bc

THE REAL HEIRESS

book_age18+
186
FOLLOW
1K
READ
others
like
intro-logo
Blurb

Sa pag panaw ng Lola at Lolo ni Victoria ay nalaman niyang hindi naman pala ito ang mga tunay niyang pamilya. Ikwinento sakaniya ng mga ito bago pumanaw na s'ya ay ampon lamang, at napulot sa gilid ng daan kung saan may nakatabi sakaniyang dumi ng kalabaw. Simula ng malaman n'ya ito at ng mga tiyahin at pinsan n'ya ay naging malupit ang mga ito.

Ginawa siyang alila habang inaapi. Feeling tuloy ni Ineng ay s'ya na si Cinderella. Ang tanging iniwan lang sakaniya ng kaniyang Lola at Lolo ay ang kwintas na matagal na palang itinago ng mga ito.

SIMULA

"Inay! Itay! Mamamatay nalang kayo bakit hindi pa ngayon?!" Humagulhol ako ng pagka lakas-lakas.

"Ineng hindi pa kami—"

Nadala lang ako, pero ayaw ko naman talaga mamatay ang Lola't Lolo ko noh! Ang tawag ko sakanila ay Inay at Itay dahil sila na ang nag alaga sa akin simula bata ako.

Mama ko daw kasi ay kung kanikanino sumamang lalaki kaya naman palagi akong pinapabayaan. No choice na rin siguro sila Lola kaya naman sila na lamang ang kumupkop sa 'kin.

At ngayon na sobrang lala na ng sakit nilang dalawa ay hindi ko na alam ang aking gagawin. Bakit ba kasi sabay pa silang mamamatay? Sila 'yung patunay na may forever kahit hanggang sa nalalapit na pag ta-tapos ng kanilang buhay.

"Bakit ba kasi nag papaalam na kayo e, hindi pa nga kayo mamamatay?" Muli akong bumalik sa pag da-drama. "Hindi ko kaya Inay, Itay kayo ang bu—Aray ko!" Napahiyaw ako ng kurutin ni Inay ang singit ko. "Ang inay naman! Kasakit nga eh!"

"Masyado ka naman kasing madrama apo. Para kang mamamatay din kung sakaling kuhanin na kami mamaya ni kamatayan." Sagot ni Inay na ikinakunot ng aking nuo.

"May schedule? Taray! Pakitanong nga anong year at araw ako kukuhanin? Ayaw ko din kay kamatayan 'di naman ako demonyita eh. Mabait naman akong bata." Napaisip pa ako sa mga mabubuting gawa ko. "Binalik ko 'yung piso na nahulog ni Aling Pasing!"

"Kaylan ba mag ti-tino ang apo mo?" Rinig kong tanong ni Itay kaya naman sumeryoso na ako at napayuko.

Ayaw kong mag seryoso kasi hindi ko kayang mawala ang Lolat' Lolo ko. Paano nalang ako kapag wala na sila? Salbahe pa naman ang tiyang Rona, baka palagi akong alilain non.

Kapag nakaharap lang naman sila mabait sa 'kin pero kapag hindi na nakatingin sila Inay ay grabe nila ako insultuhin.

"May aaminin kami ng Itay mo bago man lang kami pumanaw.” Nahihirapan na si Inay mag salita. “Kuhanin mo ang box na nasa ilalim ng kamang ito.” Utos ni Inay na agad ko namang tinignan sa ilalim.

“Kamayanan ba ang laman nito?!” Gulat kong tanong. “Pwede nyo na pala akong iwan, at least may pera naman ako. Aalis nalang ako dito dahil ayaw kong makisama kay tiyang Rona.”

“Ang apo mo talaga napaka. Ewan ko nalang talaga kung anong sasapitin niyan kung sakaling hahanapin n'ya ang mga taong tunay niyang—”

Hindi natuloy si Itay dahil sinaway ito ni Inay.

“Hindi mo 'ko dapat pangunahan dahil ako ang mag papaliwanag kay Ineng.”

Mas lalo akong naguluhan. “Baka naman mag away pa kayo pag nandiyan na si kamatayan? Umayos na dali, tama na daldalan.” Inihanda ko na ang aking sarili. “Mag kano ang laman Inay?” Na e-excite kong tanong.

“Hindi ka namin tunay na kapamilya.”

“Malamang! Kapuso kaya tayo hahaha! Parang tim—” Hindi ako nakatapos sa sinasabi ko ng muling mag salita si Inay.

“Ampon kalang.”

Napaawang ang labi ko. “Sakit nyo naman mag salita,” napayuko ako. “Porket hindi ko lang nabunot buhok nyo sa kilikili sasabihin nyo na akong—”

Palagi nalang nila akong hindi pinapatapos ke babastos!

“Victoria kahit ngayon lang mag seryoso kana man,” pakiusap ni Inay habang luhaan. Kaya naman natigilan ako. “Napulot kalang namin katabi mo ang dumi ng kalabaw.”

“Nahawakan ko ho ba 'yung dumi?” Umiiyak na aking tanong.

“Nasa katawan mo lahat, iha.”

Mas lalo akong napahagulhol. “Kung ganun ay sino ho ang tunay kong mga magulang?” Naguguluhang tanong ko.

“Hindi rin namin alam.” Ang Inay ang sumagot bago may inabot na kwintas sa akin. “Ito yata ang tanging palatandaan mo. Matagal namin itong itinago at mukhang tunay ang kwintas dahil hindi man lang ito kumupas sa katagalan ng panahon.” Paliwanag ni Inay.

“Baka nga ho tama ang mga pinsan ko na alien talaga ang tunay kong—” Kinurot

Kaya naman dala ang pangarap na mahanap ang totoong magulang ay nag lakas loob siyang lumuwas. Hanggang sa maging palaboy siya. Ngunit paano nalang kung ang kwintas na iniingatan niyang dapat sanang susi para makilala siya ng kaniyang mga tunay na magulang ang nakawin sakaniya?

Paano na nga ba mapapatunayan ni Ineng na s'ya ang nawawalang heiress ni Mr. And Mrs. Costello?

Habang si Santi Salazar ay abogado sa isang mayamang pamilya dahil s'ya ang humahawak sa kaso ng nanawalang taga pag mana ni Mr. And Mrs. Costello. Nawawala kasi ang bunsong anak ng mga ito, at hanggang ngayon ay hindi parin tumitigil ang pamilya sa pag hahanap sa pangatlong anak na nawawala.

Ano nga ba ang malaking maitutulong ni Santi sa dalagang si Ineng, at ang sino ba talaga siya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CHAPTER 1 “Inaaaaay! Itaaaaaay!” Halos mag wala ako sa lapag habang inililibing na silang dalawa. Hindi talaga sila napag hiwalay maging ni kamatayan. Paano na ako? Paano ko aayusin ang sarili ko? Ngayong alam ko nang hindi naman pala nila ako tunay na kapamilya. Mas lalo na akong a-apihin ng mga pinsanin ko at ni tiya Rona. "Oa ka masyado Ineng!” Sigaw ni tiya Rona. “Sumama kana sa hukay kung gusto mo oh!” “Hindi ba pwedeng mag drama tiya? Nalulungkot ako sa pag panaw nila. Kinupkop nila akong dalawa kaya naman—” Pangangatuwiran ko na hindi naman na pinatapos ni tiya Rona. Intrimitida talaga ang bwiset kong tiya! “Ako nga na anak hindi umiiyak eh.” “Mas mukha pa nga po akong tunay na pamilya kaysa sainyo ng mga anak mong impokrita.” Bulong ko bago muling napasulyap sa kabaong nila Itay at Inay hanggang sa huling pagkakataon. Mariin akong napapikit upang humiling na sana ay gabayan parin nila ako. Sana mahanap ko 'yung pamilya ko na nag iwan sa 'kin sa tabi pa mismo nang dumi ng kalabaw. Tulala akong naupo. Kauuwi lang namin galing sa huling hantungan nila Inay at Itay. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwalang wala na sila, at wala na akong super hero. Maaapi na ako nila tiya Rona, parang si Cinderella lang. "Nasabi naman sayo ni Inay at Itay na ampon ka?" Napatango ako sa tanong ni tiya. "Pero tiya Rona kahit naman hindi ko kayo totoong pamilya wala naman sa akin 'yon eh." "Hindi ka pasarap lang dito Ineng. Ikaw ang maglilinis, mag lalaba, mag huhugas plato. Naiintindihan mo ba 'ko? Basta lahat gawin mo." Bilin ni tiya Rona. Inaasahan ko naman na ito kaya hindi na ako nagulat pa. "Tiya Rona gusto kong hanapin ang pamilya ko.” Malungkot kong sabi. "Baka kasi mayaman sila tapos ako pala nag i-isang heredera parang 'yung napapanuod ko ho sa TV?" Malakas akong tinawanan ni tiya. "Anga! Tinapon ka nga tapos i-isipin mo mayaman ka? Baka kaya ka tinapon kasi wala kang pang gatas, at isa pa baka malas ka.” "Makamalas naman ho kayo. Hindi naman ho siguro, baka ibang dahilan lang.” Pinipilit kong palakasin ang aking loob. "Tama na pagiging anga mag linis kana agad.” Mataray na utos nito na ikinatango niya. “Aalis ako at makikipag sapalaran..” Bulong niya sa sarili bago inumpisahang kuskosin ang lapag. Ilang araw palang na wala ang kinalakihang kong Lola't Lolo ay para na akong namumuhay sa impyerno dahil sa pagiging maitus nila tiyang Rona. Kaya naman desisdido na talaga akong umalis! Dala ang inimpake kong mga damit ay nakataas ang pagmumukha ko ng titigan ko ang mga pinsan ko maging si tiya Rona. " Hindi ako babalik hanggat wala akong maipag mamalaki sa inyo! Tandaan nyo 'yan!" Sigaw ko bago hinaltak ang maleta ko. Ngunit hirap na hirap ako dahil ayaw gumulong ng isang gulong. Tangay ang isang libong pisong pamasahe ay linisan ko ang aming lugar. Bahala na kung saan ako mapunta, basta ang mahalaga mahanap ko ang mga magulang ko. Nalala ko ang sinabi ni Inay na tunay ang kwintas kaya naman ito nalang ang nasa i-isip kong paraan na ibenta o isanla kapag wala na talaga akong pera. Nababa ako sa isang mausok at mataong lugar. Lumapit ako sa isang lalaki at kinalabit ito. “Kuya ito ba'y manila na?” Napakamot pa ako sa aking pempem dahil nangangati. Kakaahit ko lang kasi. "Manila na 'to.” Sagot ni kuya kaya naman napatango ako. “Bago kalang, iha?” “Matagal na ako sa mundo, pero dito sa maynila bago pa lamang.” Sagot ko. Napahawak ako sa aking tiyan. “Nagugutom na ako.” Bulong ko bago napaupo sa isang gilid. Lilinga-linga lang ako habang nakatanaw ng makakita ako ng lalaking humahangos dahil may hinahabol ito. "Help! Somebody help me! Magnanakaw 'yon!" Sigaw niya kaya naman napatayo ako. Agad akong tumayo at hinabol ang magnanakaw. Sabi kasi ni Inay at Itay maging matulungin ako. Agad ko itong nahuli dahil sa mabilis akong tumakbo. “Ibalik mo kinuha mo!” Sigaw ko bago inilahad ang aking kamay. "Ke babae mong tao ganiyan gina—” Natigilan ako ng isuot n'ya sa 'kin ang sumbrero niya at ibigay ang wallet. “Hoy!” Sigaw ko dahil naiwan pa pati sombrero. “Magnanakaw!” Galit na hinablot ng lalaki ang wallet sa akin. “Tumakbo—” Hindi na ako nakapag patuloy. “Ikulong nyo ang babaeng 'yan!” Nanlaki ang mga mata ko. “Sandali ho hindi ako—” “Mali ka ng ninakawan. Abogado ako at kaya kitang bulukin sa kulungan babae.” Nag lumpasay ako upang hindi ako makuha ng pulis. “Maawa ka sakin hindi ako magnanakaw.. Hinahanap ko lang mga magulang k-ko.” Pinag kiskis ko ang aking palad. “Bakit mo hinahanap?” “Malamang nawawala. Hahanapin ko ba kung alam ko kung nasaan sila? Labo mo naman eh.” "Taga saan ka?” Seryosong tanong pa nito. "Taga earth.” “Ikulong nyo nalang pala.” Walang emosyong utos nito sa mga pulis bago tumalikod. Nakakabwiset kasi eh! Paanong hindi mo pipilospohin e, tinulungan ko na nga ponag bintangan pa ako? Hirap na talaga mag magandang loob sa ngayon. Mahirap din naman 'yung chaka ka na nga chaka pa pag u-ugali? Ayaw ko naman nang ganun. "Hayaan mo akong mag paliwanag." Pakiusap ko bago hinawakan ang laylayan ng kaniyang suit. "Don't touch me." Napairap ito. "Sige pakawalan nyo na maawain naman ako eh." "Ako din, pero 'di ko pinag mayabang." Pambabasag ko sa trip nito bago ngumiti. Kala n'ya ha! Kayan-kayanan ako porket mahirap na nilalang lang ako? Che! Walang api-apihan ngayon gera kung gera.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
82.2K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.4K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.8K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
309.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook