Nang magising ako mula sa kahimbingan ng tulog ay laking gulat ko na lang na malaman na nasa sofa na pala ako. Dahil doon ay agaran napamulat ako ng mga mata at napabangon mula sa pagkakahiga. Paglingon ko naman sa kinahihigaan ni Sir Apollo ay napag-alaman ko na kasalukuyan pala na tuturukan siya ng gamot ng nurse. Muntikan pa nga mabitawan ng nurse ang hawak niyang injection dahil sa biglaan na pagbangon ko na iyon. Kaya nahihiyang napakamot na lang ako ng batok sa aking ginawa. Ngunit dahil sa bagong gising lang ako ay pasimple na ginamit ko ang mga daliri ko para suklayin ang buhok ko na nagulo mula sa aking pagtulog. "Ah ma'am, gising na po pala kayo," pagbati naman sa akin ng nurse at pilit na nginitian ako. "Err... Pasensiya na kung nagulat kita," paghingi ko naman nf paumanhin.

