Chapter 3.1

1944 Words
Chapter 3.1 Rules and Regulation Amythyst POV. Napagkasunduan ng apat na Master, ay! tatlo lang pala kasi hindi na sumali sa furom si Zed- na lahat kami, sa commoners ipapasok. Actually last batch na lang kami sa field at ang ibang mga students may iba pang laban sa iba't ibang lugar daw dinala. May binigay sa amin na I.D or a card kung saan andoon na agad ang pangalan namin. T-teka paano nila nalaman ang pangalan ko? Magagamit daw namin 'yon kahit saan. 'Yon na din ang magsisilbing card namin para mag withdraw ng sariling pera. Parang pang-ATM lang. Binasa ko ang nakasulat. Name : Amythyst Lee Level: commoners Power Ability : Unknown Di ko mapigilan matawa sa powers ko. May ganoon palang powers. Unknown! Kakaiba talaga ang school na 'to. Naglahong parang hangin ang tatlong master habang naiwan kami dito sa field para hintayin ang mga kasama namin at sabay-sabay na tingnan ang loob ng school. "Woah, ang galing!" Manghang sabi ko nang bigla nalang naglaho ang tatlong Master. "Grabe! Ang gwapo talaga ni Zed!" pagtitili ni Claire. "Tsss... ang sungit naman!" sabay pang sabi ni Gino at Rizza. "Tama..." sabad ko sabay tumawa ng malakas. Tiningnan nila ako ng nakasimangot na para bang 'di maipinta ang mukha. Napatigil ako sa pagtawa at seryosong tumingin sa kanila. "What? " natanong ko. Pero parang hindi nila narinig ang tanong ko. Seryoso parin ang mga mukha nila habang nakatingin sa'kin. "OK... kung about kanina... s-sorry guys, If dahil sa'kin napabalik si Pink sa kaharian niyo. Dapat kasi ako na lang tatanggapin ko na lang 'yong parusa ni Tita kung hindi naman pala ako welcome dito." pagda-drama ko saka bahagyang yumuko. "That's not what we mean." "Then what?" tanong ko kay Mark na siyang nagsalita "Tagasaan ka ba talaga? Bakit wala kang alam tungkol sa amin? At tama si Zed. Wala kang nilabas na kapangyarihan kanina." usisa ni Rizza. "Wala akong nilabas kasi nga wala naman talaga!" giit ko. Akala ko ba naniwala na sila sa akin kanina. "But we all feel that you are one of us." insist naman ni Claire. "Ok para maniwala kayo.. I will introduce myself. Pero... gusto ko din malaman sainyo ang tungkol sa lugar na 'to, Ok?" tumayo ako nang maayos at humarap sa kanila. Tumango lang 'yong apat. "Ahem!" I cleared my throat. "I'm Amythyst Lee. 18 years old. I lived at the subdivision with my Tita and cousin. Isang ulilang bata. And kung paano ako nakapunta dito. Syempre naglakad, 'di joke lang," biro ko saka muling sumeryoso. "Ahm may napanaginipan kasi ako na meron daw akong abilities tulad ng nakikita ko sa inyo. At kailangan kong pumunta dito para mapalakas ko ang Unknown power ko," bahagya akong tumawa ng sinabi ko ang 'unknown power' "Nakakatawa talaga ang nakalagay sa ID na 'to... "  Tapos nagbow ako at naupo ulit sa grass. "Ok? Sino ang mga magulang mo?" "Hindi ko alam kung may magulang ako." "Ok... sorry." hinging paumanhin ni Gino. "Ayos lang." "Kung may napanaginipan ka .. Edi you're an elementian nga... Eh ba't wala kang powers?" tanong ni Claire "Ewan ko." kibit-balikat ko. "Ano ba kasi ang elementian? Totoo ba iyon? I mean kayo?" "Ang mga elementians ay parang mga tao din. Ang kaibahan nga lang ay may taglay kaming abilidad na hindi kayang gawin ng isang normal na tao. Ang elementians ay maiuuri sa dalawang kapangyarihan- Ang Special Abilities at ang mga elementians na kayang komontrol ng isa sa apat na elemento." paunang paliwanag ni Rizza. "Eh 'di isa kayong immortal? " may paghangang tanong ko. "Hindi, dahil kagaya ng mga tao tumatanda at namamatay din kami. Iyon nga lang mas mahaba life-span namin kaysa sa kanila. As far as I know pinakaunang elementians na nabuhay dito ay umabot ng limang daan taon ang edad niya bago namatay." sagot naman ni Mark. "So... Isa kayong wizard? Sorceress or witch?" "Ka- level namin ang mga wizard pero hindi kami kagaya nila na kailangan pang mag-enchant ng spell o gumamit ng stick at singsing para mailabas ang kapangyarihan. Nakaukit na sa kaluluwa namin ang abilidad namin. At ang maganda sa pagiging elementian kaya mong pag-aralan at gamitin ang ibang abilities as long as kaya pa ng sistema mo," dagdag pa ni Claire. "Pero iyon ang sabi sa libro. At ang alam ko wala pang gumagawa ng bagay na iyon kahit pa ang mga royalties dahil kapag sinubukan mong pag-aralan ang isang abilities na hindi naman para sa iyo kapag hindi ka nagtagumpay doon, maaring ikamatay mo iyon. " Napasinghap ako. "Ah... So ganoon pala ang elementians. At marunong kayong mag-magic? " "Look around you, everything in this place is made of magic," sabi ni Rizza. Napalingon ako sa paligid at doon ko nakita mula sa puno kung paano bumukadkad ang mga bulaklak. Kasabay ng paglabasan mga paru-paro na naroon. Hindi ko mapigilang humanga sa iba't ibang kulay ng mga iyon. Binibigyan buhay iyon ng mga iba pang elementians na naroon.  Kasunod niyon ang mga nilalang na naglalaho na parang hangin lang. Ang elementians na akalain mo isang normal na tao lang pero hindi kakaiba sila... sobrang kakaiba. "Ang galing!" bulalas ko. Muli akong tumingin sa kanila ng may maalala akong isang bagay. "Siyanga pala tungkol saan ang fight for the levels? At bakit may mga kanya-kanyang levels dito?" tanong ko. "Makikipaglaban ka para mapili ka ng tatlong level... " Sagot ni Gino. "A-ano 'yong tatlong level?" tanong ko. Ok. Ako na talaga ang malaking tanga dito. " Ang Commoner, ang Spy at ang Warrior. Commoners... Sila 'yong mga baguhan kung saan nadoon tayo na medyo mahina pa ang mahika na taglay. Spy.. Sila yung pinamumunuan ni Zed na sobrang galing magdetect ng kalaban, sa tulong ng mga kanilang special senses ability nalalaman nila kung nasaan ang kalaban nila. Warrior... Sila naman yung handa makipagpatayan. May kanya-kanya silang armor para sa pakikipaglaban. At yung panghuli ay ang Royalty... Sa tatlo kong nasabi, ang Royalty lang ang hindi dumadaan sa fight for the levels dahil kapag may dugo kang royalty hindi ka na require makipaglaban." mahabang litanya ni Claire. "Woah! Talaga? Pero paano naman nalalaman na isang royalty ang isang elementian?" tanong ko. "Ang mga royalty ay kayang magpalabas ng isa sa apat na elemento. Ang tubig, apoy, lupa, at ang hangin. Kaya karamihan sa mga Royalty ay lumalaki ang ulo kasi sila ang unang pinuprotektahan ng tatlong lebel." singit ni Mark. "Yeah right! 'Yong mga mataray, masungit, Mga feeling maganda, arogante at antipatiko. Matatagpuan mo ang lahat ng 'yan sa Royalty Level." dagdag ni Rizza. "Ah so ganoon pala..." nasabi ko sabay tango. Eh bakit 'yong Zed na 'yon antipatiko pero nasa Spy level siya. Tsss... depende naman siguro 'yan sa tao. Nasabi ko na lang sa sarili ko. "Freshman elementians... maaari na kayo pumasok sa Trojan Academy. At makita ang levels na para lamang sa inyo." sabi ng isang babae na nasa tv at bigla na lang nagpakita sa paligid ng Trojan Academy. "Astig!" "Tara, pasok na tayo!" Tumayo na kami para pumunta sa loob ng Trojan Academy. Lahat kami excited na kinakabahan. Honestly pagpasok palang. Ang lahat ng mga nakikita ko ay mga advance technology ang ginagamit. Meron akong nakita na upuan ginawa niyang kama, ballpen lang kayang gawing cellphone, at 'yong tablet kayang gawing 3D notebook. Hindi mo aakalain na sa mala- Victorian Castle na itsura ng Trojan Academy ay makakakita ako ng ganito ka-high tech na mga bagay. "Wow! Grabe, mas high tech. talaga dito kaysa doon sa pinagmulan natin." bulalas ni Rizza. "Oo nga!" pagsang-ayon naman ng iba ko pang kasama. May taong nag-guide samin na para bang nasa museum lang kami. "Hello Commoners... I'm Ms. Donna Go. Ang inyong magiging guide para malaman ninyo kung saan ang room ninyo at ipapakita ko din ang lugar, gadgets na pag-aaralan ninyo. At kung sakaling naging magaling kayo. You can move forward to the spy or a warrior... sa ngayon kailangan muna ng ninyong matuto kontrolin ang powers ninyo. But before that... Ipapakita ko muna sa inyo ang magiging room at ang mga gadget na pwede ninyong gamitin. " sabi niya habang naglalakad kami. Marami na kaming Commoners... Halos mahigit bente ang bilang namin lahat. Madami dito kasi wala daw na kinuha na freshmen 'yong Spy Master which is si Zed. Sa lahat ng level, sa Spy lang ang pinakakonti! Lima lang sila! Kasama na si Zed. Mapili talaga ang lalaki na 'yon.  Ayon kay Mark, mas gusto daw kasi ni Zed na kaunti pero excellent ang gawa Pakiramdaman ko terror din siya magturo. Pinakita sa amin yung room namin. Grabe! High tech ang blackboard, touchscreen! Marami ang upuan at may sari-sariling screen monitor ang bawat arm chair. Color white ang lahat ng mga rooms. Feel ko nasa heaven na ako. Pumunta kami sa isang room. Binuksan ni Ms. Go ang pintuan. Isang field ang nakita namin... dito nakikita ang nagsasanay na mga commoners. Pinanood namin ang isang lalaking nag-aaral ng archer. Iniumang niya ang pana sa board kung saan ilang metro ang layo sa kanya. Binalot ang buong pana ng kuryente bago niya iyon pinakawalan. Sinundan namin iyon ng tingin. Nang tumama iyon sa board ay iisang ingay lang ang narinig ko. "Woah, Bull's eye!" Kahit ako ay napanganga sa pinakitang galing ng lalaki. "Congratulation, Mr. Lewis. You're a warrior now, you can move to the next level," tinig ni Master Arminus na sadyang nangingibabaw sa lahat. "Talaga?" halos hindi makapaniwalang tanong ng lalaki. Nagsilapitan ang ilang mga kasama nito saka masayang inakbayan ang lalaki. "Congrats, Bro!" Halos pati kaming baguhan napabilib sa pinakita niya. At parang lahat kami nainspire sa pinakita nung lalaki. "Grabe, ang galing naman niya!" "Ang swerte niya!" "Warrior agad? Ang galing!" Bulungan ng mga kapwa ko commoners mula sa likod ko. "Ang gwapo niya!" kinikilig na sabi naman ni Claire. Sa lahat yata ng complement na narinig ko sa lalaking iyon ay si Claire lang ang nagsabi na gwapo ang lalaki. Well infairness, gwapo naman talaga. Mas makikita sa kanya ang pulang kulay na buhok na kung titingnan ay natural na natural ang kulay. "sayang di natin siya classmate." "Ayan ka na naman Claire. Pareho talaga kayo ni Gino, Maharot!" pahalukipkip na sabi ni Rizza. Sa ilang oras na nakasama ko sila. Si Rizza ang masyadong prangka sa kanila. "Aray naman, ang sakit mo naman magsalita!" sabi ni Gino. Ito naman ang masasabi kong maharot nga sa grupo. "Hindi ganoon kadali ang maging Warrior. Siya si Mr. Kaisser Lewis ang pinakamagaling sa mga commoners. Hindi biro ang pinagdaanan niya para maging magaling na commoner at ngayon ay mapabilang sa warrior. Marami siyang pinagdaanang pagsubok bago niya naabot ang warrior level. Alam kong lahat kayo ay may natatagong mahika na mas mapapalakas niyo pa dito sa field na to. " mahabang sabi ni Ms. Go sa amin. Eh ako kaya? Ano kaya ang magagawa ko sa loob ng academy na ito? Siguro... mas mapapatulin ko pa ang pagtakbo ko dito sa field na ito. Kagaya noong pagtakbo ko kanina sa field. Naglakad pa kami sa maraming kwarto at natapos ang araw namin na pagod. Pero marami na din akong nalaman. Kahit na hindi ko parin masabi sa sarili ko kung isa nga ako sa kanila. 'Yong pagiging isang elementians na tulad nila. Hindi ko rin alam kung ano ako sa Academy na ito. Hindi ko rin alam kung tatagal ba ako dito. O baka bukas ay nasa bahay nina Tita na naman ako. Well no one knows what will be happen tomorrow. Hay! Wala din akong alam sa nangyayari sa sarili ko ngayon. Pero isa lang ang sigurado ako... gusto kong malaman ang hiwaga na nababalot sa Academy na ito. ------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD