"Hayy..." Hindi ko na yata mabilang kung ilang buntong hininga ang pinakawalan ko magmula kanina. Hanggang ngayon kasi ay laman ng isip ko ang pinag-usapan namin ni Violet. Alam ko naman na may dahilan kaya pinapayo niya iyon. Totoo naman din na kailangan ko talaga na mag-effort para tumagal ang relasyon namin ni Apollo. Na hindi dapat ako lang itong lagi na tumatanggap sa aming dalawa. Kaso nga lang ay hindi ko naman alam kung sa paano paraan ko gagawin ito. "Urrgh... Ayoko naman magtanong kina Giselle at Myca baka kasi kaysa mabigyan nila ako ng magandang ideya ay mauwi lamang sa pag-aatig ang usapan namin," problemadong pagbulong ko pa. Gusto ko man din ipagluto si Apollo. Iyon nga lang ay masasabi ko na hindi ko naman forte ito. Kung bibigyan ko naman siya ng regalo ay hindi ko nam

