Natigil ang aming usapan nang biglang malakas na tumunog ang phone ko. Dahil doon ay dali dali ko kinuha ito sa aking bag para alamin kung sino ang tumatawag. Ngunit nang mapag-alaman ko na si Sir Apollo ang tumatawag ay nag-aalangan na tinignan ko ang lahat. Siyempre nasa kalagitnaan ako ng panggigisa nila tapos nagkataon pa na tumawag ngayon si Sir Apollo. "Uhmmm... T-T-Tumatawag ang boss ko... S-Sasagutin ko muna..." pagpapalusot ko. "Boss mo?" kunot noong pagtatanong ni Myca, "Siya ba 'yung lalaki ba kasama mo noon sa presinto?" Dahan dahan na itinango ko naman ang ulo ko. "A-Ah siya nga..." "Eh? Bakit siya tatawag sa iyo? Wala ka naman opisina ngayon di ba?" nagtatakang pagtatanong naman ni Giselle, "Huwag mong sabihin na hindi uso sa kanya ang salitang 'day-off?" "B-Baka may

