Dream 88

1720 Words

Nagtataka man sa ginawa na pag-uubaya na iyon ni Zeus ay tahimik na naupo pa rin sa tabi ko si Sir Apollo. Malawak na nginitian niya naman ako habang ako naman ay pilit na ngumiti sa kanya bago nahihiyang napayuko ng aking ulo. Paano ba naman ay ramdam na ramdam ko ang panginginit ng magkabilang pisngi ko. Dahil sa oras na ito ay kaming dalawa ang sentro ng atensyon ng lahat. Pansin ko pa na pinapanuod nila ang magiging reaksyon ko ngayon pa na nasa tabi ko ang panibagong manliligaw ko. Dahil naman doon ay namayani ang mahabang katahimikan sa buong hapagkainan. "Uhmmm... Is it really okay for me to be here?" medyo nag-aalangan na tanong ni Sir Apollo dahil sa patuloy na pananahimik ng lahat. Nagkatinginan naman silanat nagsimula na nagtuturuan kung sino ang siyang kakausap sa boss ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD