"Now please be mine. Only mine." Mapang-angkin na hayag ni Sir Apollo habang mariin na nakatitig sa aking mga mata. Dahil doon ay may kung anong damdamin na gustong kumawala sa puso ko. Ito ang damdamin na matagal ko na kinalimutan magmula na makipaghiwalay ako kay Apollo. "Savannah, you're only mine," patuloy na pag-angkin ni Sir Apollo sa akin habang hinahaplos ang magkabilang pisngi ko ng kanyang kamay. Kaya halos mapigil ko ang aking hininga sa patuloy na pag-aangkin niyang iyon. Maihahantulad kasi ang ginagawa na ito ni Sir Apollo sa kung gaano ka-possessive si Apollo sa akin sa aking mga panaginip. Ito rin ang malimit na banggitin ni Apollo sa tuwing paulit ulit na aangkinin ang aking kabuuan. Ang mga kataga na nagmamarka na siya ang nagmamay-ari ng puso ko. "A-Apollo..." utal

