Chapter 2

896 Words
"Alam mo just be thankful na hindi na ako mag re-reklamo." At ang kapal talaga! Tama talaga hinala ko eh. Minsan ikaw na nga tumulong ikaw pa 'yung may kasalanan at maiipit? Mga tao nga naman sa earth, buti nalang alien ako. Sabi na alien talaga ako eh. Layo-layo ng ugali ko sa ugali nila. "Hindi nga kasi ako magnanakaw! Ito na seryoso na ako." Napapalatak ako bago sinamaan ng tingin 'yung lalaking abogado daw kuno, baka naman kasi abagago talaga nag yayabang lang. "Abogado ka pero hinusgahan mo agad ako." Inis na inis na amo kanina pa. "Dapat nag imbestiga ka muna pampam ka! Bida-bida? Case closed agad? Kulong agad? Alamin mo naman kung inosente ba o hindi." Sana lang ay nasa tabi ko pa ang inay at itay ko. Bakit ba kasi kwintas pa ang pinabaon? Pera nalang sana para hindi ako inaapi ngayon ng bwiset na lalaking ito. Sumenyas ito sa pulis na pakawalan ako. Kaya naman inalis ng mga pulis ang posas ko. "Pasalamat ka bata at mabait si Attorney." "Mabait? Sus! Labo! Baka kamo bait-baitan, baka hahabol ng pangangampanya kaya nag papabango. Parang mayor lang namin 'yan sa probinsya eh! Magaling lang sa kampanya pero pag nakaluklok na kakalimutan na mga pangako." "Laki ng pinang huhugot-an mo." Naiiling na sabi ng isang pulis. "Malaya kana mag sorry kana lang." Humarap ako sa lalaking pinag bintanagan ako. "Bakit ako mag so-sorry sa 'yo? Yabang mo! Che!" Umalis na ako bitbit ang maleta kong hindi gumugulong ang isang gulong. Ngayon saan na ako pupunta? Nagugutom na din ako kanina pa, pero wala na akong pera. Ginabi ako dito sa isang sulok. Gutom parin at na i-iyak kasi miss ko na si inay at itay. Natigilan ako ng may pumaradang kariton sa gilid ko. Isang batang babae at may edad na lalaki ang nakita ko. "Tay, may babae." Bulong ng bata. "Pasensya na pwesto nyo ho ba ito?" Nahihiyang tanong ko. "Pwede hong makitulog sa kariton? Hehehehehe, wala kasi akong pera at mauuwian." "Bago kalang ba dito? Garahehan kasi ito ng kariton namin, may barong-barong kaming bahay kung gusto mo maari kang mag palipas ng gabi doon." "Oo nga mababait din kami." Sabat ng batang bubwit. "Ako si Petit." Pakilala pa nito. "Ako si Ineng, pero Victoria talaga pangalan ko. Salamat naman kung papatuyin nyo ako." Walang alinlangan akong sumama sakanila. Sa isang maliit na bahay kami pumasok. Mukhang silang dalawa nalang ang nakatira sa bahay. "Nasaan ang nanay mo?" Tanong ko kay Petit. "Patay na." Mabilis nitong sagot. "Ineng pasensyahan mo na at mahirap talaga ang buhay namin. Sumalo kana dito sa nadelehensya kong ulam." Aya ng tatay ni Petit. Hindi na ako nahiya dahil gutom na din ako. "Marunong ho akong mag trabaho dahil sanay ako sa hirap, baka naman ho maipapasok ninyo ako." Pakiusap ko sa may edad na lalaki. "Pamamasura lang ang trabahong alam ko Ineng kaya ito lang—" Hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya. "Ayos lang ho! Walang kaso sakin 'yon. Yakang-yaka ko kahit ano basta makasurvive lang sa pang araw-araw." Paliwanag ko. "Ikaw ang bahala Ineng, pero bakit ba nandito ka sa maynila?" "Kasi po may hinahanap ako, mga tunay kong magulang. Kaya lang matatagalan pa ho kaya kaylangan ko talaga ng trabaho." Mukhang na awa naman sakin ito. Kinabukasan ay isinama na n'ya ako sa pamamasura upang humanap ng bote, bakal, karton, diyaryo at iba pa. "Sana makarami tayo ate!" Masayang sabi ni Petit. Sakin muna ito sumama upang maturuan n'ya ako. "Sigaw kalang ng baka, bote." Napatango ako bago sumigaw. "Bakal! Bote!" Akala ko hindi ako makakarami ngunit karami pala ako. Tamang-tama para may ipambili kami ng masarap na ulam. "Kamusta unang araw mo?" "Ok lang ho masaya naman dahil kay Petit." Sagot ko. "Salamat ho sa pag kupkop sa akin kahit na hindi nyo naman ako ganun kakilala." "Dalawa lang din naman kami wala 'yon. Ang samin lang e, makatulong sa nangangaylangan." "Hayaan ho ninyo at kapag nahanap ko na ang tunay kong mga magulang, at kapag mayaman sila. Hindi ko kayo kakalimutan." Pangako ko bago napasulyap kay Petit. "Paano nalang kung mahirap pala?" Intrimitida din talaga si Petit. "Edi isasanla ko kwintas na 'to para makabawi man lang sa mga nagastos kong pera." Sagot ko. "Sabi kasi ni tatay ay tunay ito." Dagdag ko pa. Sana mahanap ko ang mga magulang ko, at sana hinahanap din nila ako. Napabuntong hininga ako, bigla ko kasing na aalala ang bruhilda kong tiya Rona. Kamusta na kaya sila? "Pwede ho bang makitawag?" "Oo naman." May hinugot na de keypad na cellphone ang tatay ni Petit. "Ito, may load pa unli calls and text 'yan." Agad kong tinipa ang number ni tiya Rona. "Sino 'to?!" Galit na bungad nito. Sanay na ako dahil palagi namang galit si Rona. "Si Ineng ho." "Letche kang bata ka! Umalis alis ka pa! Wala na kaming katulong dito." Ay, wow? Ginawa talaga akong katulong? "Kaya nga ho umalis ako eh. Hindi nyo naman po ako pinapasahod. At least dito sa maynila kahit paano may kinikita ako." "Nasaan kaba?" Umiba ang mood ni tiya. "Bakit ho?" "Basta!" "Bakit nga ho?" "Padalhan mo naman kami." "Tiya wala pa din ho ako sa ngayon eh." "Wala ka talagang kwenta!" Napabuntong hininga na lamang ako bago binaba na ang tawag. Mukha na ngang pera bruhilda pa. Ang tiyang Rona talaga napakadaming talent.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD