Chapter 2

2146 Words
Chapter 2 - The Trojan Academy. Amythyst Hindi ko na alam kung nasaan na ba ako. Hindi ko na din alam kung ilang agwat o layo na ba ako mula sa bahay nina Tita. Basta patuloy lang ako sa pagtakbo. At nang medyo napagod na ako naglakad na lang ako. At napalinga-linga sa paligid. Nakaramdam ako ng takot. Nasa gitna ako ng kagubatan, tanging tunog lang ng kulisap ang naririnig ko. Gabi na at medyo umaanbon pa. Hindi ko mapigilan maramdaman na ganito pala ka-miserable ang buhay ko. Wala na ngang magulang in end andito pa ako sa gitna ng kagubatan at hindi ko alam kung saan ba patutungo. Takot pa naman ako sa dilim. Sana naman walang multong magpakita sa'kin dito. Brr! Nagpalipas ako ng gabi sa gitna ng gubat na to. Hoping na walang magpakita sa'kin na multo, manananggal o kaya isang white lady. Basta galing sa dilim ayoko. Waahh! Nakakatakot kaya 'yon! Buti na lang kung vampire. Atleast my chance akong makita si Edward my loves. ♥_♥ Nakaramdam ako ng kaluskos mula sa gawing kanan ko. Medyo ilang agwat ang layo mula sa'kin. Tae! 'Yan na nga ba sinasabi ko eh. I bit my lip, tiningnan ko kung ano ang kumakaluskos. Syete naman oh! Gusto kong pumikit pero parang may nagtutulak sa'kin tingnan ang tunog na 'yon Lumaki ang mga mata ko na halos lumuwa na! M-may nakikita a-ako... O-oo... I-isang w-white lady! Ay! H-hindi pala... lalaki siya. O-oo isang lalaking nakaputi. Nasa langit na ba ako? Mama kayo ho ba si San Pedro? Naglalakad siya sa isang daan patungo sa hindi ko alam na lugar. T-teka... normal naman ata ang lalaking 'to. Hindi naman siguro 'to nangangagat o kaya masamang tao. Base sa itsura niya good looking naman siya. "Pssst!" tawag ko sa kanya. Sorry 'di ko alam ang name eh. Nagpuzzle kasi ang mind ko. Bakit nandito 'to? I mean nasa gitna ako ng kagubatan. At saka dyes oras na ng gabi. Hindi normal sa isang tao na nandito sa kagubatan sa ganitong oras. Unless 'yong gaya ko na naglayas. Tumigil ang lalaki at saka lumingon-lingon sa paligid. Eh ako naman dahil nabigla talaga. Napatago ako sa isang puno. Shet! Ano ba 'tong lumabas sa bibig ko. Baka manggagantso ang lalaking 'yon o kaya may lahing r****t. Edi parang binigay ko na rin ang buhay ko. Napasilip ako sa kanya habang nakatago parin sa puno. Sa magandang liwanag ng buwan doon ko lang naaninag ang mukha niya. Matangos ang ilong... Mapupulang mga labi... At makinis na mukha... But having mysterious eyes! The next version of my Prince Edward. kyyyyyaaaaahhhhh! Ang gwapo niya... Super! Shit! Kulang na lang tumulo ang laway ko. Gwapo kasi... makalaglag panty! Kumunot ang noo niya kasi nga wala naman siyang nakitang tao. 'coz nagtago ako sa malaking puno. Tumalikod na ulit siya at nagsimulang maglakad. "Pssst... hoy!" tawag ko na talaga sa kanya. Gusto ko lang makasiguro na hindi ako namamalik-mata sa nakikita ko. Tinawag ko siya ngunit nanatili parin akong nakatago sa puno. Medyo malayo na siya sa'kin. Kasi mabilis ang lakad niya. Lumabas na ako sa puno. Tae! Saan na kaya pumunta 'yon? B-baka... "SINO KA?" Isang malamig na boses lalaki ang narinig ko sa likuran ko. "AY TAONG MUKHANG KABAYO!" bigla kong nasambit dahil sa gulat. Biglang lumaki 'yong mga mata ko... As in kulang nalang malaglag ang eyeballs ko. "B-ba't nandyan ka na?" bigla kong sambit sa kanya. Eto kasi 'yong lalaki na nasa unahan ko... I mean 'yong lalaking tinataguan ko. A-andito na agad sa likod ko? As in parang hangin lang na pumunta sa likuran ko. Medyo malayo ang agwat ko sa kanya mula sa puno. Imposibleng makapunta agad siya sa likuran ko. "I'm asking you. Who are you? At bakit ka nandito?" madiin ngunit walang emosyong tanong nito. "A-ahmm... ano n-naliligaw lang ako." sagot ko sa kanya. "Really? Tanga ka ba? Nakita mo ng kagubatan 'tong tinatahak mo. Natural maliligaw ka." walang anu-ano'y sambit niya sa akin. At aba't! Napasinghap ako. Walang modo ang lalaking 'to ah! Parang biglang nagpanting ang word na TANGA sa tenga ko kaya naman parang biglang uminit agad ang tenga ko. "Hoy! Excuse me lang ha. Kaya nga ho sinabi kong naliligaw ako kasi nagtanong ka. Akala mo kung sino kang matalinong tao para tawaging akong tanga!" nakapamewang kong sabi sa kanya. Ang ayaw ko pa naman sa lalaki 'yong napakaantipatiko. Nakapa-arogante At higit sa lahat napakasungit! Bwisit sa ganda ko ba naman 'to? Ganituhin niya lang ako? Huh. Over my beautiful face. Unbelievable! Tsk! sayang gwapo pa naman siya... "Tsss... Idiot." nasabi niya na lang habang naglakad na siya paalis. At aba't kainis talaga ang ugali niya! "HOY! ANG BASTOS MO AH. FEELING MO ANG TALI-TALINO MO! FEELING MO ANG GWA..... " sigaw ko. Napatigil ako sa pagsalita kasi napatingin siya sa'kin. His eyes get's more colder but he had that pathetic smile that gave him more point of being a handsome man. "Say it..." Napanganga ako sa sinabi niya kasi parang hindi niya pinagkakaila na gwapo siya. "O-oo gwapo ka! Pero ang bastos ng ugali mo!" Tumalikod ulit siya at naglakad. Akala mo eh walang kumakausap! "Bwisit na lalaking 'yon. Tss! Magiiba din ako ng daan. Baka maging feeler pa 'yon na sinusundan ko siya." Napatingin ako sa dadaanan ko. Instantly I move backward. Looks Creepy! Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko. "Sige na nga... doon na lang ako dadaan." Pero swear! Sa tanang buhay ko. Ngayon lang ako nakatagpo ng ganoong klaseng ugali ng isang lalaki na bigla ba naman echepwerahin ang beauty ko. Eh halos sa campus na pinapasukan ko isa ako sa mga campus princess dahil sa taglay kong beauty. At halos lahat ng lalaki nagkakandarapa sakin. Tapos yong lalaki na yon tawagin lang akong TANGA?! bwisit 'yon ah! Ang ganda-ganda ng ugali niya. T-teka... asan na kaya 'yon. Ang bilis naman maglakad ng lalaking 'yon. Nawala agad. Medyo nakaramdam na ako ng gutom. Wala pa naman akong dalang pagkain. Halos damit ko lang ang nandito sa bag ko. Nagpahinga ako sa isang puno dahil sa sobrang pagod at gutom ko. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. *tik-ti-laok... Tik-ti-laok* 'Yong cellphone alarm ko yan. Oo kahit mahirap ako. May cellphone naman ako. 'Yong 3210? Di joke lang... Basta mura lang na cp 'to. Umaga na agad. Tae! May world war 3 ng nangyayari sa tiyan ko sa sobrang gutom ko na talaga. Nagsimula ulit akong maglakad. Asan na kaya pumunta ang lalaking 'yon. Parang feel ko panaginip lang ang nangyari kagabi. Kasi imposibleng makakita ako ng almost perfect package na lalaki. 'Yong sobrang gwapo 'yon nga lang antipatiko! Naglakad lang ako ng naglakad. Naibsan din ang gutom ko nang makahanap ako ng mga prutas sa daan. Diskarte na lang kasi tawag diyan para di mamatay sa gutom. Ilang oras akong naglakad na parang si Dora the explorer lang! Hanggang sa napatigil ako sa isang malaking gate... Oo sobrang laki! Halos pwede ng pumasok ang higanteng tao. Talagang malulula ka sa sobrang laki at ganda. Pero wait! gate palang 'yan. How much more sa loob... Sumilip ako sa grill ng gate. I gasped nang makita ko ang loob ng gate! Halos lumuwa ang eyeballs ko sa sobrang laki ng bahay na medyo malayo ang agwat mula dito sa labas. I mean para siyang palasyo! Ang ganda ng paligid. Maraming puno green grass, at almost perfect na ang lahat! Grabe! Napaka breathtaking ng nakikit kong 'to! Halos tumulo ang laway ko sa nakikita ko. Feel ko isa lang akong maliit na bubwit sa laki ng building na 'to. Pero teka! Ngayon ko lang 'to nakita ah, Ano kayang klaseng palasyo na 'to ah? As in personally! Umatras pa ako para makita ang pangalan na nakaukit sa Giant gate na to. Oo kailangan ko pa talaga umatras para mabasa ko ng buo ang word na nasa itaas ng gate. "T----r----o---j--a---n ?? T-teka... Parang pamilyar ang name na 'to ah?" Biglang nagflashback yung panaginip ko. At halos hindi ako nakapaniwala sa natuklasan ko. "Trojan Academy? " Ok? Sounds wierd pero... di nga! Totoo ba ang ngyayari na 'to? O nananaginip na naman ako. Sinapak sapak ko ang pisngi ko baka sakaling magising ako sa panaginip kong 'to. Pero waepek! Sakit lang sa pisngi ang inabot ko. Napatingin ako sa kanang bahagi ko nang bigla-bigla na lang nagsilabasan mula sa hindi ko maipaliwanag na lugar ang mga kasing-edad ko. Yeah! Yeah! Group of boys and girls. May mga kanya-kanyang dalang mga gamit as if galing lang sila sa ibang bansa at magbabakasyon dito sa Pilipinas. Pero hindi sila galing sa ibang bansa eh. Galing sila sa isang portal. Yeah! Basta bigla na lang lumiwanag ang paligid tsaka bigla na lang sila lumabas doon. Wierd! May nagtatawanan, may natatakbuhan,merong parang walang pakealam sa mundo. Kung titignan parang natural lang silang mga katulad ko. Pero kapag naiisip ko yung kaninang lumabas lang sila ng basta-basta. Parang gusto ko ng kumaripas ng takbo. Nagulat pa ako nang bumukas ang napakalaking gate sa harap ko. At deri-deritso lang sila papasok doon. Gusto kong magtanong sa kanila pero natatakot ako. Malay mo magtransform na lang sila bilang isang zombie! Edi lagot ako! "Naku! Nakakaexcite naman ang araw na 'to!" nakangiting sabi ng isang babae na katabi ko. Nakapila kasi silang lahat para hintaying mabuksan ng tuluyan ang gate. "Oo nga! Sana maraming gwapo. Kyaaah! Sana makaklase natin si Zed Deauville." pagsegunda naman ng isang babae na kasama nito na talagang nabingi ako sa tili niya. "Seryoso ka? Eh freshman palang tayo tapos siya isang student trainor na ng mga Spy. Ayos ka lang?" tanong naman ng isang babae. Sino naman kayang Zed Deauville? "Nagbabakasakali lang naman... " "Sus! Mga babae nga naman.. Basta gwapo, kung maka kering-keng. Eh aanhin niyo naman si Zed Deuville, kung kasama niyo na 'yong pinakamagwapo sa lahat?" sabad ng isang lalaki na kasama nila with matching pa-pogi points pa. "Yuck! Umambisyon ang isa diyan!" sabi naman ng isang babae. "Hay naku! Tara na nga! Kayo lang ang pinakamaingay sa lahat ng students na kasama natin." awat sa kanila ng isang lalaki. "Nagsalita ang di maingay!" sabay-sabay pang sabi ng apat dito sa lalaking huling nagsalita. Tapos nagtawanan sila. I think they were friends. Bale lima silang magkakasama-sama. Three girls and two boys. They're all good looking. Magaganda at mga guwapo. Hindi ko mapigilan mapangiti sa mga ginagawa nila. Naalala ko tuloy 'yong mga friends ko. By the way... magka-college na ako this coming June. Kaya naman excited na din akong makita sila. Napatingin sa'kin 'yong isang girl. Nakita niya kasi akong nakangiti sa kanila. "Oii! We have a company." lumapit siya sa'kin ng nakangiti. She looks friendly. I mean they're all looks friendly. "Hi girl... are you with us?" tanong niya sa'kin. "Ah-ahm... a-ano n-naligaw lang ako." sabi ko sa kanya. Na medyo nauutal pa sa hiya. Nagtinginan silang lima. Tapos bigla-bigla na lang tumawa. "HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" malakas na tawa ng lima. Napafrowned look ako as in Ok? What going on here? They're laughing like there's no tommorrow. "Ok? Why?" nakangiting tanong ko sa kanila but at same time nakakunot ang noo. "You know what? You're the first person we've ever met here who is a joker." sabi ng isang babae na medyo maluha-luha na sa kakatawa. "You know what cute... magkakasama tayo lumabas dito tapos naligaw ka parin? Hahaha! Best joke ever!" sabi ng lalaking nagyabang ng sarili niya kanina. "B-but I'm telling the truth." I insisted "Hay naku girl.. Gutom lang 'yan. Siyanga pala... I'm Rizza." "I'm Claire.... " "I'm Mark. " "You know my name... Its my favorite Color. "nakangiting sabi ng babae na halos balat na lang ang pwede ng maging pink. Yung mga gamit niya , damit at lipstick lahat pink. "Pink? " kunot-noong tanong ko. "Exactly!" "And lastly, I'm Gino." nagpapogi-points pa niyang sabi tapos di pa nakontento kinuha pa 'yong kamay ko tsaka hinalikan with matching kindat pa. Bigla naman siyang binatukan ni Claire. "Aray naman!" "Ikaw talaga! Gino kahit kelan napakaplayboy mo parin! Kabago-bago kinakarisma mo agad." "Eh pake mo ba!?" iritang sabi ni Gino. Ngumiti lang ako sa nakikita ko. I'm enjoying this group. Ang iingay! Pero close na close sila sa isa't-isa. "It's ok... I'm Amythyst. Amythyst Lee." Pagpapakilala ko. Nagline-up sila saka tinaas ang kamay nila para i-introduce ang malaking building sa harap namin. "AMYTHYST LEE. WELCOME TO TROJAN ACADEMY- SCHOOL OF ELEMENTAL ABILITIES." sabay-sabay nilang sabi at napatingin ako sa sobrang lawak ng lugar. So Im not dreaming right? Because its true! Grabe hindi ko mapigilan mapanganga sa sobrang ganda ng Academy na 'to. Mas lalong humanga ako nang pumasok na kami sa loob kasi mas maganda pa pala ito pa pumasok. Grabe! Napakaliwanag. Nakakagaan sa pakiramdam. But wait! Trojan Academy School of Elemental Abilities? Meaning... magic? Like what my nightmare said. And I am here? But why and How? **************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD