Story By Hon Yah
author-avatar

Hon Yah

ABOUTquote
I am a mother of two kids . I am a script director when I was a highschool . Im good of academic performances. writing is my passion .
bc
THE REAL HEIRESS
Updated at Oct 22, 2022, 18:33
Sa pag panaw ng Lola at Lolo ni Victoria ay nalaman niyang hindi naman pala ito ang mga tunay niyang pamilya. Ikwinento sakaniya ng mga ito bago pumanaw na s'ya ay ampon lamang, at napulot sa gilid ng daan kung saan may nakatabi sakaniyang dumi ng kalabaw. Simula ng malaman n'ya ito at ng mga tiyahin at pinsan n'ya ay naging malupit ang mga ito. Ginawa siyang alila habang inaapi. Feeling tuloy ni Ineng ay s'ya na si Cinderella. Ang tanging iniwan lang sakaniya ng kaniyang Lola at Lolo ay ang kwintas na matagal na palang itinago ng mga ito. SIMULA "Inay! Itay! Mamamatay nalang kayo bakit hindi pa ngayon?!" Humagulhol ako ng pagka lakas-lakas. "Ineng hindi pa kami—" Nadala lang ako, pero ayaw ko naman talaga mamatay ang Lola't Lolo ko noh! Ang tawag ko sakanila ay Inay at Itay dahil sila na ang nag alaga sa akin simula bata ako. Mama ko daw kasi ay kung kanikanino sumamang lalaki kaya naman palagi akong pinapabayaan. No choice na rin siguro sila Lola kaya naman sila na lamang ang kumupkop sa 'kin. At ngayon na sobrang lala na ng sakit nilang dalawa ay hindi ko na alam ang aking gagawin. Bakit ba kasi sabay pa silang mamamatay? Sila 'yung patunay na may forever kahit hanggang sa nalalapit na pag ta-tapos ng kanilang buhay. "Bakit ba kasi nag papaalam na kayo e, hindi pa nga kayo mamamatay?" Muli akong bumalik sa pag da-drama. "Hindi ko kaya Inay, Itay kayo ang bu—Aray ko!" Napahiyaw ako ng kurutin ni Inay ang singit ko. "Ang inay naman! Kasakit nga eh!" "Masyado ka naman kasing madrama apo. Para kang mamamatay din kung sakaling kuhanin na kami mamaya ni kamatayan." Sagot ni Inay na ikinakunot ng aking nuo. "May schedule? Taray! Pakitanong nga anong year at araw ako kukuhanin? Ayaw ko din kay kamatayan 'di naman ako demonyita eh. Mabait naman akong bata." Napaisip pa ako sa mga mabubuting gawa ko. "Binalik ko 'yung piso na nahulog ni Aling Pasing!" "Kaylan ba mag ti-tino ang apo mo?" Rinig kong tanong ni Itay kaya naman sumeryoso na ako at napayuko. Ayaw kong mag seryoso kasi hindi ko kayang mawala ang Lolat' Lolo ko. Paano nalang ako kapag wala na sila? Salbahe pa naman ang tiyang Rona, baka palagi akong alilain non. Kapag nakaharap lang naman sila mabait sa 'kin pero kapag hindi na nakatingin sila Inay ay grabe nila ako insultuhin. "May aaminin kami ng Itay mo bago man lang kami pumanaw.” Nahihirapan na si Inay mag salita. “Kuhanin mo ang box na nasa ilalim ng kamang ito.” Utos ni Inay na agad ko namang tinignan sa ilalim. “Kamayanan ba ang laman nito?!” Gulat kong tanong. “Pwede nyo na pala akong iwan, at least may pera naman ako. Aalis nalang ako dito dahil ayaw kong makisama kay tiyang Rona.” “Ang apo mo talaga napaka. Ewan ko nalang talaga kung anong sasapitin niyan kung sakaling hahanapin n'ya ang mga taong tunay niyang—” Hindi natuloy si Itay dahil sinaway ito ni Inay. “Hindi mo 'ko dapat pangunahan dahil ako ang mag papaliwanag kay Ineng.” Mas lalo akong naguluhan. “Baka naman mag away pa kayo pag nandiyan na si kamatayan? Umayos na dali, tama na daldalan.” Inihanda ko na ang aking sarili. “Mag kano ang laman Inay?” Na e-excite kong tanong. “Hindi ka namin tunay na kapamilya.” “Malamang! Kapuso kaya tayo hahaha! Parang tim—” Hindi ako nakatapos sa sinasabi ko ng muling mag salita si Inay. “Ampon kalang.” Napaawang ang labi ko. “Sakit nyo naman mag salita,” napayuko ako. “Porket hindi ko lang nabunot buhok nyo sa kilikili sasabihin nyo na akong—” Palagi nalang nila akong hindi pinapatapos ke babastos! “Victoria kahit ngayon lang mag seryoso kana man,” pakiusap ni Inay habang luhaan. Kaya naman natigilan ako. “Napulot kalang namin katabi mo ang dumi ng kalabaw.” “Nahawakan ko ho ba 'yung dumi?” Umiiyak na aking tanong. “Nasa katawan mo lahat, iha.” Mas lalo akong napahagulhol. “Kung ganun ay sino ho ang tunay kong mga magulang?” Naguguluhang tanong ko. “Hindi rin namin alam.” Ang Inay ang sumagot bago may inabot na kwintas sa akin. “Ito yata ang tanging palatandaan mo. Matagal namin itong itinago at mukhang tunay ang kwintas dahil hindi man lang ito kumupas sa katagalan ng panahon.” Paliwanag ni Inay. “Baka nga ho tama ang mga pinsan ko na alien talaga ang tunay kong—” Kinurot Kaya naman dala ang pangarap na mahanap ang totoong magulang ay nag lakas loob siyang lumuwas. Hanggang sa maging palaboy siya. Ngunit paano nalang kung ang kwintas na iniingatan niyang dapat sanang susi para makilala siya ng kaniyang mga tunay na magulang ang nakawin sakaniya? Paano na nga ba mapapatunayan ni Ineng na s'ya ang nawawalang heiress ni Mr. And Mrs. Costello? Habang si Santi Salazar ay abogado sa isang mayamang pamilya dahil s'ya ang humahawak sa kaso ng nanawalang taga pag mana ni Mr. And Mrs. Costello. Nawawala kasi ang bunsong anak ng mga ito, at hanggang ngayon ay hindi parin tumitigil ang pamilya sa pag hahanap sa pangatlong anak na nawawala. Ano nga ba ang malaking maitutulong ni Santi sa dalagang si Ineng, at ang sino ba talaga siya?
like
bc
The Billionaires Property
Updated at Sep 30, 2022, 01:10
Ashton loves Misty so much. Kaya hindi niya matanggap na hindi siya maalala ng babae. Yes nainlove siya sa babaeng dati ay kaibigan lang ang turing niya. Kaya masakit pa rin sa kanya na kada maghaharap sila ay iba na ang turing nito sa kanya at hindi na gaya ng dati. Kaya ginawa niya ang lahat para manatiling malapit sa kanya si Misty. Kinuha niya itong sekretarya sa kanyang kompanya. In that way ay masusubaybayan niya pa rin ito. And it hurts so much na malapit ito sa kanyang mga empleyado ngunit hindi sa kanya. Maibabalik pa ba ang mga alaala? O habang buhay niya na lang tatanggapin na hindi na siya maaalala ng babaeng pinakamamahal niya at hahayaan ito maging masaya sa piling ng iba? Tatanggapin niya na lang ba hindi talaga sila para sa isa't isa?
like