"B-Boss..." Taas noo na nilingon naman ng lalaki na tinawag na 'boss' ang taong tumawag sa kanya. Nang makilanlan nito ang lalaki ay itinaas niya ang kanang kamay para patigilin ang dalawang kasamahang preso na siyang abala na nagmamasahe sa magkabila niyang balikat. Pagkatapos ay tinanggal niya ang sigarilyo na nasa bibig niya at malakas na ibinuga sa hangin ang usok nito. "Ano na ang balita? Babayaran na ba ng mga Mijares ang danyos na pinahihingi ko?" umaasang tanong pa niya. Ngunit dahil sa itinanong niyang iyon ay nagsimula na nanginig ang katawan ng lalaki. Doon pa lang ay mahahalata na may masamang balita na hatid ito sa kanya. "Huwag mong sabihin na nabigo kayo? Mga inutil!" mapanganib na singhal niya, "Paano nangyari na nabigo pa rin kayo pagkatapos ng magandang plano na binu

