Lalong nanlaki ang mga mata ko sa inihayag na iyon ni Sir Apollo. Anong darating din kami roon? Hindi ko alam kung bakit sinabi niya iyon sa harapan nilang lahat. Wala naman anuman na namamagitan sa amin para mangyari ang kasalan na iyon. Nandito lang ako para alagaan siya at hindi ang maging asawa niya. Tsaka may girlfriend siya na balak na niya pakasalan. At may Zeus naman ako na nag-aantay lamang ng 'oo' ko. "A-Anong—" "Tama na nga iyang pang-aasar sa kanilang dalawa," tumatawang pagsuway ni Mrs. Mijares bago ko pa makontra ang sinasabi na iyon ni Sir Apollo. Dahil sa pagpigil na iyon ni Mrs. Mijares ay agarang tumigil na nga sa pangungulit si Tita Rhea. "Kumain ka na ba, hija?" biglang pagtatanong sa akin ni Mr. Mijares. Itinango ko naman ang ulo ko. "Opo sir... Nagdala po

