Chapter 3- Fight for the levels.
Amythyst
"Oh... napanganga siya guys."
Natatawang sabi ni Pink nang makita ang itsura ko habang inililibot ko ang paningin ko sa sinasabi nilang Trojan Academy. Teka... sinabi nila na isa 'yon klase ng eskwelahan hindi ba. Grabe! Ang ganda naman na school na ito.
"As we reach the middle of this field... We should be ready ok?"
Napatingin ako kay Mark na siyang nagsalita. Sabay-sabay namang tumango ang apat. Te-teka... anong nangyayari? OP ata ako ah?
"Anong gagawin natin?" tanong ko patuloy parin kami sa paglalakad.
"Kakanta malamang," sarcastic na sabi ni Claire pero ngumiti naman siya kapagkuwan.
"Ah ok..." 'Yon na lang ang nasabi ko. Medyo seryoso kasi sila eh.
"We will going to fight for the levels cute." sabi naman ni Gino sabay ngiti at kumindat pa sa'kin.
"Wh-"
"READY!" sabay-sabay silang nagsihanda sarili nila na para bang may kaaway silang kakalabanin.
Napatigtig na lang ako sa kanila with frowned look. Ok? Ako na talaga ang dakilang tanga! At parang mangmang na ewan.
Nabigla ako nang bigla-bigla na lang may lumitaw na mula ilalim ng lupa ang hindi ko maipaliwanag na mga nilalang. And the next thing I did?
"Ahh! Monster!"
Sigaw ko sabay takbo! Sa kakatakbo ko bigla-bigla na lang akong nabunggo dahilan para matumba ako. Tiningnan ko kung ano ang nabunggo ko. Wala naman. Oo wala naman kasi ang layo ko pa para mabunggo sa isang puno.
Napatingin ako sa mga kasama ko na busy na makipaglaban sa mga monster na ewan ko kung saang mundo sa ilalim ng lupa nagmula. Ako lang pala ang tumakbo. Tss... stupid!
Bigla-bigla naman may lumabas ulit na halimaw mula sa ilalim ng lupa and what the heck! Nasa harapan ko siya!
Napaatras ako habang 'yong monster naman na nasa harapan ko umaabante papunta sa'kin. Para siyang ugat ng kahoy na binuong isang tao na parang ... ay ewan ang hirap i-describe basta sobrang nakakatakot sila.
Wala na akong naatrasan kahit pagtingin ko sobrang layo ko pa sa wall ng school na 'to. Nasa gitna kami ng field. Tapos wala na akong maatrasan parang may bagay na humaharang sa likod ko para di ako makaatras pero tiningnan ko wala naman. Napahawak ako sa likod ko. Parang may wall akong hindi ko nakikita na nakapalibot sa aming anim. Parang kinulong kami sa isang wall.
"Invisible wall?" nasambit ko.
"Wrrrrrhhhhhhhhhhhhhhh!" sabi ng halimaw na nasa harapan ko.
"Anong sabi mo?" tanong ko sa kanya.
"Wwwwrrrrrrrrhhhhhhhhhh!!" parang galit na handang handa na akong patayin sa pamamagitan ng matutulis na kuko niya na parang kahoy.
Napatakip ako ng ilong.
"Hmf. Ang baho ng hininga mo! Nagtoothbrush ka man lang ba? Alam mo bang dapat three times a day kailangan magtoothbrush para cavities no way!" sabi ko sa kanya.
"WRRRRHHHHHHHHHH!" sagot niya ulit saka inunat ang kamay niya para kunin ako. Pero buti na lang napatakbo agad ako.
"Ay pikon? Ayaw mo niyon? Friendly advice lang naman 'yon bahala ka! Mahal pa naman magpapustiso!"
"WRRRRHHHHHHHHHHHHHHH!" mas lalong malakas 'yong boses niya na para bang galit na talaga.
Kaya wala na akong nagawa kundi ang tumakbo ng tumakbo at nang wala na akong matakbuhan dahil na-trap na naman ako sa bwisit na pader na ito na hindi ko naman nakikita, wala na akong nagawa kundi ang magmakaawa.
"Please po! 'Wag niyo pong gawin ito sa'kin. Bata pa po ako, sayang po ang ganda ko kapag nawalan ako ng virginity. Please po," as said I begged on this monster. "Tsaka hindi tayo bagay. Halimaw ka samantalang ako magandang tao!"
Pagkasabi ko nun biglang nag-iba ang aura niya. Oo may aura siya!
And tinutok sa'kin ang kamay niya then biglang lumaki ang eyeballs ko.
A swirling fireball! Iyon ang nakikita ko sa kamay niya. At handang-handa niya na iyon gamitin sa'kin anumang oras. Gulp! No time for joke Amythyst cause you will be a dead meat now!
Correction a crispy dead meat!
Napapikit na lang ako habang hinihintay ko ang gagawin niya. Paano naman ako makikipaglaban sa kanya? Eh wala naman akong powers gaya ng mga kasama ko na kasalukuyang ginagamit ang kapangyarihan nila. Si Gino sobrang bilis kung kumilos mas mabilis pa sa one second sinipa niya lang ang halimaw, at napatumba niya agad. Si Claire na kahit nakapikit kaya niyang madetect kung nasaan parte ang kalaban niya. Si Rizza na sobrang talas ng pandinig, si Pink naman na she use the odor of the flower para mahilo ang kalaban at si Mark kayang manipulahin ang kilos ng halimaw.
Eh ako?
Kaya ko lang ata tumakbo eh.
Pero... ngayon? Paano na 'to. Lord kung kukunin mo na ako 'wag muna ngayon? Ni hindi ko pa nakikita yung prince charming ko.
"Amythyst!" sigaw ng isang tinig. Napalingon ako sa bahaging kanan.
Si Pink!
Bigla-bigla na lang tinapat nito ang kamay sa kalaban at doon may lumabas na kakaibang liwanag mula rito at pinunto ito sa halimaw na nasa harap ko.
But!
Its too late... kasi naunahan ito ng halimaw at bigla na lang tumilapon si Pink.
"Pink!" sigaw namin lahat.
Pinagtulungan nila ang mga kalaban at madali itong namatay... si Pink naman ay unti-unti ng naglalaho.
"P-pink!" nasabi ko habang hindi ko malaman ang gagawin ko. Agad ko siyang nilapitan.
"Sorry guys... pero kailangan ko pa siguro ng kaunti pang practice para sa abilities ko." sabi niya saka ngumiti.
T-teka! 'Wag niyang sabihing...
"Pink huwag mo silang iwan. Dapat kasi hinayaan mo na lang akong mamatay hindi mo na sana ako tinulungan pa, " pagda -drama ko habang niyuyug-yog ang katawan ni Pink na unti-unti ng naglalaho.
"Pink sorry, please huwag kang mamamatay! "
"Tss.. Hindi siya mamamatay," sabi ni Mark.
Napalingon ako kay Mark.
"Huh? Di nga?" sabi ko saka tumayo. Nakita kong tuluyang nang naglaho si Pink.
"Bumalik lang siya sa kaharian... sa Eleria."
"Eleria? A-ano 'yon? " kunot noong tanong ko.
Nagkatinginan silang lahat.
"Hindi mo alam?" sabay-sabay nilang tanong.
Alanganin ang pag-iling ako kasi baka kung ano ang gawi nila sa akin kapag nalaman nila na hindi ako kagaya nila. Baka magtransform sila as a zombie at kainin na lang ako ng buhay!
"Ang lugar kung saan tayo galing. Ang lugar kung saan nakatira ang mga katulad natin. Hindi mo na agad alam?" Halos hindi makapaniwalang sabi ni Rizza.
"Baka nabagok ang ulo niya ng pumasok sa tayo dito sa portal kaya nagka-amnesia siya ngayon," sabi ni Gino.
"Ah, teka lang, lilinawin ko lang ah?" Sabi ko sa kanila. Huminga ako nang malalim. Sana naman hindi sila magtransform as a zombie sa sasabihin ko. "Hindi niyo ako kasama sa paglabas ninyo ng portal. Aksidente lang ang pagkakapunta ko dito."
Nagkatingin ulit sila. Habang ako naman ay pigil hininga sa paghihintay na magbagong anyo sila at maging isang zombie. Pero ilang sandali na ang nakalipas ay hindi nawala ang pagkunot-noo nila kaya muli akong huminga ng malalim at nagsalita.
"Naliligaw lang talaga ako."
"Pero... hindi ka naman namin mahusgahan na isa kang mortal kasi, kakaiba ang aura na nafefeel namin sa'yo. Nararamdaman namin na may taglay ka rin na mahika katulad namin."
"Mahika? Paano naman mayroon akong ganoon? Ni wala ngang powers na lumabas sakin nung umatake sakin yung bad breath monster kanina!" sabi ko sa kanya.
Magsasalita pa sana si Gino nung lumapit sa amin ang lalaking nasa age 45 na at nakasuot siya ng isang puting coat. Kasama dalawang lalaki na kasunod niya at nakaputi din.
Ok? At kelan pa naging langit ang lupain na to? O 'di kaya? Nasa langit na nga talaga ako? Gulp!
"Oh my god ang gwapo talaga ni Zed Deuville!" bulong ni Claire habang pigil na tumitili.
Napatingin ako sa lalaking kasing-edad lang namin at parang feel ko pamilyar ang mukha niya. So? siya 'yong Zed Deuville na pinaguusapan ng mga ito kanina. Hmm gwapo din... pero parang nagkita na kami.
"Well done students. Kahit may napabalik sa Eleria na isa, you did a great one." bati sa amin ng lalaki na I think age 45 na. Dalawa silang medyo matanda na at 'yong Zed lang ang pinakabata na halos kasing edad lang namin.
Kinalabit ko si Rizza.
"Sino sila?" turo ko doon sa lalaking nagsalita. At doon sa lalaking naka eyeglasses.
"Siya si Master Arminus siya ang nagtuturo sa warriors level, 'yong naka-eyeglass naman si Master Gwyn ang nagtuturo sa commoners level at si Zed Deuville ang student trainer na tinuturing ng isang Master dahil sa excellent performance niya, siya naman ang natuturo sa spy level."
Ok? Parang wala ata akong naintindihan tungkol sa mga level-levels na 'yan. Pero tumango na lang ako para di mag itsurang mangmang kahit wala naman talaga akong naitindihan.
"Sa tingin mo? Zed? Sino ang nababagay sa levels mo? " tanong ni Master Arminus.
"Tsss. Lahat sila... sa commoners nababagay. " malamig na sagot nito.
W-wait! I-I know him. S-siya! Siya yung lalaking nakita ko kagabi 'yong lalaking dumaan sa kagubatan. Oo... hindi ako maaaring magkamali. Parehong pareho ang boses nila.
Mabilis na nagflashback sa isip ko 'yong sinabi ko sa kanya kagabi.
"Hoy! Excuse me lang ha! Kaya nga ho sinabi kong naliligaw ako kasi nagtanong ka. Akala mo kung sino kang matalinong tao para tawaging akong tanga!"
And then...
"Hoy! Ang bastos mo ah! Akala mo ang tali-talino mo. Feeling mo kung sino kang gwa-"
"Say it... "
"O-oo gwapo ka ! Pero ang bastos ng ugali mo ! "
I bit my lip. Damn it! What a small world para makita ko siya dito! Parang gusto kong bumuka ang lupa at lamunin na lang ako.
Eh paano ba naman kasi... sinabihan ko siya ng kung anu-ano tapos isa pala siya sa mga kagalang-galang na tao dito?! OMG! Wish ko lang di niya ako makilala.
Bahagya kong hinarangan ng ilang strand ng buhok ko ang mukha ko para di niya ako makilala.
"Huh? Bakit naman? I think magaling naman sila lalo na si-" Master Gwyn said.
"Lalo na ang babaeng 'yan!" napaatras ang dila ko nang tinuro ako ni Zed. "Dapat siya ang bumalik sa kaharian kasi wala naman siyang kwenta makipaglaban."
Sa kaharian nila? Tss... baka kina tita doon kaya ako galing.
Mr. Arminus and Mr. Gwyn look at me from head to toe.
"Sa tingin ko tama si Zed i- "
"Hindi siya pwedeng pabalikin... "
Lahat kami ay napatingin sa lalaking humakbang palapit sa amin.
"T-teka sino siya?" tanong ko sa kasama ko nang makita ko ang papalapit na lalaki. Mas kagalang-galang siyang tingnan kaysa kay Master Arminus at Master Gwyn although makikita na medyo kaedad niya lang mga ito.
"Siya naman si Master Morley ang nagtuturo sa royalty level."
Master Morley... napatitig ako sa kanya. Tila may kakaibang kaba na pumasok sa dibdib ko ng makita ko siya. Parang may kakaiba sa kanya sa ibang mga Master na hindi ko malaman kung ano iyon.
"But it's unfair for some students and a big shame on this Academy na may pinaaral tayong isang powerless elementian!" reklamo ni Zed.
Aray! Kahit totoo naman talaga ang sinabi niya. Pero nasaktan parin ako doon ah.
"At kelan pa nagkaroon na powerless elementian Mr. Deuville? She's just afraid... And a rule was a rule. Kung sino man ang natalo ng mga halimaw na iyon siya lang ang babalik sa kaharian period."
Huminga nang malalim si Zed. Tumingin siya sa'kin mabilis naman akong umiwas ng tingin. Kahit gwapo siya hindi ako makikipag eye to eye contact sa kanya 'no!
"Wala akong pipiliin ni isa man sa kanila. Kailangan pa nilang pag-aralan at mapalakas ang abilities nila. Bago ako mamili," final na sagot ni Zed saka tumalikod at umalis.
Wala sa loob na napairap ako... antipatiko!
**************