AMYTHYST
"Amythyst...." tawag sa akin ng isang tinig na para bang nagmula sa ilalim ng lupa. Lumingin-lingon ako.
Ngunit hindi ko makita ang nagmamay-ari ng tinig na 'yon.
"Ha? Sino kayo?" tanong ko na kahit ako din ay parang nage-echo din ang boses.
"Amythyst... isa kang elementians. Nananatalaytay sa dugo mo ang pagkakaroon ng mahika. At para mailabas at mapalakas mo pa ang iyong kapangyarihan. Kailangan mong pumasok sa Trojan Academy," mahabang litanya ng isang tinig ng babae.
"Ha? Ano ho ang pinagsasabi niyo? Trojan Academy? A-ano po iyon?"
"Magbabago ang lahat kapag pumunta ka doon. Marami kang malalaman tungkol sa pagkatao mo."
Biglang nagliwanag ang paligid. Naitakip ko ang mga braso ko sa mga mata ko dahil sa nakakasilaw na liwanag na tumama sa akin.
"Amythyst!"
Napabangon ako sa kama. Kasabay ng paglingon-lingon ko sa paligid habang hinahabol ang paghinga. Napagtanto ko na nasa sarili kwarto pala ako. Dahil doon isang malalim na paghinga ang ginawa ko.
Panaginip lang pala...
Dahil sa hilig ko magbasa at manood ng mga fantasy story, pati sa panaginip hindi na tuloy ako tinatantanan. Yeah! Fantasy lover ang lola niyo. Halos lahat alam ko na... from the vampire movie Twilight hanggang sa Wizard Movie Harry Potter hindi ako diyan nagpapahuli.
At syempre kahit sa anime fantasy wala akong pinapalagpasan.
Hilig ko na 'yon simula bata pa ako. Minsan nga nangangarap ako that I am In a kingdom, having a handsome prince on my side. Pero syempre fantasy never relates to the reality of our life.
Because in reality...
"Amy!"
Napalundag ako paalis ng kama at mabilis pa sa alas kwatro na bumaba ng hagdan para pumunta sa pinsan ko.
Nakatulog pala ako. But those dream... may ibig sabihin kaya ang panaginip na iyon?
"A-ahm, bakit?" tanong ko na medyo humihingal pa. Medyo may kataasan kasi ang bahay na ito.
"Labhan mo 'to, bilis!" utos niya sa'kin at biglang binalibag ang semi-gown niya sa mukha ko. "Kailangan ko 'yan mamaya sa party dapat mamayang 5 o'clock tuyo na 'yan."
"5 o'clock?" kunot-noong napatingin ako sa orasan: 3:30 na ng hapon.
"Bakit? May reklamo ka?" taray na tanong niya sa 'kin.
"Eh... tutuyo pa ba 'to? Hapon na kasi medyo hindi na matindi ang sikat ng araw," tanong ko sa kanya. Idagdag pa na wala naman silang dryer.
Tapos biglang umusok ang ilong at tenga niya pati na rin 'yong bunganga niya na halos lamunin na ako ng buhay!
"Edi gumawa ka ng paraan! O baka naman gusto mong isumbong ko kay Mommy na ayaw mong gumawa ng mga gawaing bahay dito para-"
"Ah- ahm.. sige po lalabhan ko na to. Kapag hindi pa tumuyo paplantsyahin ko na lang. At kapag hindi pa talaga hihipan ko na lang," sabad sa kanya na medyo natatakot. Kung makasigaw kasi siya halos lamunin na ako ng buhay.
"Good!" mataray na sabi niya saka nagflip pa ng buhok at pakembot na umalis sa harapan ko.
"At kapag hindi pa 'to natuyo... suotin mo na lang kahit tumutulo pa 'yong laylayan," bulong ko sa sarili ko habang tinitignan s'yang lumalakad papunta sa main door.
Bigla siyang napatingin sa 'kin na ikinagulat ko.
"May sinasabi ka?" tanong niya sa 'kin nang nakataray.
"W-wala po." Pagkasabi ko noon ay agad akong pumunta sa likod ng kusina para labhan ang gown na basta niya na lang binalibag sa mukha ko. Ang bait niya noh? Sa mukha ko pa talaga.
Siyanga pala, ako si Amythyst Lee. Desi-otsong taong gulang. At eto ang realidad ng buhay ko. Ulilang lubos na. I live at my Tita's house with my super bait na pinsan at Tita. Si Tita Maureen at ang pinsan ko na si Vikie. Sila 'yong super bait at super maalaga kong relatives.
I'm working here as a maid not as their relative. Pero ayos lang. Dahil kung wala sila palaboy-laboy na sana ako sa kalsada ngayon. At tatanawin ko 'yon ng malaking utang na loob kahit na sobrang lupit nila sa'kin.
Minsan iniisip ko na lang na parang isang Cinderella story lang ang buhay ko. Feel ko ako si Cinderella having a cruel relatives. And someday I hope na mamemeet ko din ang prince charming ko. Just like how Cinderella did.
Napatigil ako sa paglaba,at may kinuha na maliit na kawayan na nasa gilid lang. Tama lang ang haba niya para maging magic wand. Lumayo ako ng kaunti at tinapat ko ang stick sa gown na nilalabhan. At huminga ako nang malalim at pumikit.
"Bibidi... bobbidi... boo!" ginaya ko lang ang magic word na sinabi ng fairy godmother ni Cinderella. At saka kinumpas ko ang wand sa gown ni Vikie at hiniling na matuyo na agad 'yon. Bumilang ako hanggang limang segundo then dumilat ako. At ayon! nakasampay na ang gown niya at tuyo na.
Kala niyo siguro totoo na noh? Imagination ko lang 'yon. Ni hindi nga natinag 'yong gown sa palanggana eh.
Next ko naman ginawa. Nilagay ko yong daliri sa sintido ko saka nagfucos lang ng tingin sa damit ni Vikie. Parang nile-levitate ko lang 'yong damit.
Ilang segundo akong nakaganoon. Until I gave up.
"Tae! Wa-epek naman eh. feel ko para lang akong timang! Ang mabuti pa. Labahan ko na to para tapos na," sabi ko sa sarili ko.
Siguro makakakita ka lang na magic sa peryahan pero I think may daya na naman ang mga 'yon eh.
Pero syempre hindi parin ako tumitigil mag-imagine that I have a magic also just like fairies, nymph or just bieng an immortal.
Hahaha! Napakaimposible ng mga imagination ko noh? As if naman they're exist in this generation that full of jejemon, hugot, hokage tsss.
Pero 'di ba nga sabi sa commercial ng cream stick. Imagination mo ang limit So ikaw na lang ang maglimit ng sarili mong imagination.
Ang sarap siguro kapag may powers noh? Tingin niyo?
"HOY!"
"Ay! Taong mukhang palaka!" gulat na sigaw ko na lang habang binabanlawan ko na ang gown ng pinsan ko.
"Grabe ka naman! Mukha ba akong palaka sa kagwapohan kong 'to?" tanong ni Gerald at nagpapogi pa with matching kindat pa sa akin.
Oo na gwapo ka na!
"Tsss. Eh ba't ba nanggugulat ka na lang bigla?" tanong ko sa kanya tsaka kinuha ko 'yong hanger at sinampay ko na ang gown ni Vikie.
"Shhh... 'wag kang maingay! Baka marinig ka ng pinsan mo. Alam mo naman na pumunta ako dito hindi para sa kanya kundi para sa'yo." Kumindat siya.
Tiningnan ko nang deritso si Gerald.
"Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo? May gusto sa'yo ang pinsan ko at hindi ako pwedeng umepal sa love story niyo."
"Eh siya kaya ang epal! Kung makataray siya sa'yo feeling niya ang ganda-ganda niya. Eh mukha naman ngang bisugo ang mukha at saka dinaig pa ang dogong sa katabaan!" tudyo ni Gerald saka tumawa nang malakas.
Hindi ko rin mapigilan tumawa ng mahina. What he just said was true naman kasi.
"Hindi tulad mo... kahit ang haggard nang tignan ang ganda parin." nakangiting dugtong niya.
Napataas ako ng kilay saka lihim na napangiti. Ansaveh!
"Tss. 'Wag mo nga akong bolahin! Saka kahit gano'n si Vikie hindi mo kailangan pintasan ang panlabas na katauhan niya," sabi ko kanya. Parang ang lalim ng sinabi ko ah?
"Eh mapaloob at labas man 'yan. Ang panget parin. Panget na nga siya, panget pa ng ugali! Sabagay perfect match din." giit niya kasabay ng pagtawa.
"Ewan ko sa 'yo!" niligpit ko na 'yong palanggana . "Vikie! Andito pala si Gerald hmmmm..."
Hindi niya na ako pinatuloy magsalita dahil tinakpan niya ang bibig ko gamit ng kamay niya.
"Ssh! 'wag mong sabihin nandito ako."
Waepek 'yang pagtatakip mo ng bibig ko. Eh parang radar ang tenga ng isang 'yon eh.
"Oh my gosh! Gerald andito ka pala! " patakbong pumunta si Vikie sa amin.
"'Yan! Narinig na tuloy." Umayos siya ng pagtayo at ako naman ay pinagpatuloy ko ang ginagawa ko
"Alam mo naman na parang radar ang tenga niyan. Kahit sa malayo naririnig niya," bulong ko din sa kanya.
"Gerald!" tili ng pinsan ko tsaka niyakap si Gerald. Lihim naman na nandidiri si Gerald sa yakap nito.
"Nga pala ba't nandito ka sa likod. Andon 'yong main door 'di ba?" tanong ni Vikie saka nagpalipat-lipat ng tingin sa'min dalawa. Tss! Alam ko na ibig sabihin ng tingin na 'yan.
"Ah-ahm. Nakiinom lang kasi siya. Nauuhaw daw kasi siya," palusot ko.
"Nauuhaw?" medyo kunot noo nito. May malisya ang tingin ni Vikie.
"Oo, kaya... kaya dito na lang siya uminom sa tubig ng nilalabhan sa sobrang kauhawan niya." sabi ko ulit. Tae! Tubig talaga ng nilalabhan. What the maniwala din kaya ang isang 'to.
"Ha-? Hi-hindi- " pasimple kong tinapakan ang ang paa niya. " Ara- Oo... nakiinom lang ako. Nakakauhaw kasi."
Bumaba ang nakataas na kilay ni Vikie. Stupid! Naniwala din agad.
"Ganoon ba? Dapat sa akin ka nalang humingi," hinatak niya na si Gerald papunta sa sala at tinaasan ako ng kilay. "Baka gayumahin ka ng isang 'to!"
Tsss.. sabi na nga ba! Malisyosa kasi ang pinsan kong 'to. Kala mo laging aagawan ng boyfriend. Eh sila lang naman ang kusang lumalapit sa 'kin. Kaya no need na ang gayuma. Baka nga siya pa ang gumagamit ng ganoon eh.
Napabuntong hininga na lang ako at tinanaw silang dalawa na naglalakad papunta sa sala. Habang hawak-hawak ni Vikie ang braso ni Gerald na dinaig pa ang linta sa sobrang kapit.
Napailing na lang ako at pumunta sa taas. Nagseselos parin ba ako? Parang hindi na rin kasi. Noong dati kasi gusto ko din 'yan si Gerald. Pero pinaubaya ko na lang siya kay Vikie. Kasi nga kailangan...
Sabi nga ni Tita sa akin dati. 'Di baleng isang balde ang iiyak ko basta masaya ang pinsan ko. In short kahit may gusto ako kay Gerald kailangan ko itong ipaubaya kay Vikie dahil may gusto din ito.
Haay! 'Di bale. Matatagpuan ko din naman siguro ang prince charming ko. 'Yong ako lang talaga ang nakatadhana sa kanya at siya lang ang nakatadhana sa'kin.
Humiga ako sa higaan ko. At nagsimulang magday-dream.
After a minutes...
"T-teka... nasaan na ako?" tanong ng sarili kong tinig. Hindi pamilyar ang lugar. Nasa isang madilim na kagubatan ako. Nakakatakot... nakakapangilabot.
Wala akong ibang sound na narinig kundi ang huni ng ibon sa malayo.
Hanggang sa may isang pares ng mga mata akong nakita sa malayo.. Mapupula... galit at nakakatakot ang mga tingin nito.
Lumapit siya at doon ko lang nakita ang kabuuan niya.
A wolf!
Nakalabas ang matutulis na ngipin nito. At makikita ang napakahabang pangil nito.
Nakaramdam ako ng takot. Ngayon lang ako nakakita ng ganito.
Unti-unti siyang lumalapit sa akin. At habang ako naman ay napaatras.
Hanggang sa tumakbo na ito papalapit sa'kin. At handang-handa na akong kainin ng buhay.
"No!" sigaw ko saka takot na itinakip ko ang braso sa mga mata ko. Hindi ko alam na dito lang pala magtatapos ang buhay ko.
Then out of something may pumagitna sa amin at inilayo sa akin 'yong mabangis na lobo. Ibinaon niya ang kutsilyo sa leeg ng lobo sanhi ng pagkamatay nito. Masyadong mabilis ang pangyayari. Parang isang segundo lang napatay niya agad ang lobo ng walang kahirap-hirap.
"Are you ok miss?" tanong niya sa 'kin habang inaalalayan akong tumayo. Napatingin naman ako sa kanya. Hindi ko maaninag ang mukha niya kasi madilim.
Is he? My knight with shinning shimmering armor? My prince charming.
Siya na ba?
Tapos biglang nag-iba 'yong scene... Papunta na kami ni Prince Charming ko sa sa isang palasyo..
I mean... parang palasyo.
"Welcome to the Trojan Academy. My princess..."
"T-Trojan?" teka ito y-yong—.
"Amy!!"
Napabalikwas ako mula sa paghiga ko. Tae! Panaginip lang pala ang lahat. Pero... napatili ako. My prince charming! Nagpakita na si-
"Amy!"
Napatayo na ako at napatingin sa orasan.
"Tae! Gabi na pala. 'Yong gown ni Vikie!" patakbo akong bumaba.
But seriously, bakit panira ng moment si Vikie. Kanina pa siya nakakainis na!
"Nasaan na 'yong gown ko?! Bwisit ka talaga. Kahit kelan ang palpak ng trabaho mo!" bulyaw niya sa'kin.
"A-ahm... kukunin lang po sa labas. "Natataranta kong sabi sa kanya. At pumunta agad sa likuran.
"s**t, basa pa!" bulong ko sa sarili ko ng hawakan ko ang gown.
"Asan na! Mali-late na ako!"
Ayoko sana ibigay 'yong gown sa kanya... kasi for sure papagalitan niya lang ako.
"Ah-ahm... basa pa po," wika ko sa kanya. Biglang lumaki ang butas ng ilong niya at umusok yung tenga at ilong niya sa sobrang galit. Naglabasan din ang mga ugat sa sintido niya.
"Argh! Bakit hindi mo pinatuyo agad? Kahit kailan talaga palpak ang trabaho mo!" sigaw niya sa akin kasabay ng pagsabunot sa buhok ko. "Ang tanda-tanda mo na napakapalpak mo parin magtrabaho!"
Sinabunutan niya ako at ibinaon ang kuko niya sa braso ko.
"Please tama na Vikie..." naiiyak nang sabi ko habang pinipigilan ang kamay niya sa pagsabunot sa buhok ko.
"Anong tama na? Kulang pa 'yan sayo! At si Mommy ang magpapatuloy ng parusa ko sa kapalpakan mo!" sigaw niya kasabay nang paghawak nang mahigpit sa braso at halos kaladkarin ako sa loob ng bahay.
"No! 'wag mong sabihin kay Tita please..." pagmamakaawa ko. Mas brutal kasi kung magparusa si Tita. Kung ano ang makita ni Tita iyon ang hinahampas sa akin. Saka mas malala baka hindi lang tatlong beses ako hindi makakain kundi baka isang linggo na.
Dahil sa takot ko. Tinulak ko si Vikie na ikinaupo niya sa lagayan ng mga kaldero at kawale. T-teka mahina lang naman ang pagtulak ko sa kanya. Bakit parang ang lakas?
Nagkaroon ng uling ang likod niya at nagasgasan ang mga kamay niya dahil sa malakas na pagtulak ko sa kanya.
"Ah-ahm... s-sorry Vikie."
Napatingin siya sa kamay niya. Nagsugatan siya na talaga naman ikinatakot ko. Sumigaw siya ng malakas.
"Mommy!" naiiyak na sigaw ni Vikie habang nakatingin parin sa kamay niya na dumudugo na.
"A-ahm... s-sorry talaga di ko sinasadya," natataranta na talaga ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Paniguradong dobleng parusa ang ibibigay sa'kin ni Tita kapag nakita niya ang nangyari kay Vikie.
"Anong nangyayari d'yan?" Narinig kong sabi ni Tita mula sa taas.
Napatigil ako at natuliro. Dahil sa kaba at takot ko napatakbo na lang ako papunta sa may sampayan.
Kinuha ko ang bag ko na nakasabit lang sa gilid ng sampayan.
Matagal ko ng gustong gawin ito. Matagal ko ng gustong kunin ang bag na 'to at lisanin ang bahay na ito.
Pagod na rin ako. Gusto ko na rin makawala sa kanila. At ito na siguro ang araw na iyon.
Patakbo kong linisan ang bahay na 'yon. Sa likod ako dumaan. Hindi kasi pwede sa harap dahil may guard na nakabantay sa subdivision na 'to.
Sa likod ng bahay nina Tita... may abandonadong lupain... I mean parang isang gubat. Walang pumupunta doon kundi ako lang. Kapag pagod kasi ako sa maghapon nandoon ako sa gubat na 'yon para magliwaliw.
Pero gabi na at saka medyo umaambon pa. Huhu... saan ako pupunta?
Pwede bang makituloy sa bahay niyo?
********