Ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko. Nakita ko 'yong pagbago ng mga mata niya. At ang mga matang 'yon ay kakulay ng blue diamond necklace ng mga Royalties.