Ilang beses ako napalunok ng aking laway nang mapatapat sa pintuan ng opisina ni Sir Apollo. Talagang nagdadalawang isip ako na pumasok sa loob nito at makaharap muli si Sir Apollo. Siyempre hindi naman ganoon kadali na harapin siya pagkatapos nang nangyari sa amin kahapon. Hanggang ngayon kasi ay sariwa pa rin sa alaala ko ang sandali kung saan nagkalapat ang labi naming dalawa. Damang dama ko pa nga sa aking labi ang mga malalambot niyang labi. Kaya kulang na lang ay malakas na iuntog ko ang aking ulo para parusahan ang sarili sa ginawang katangahan at magawang makalimutan na rin ang nangyari. Ni hindi ko alam kung anong klase na espirito ang sumapi sa akin para maisipan na gumanti ng halik sa kanya. Dahil kung hindi ko sana ginawa iyon ay hindi sana ako namomoblema sa oras na ito. H

