"T-Teka lang, Z-Zeus..." pag-awat ko kay Zeus pero patuloy lamang siya sa paghila sa akin kung saan, "Baka mamaya ay hanapin ako ni Kuya Odette. Alam mo naman na palagi ako pinapasundo ni Apollo sa driver niya di ba? Sasabihan ko muna siya." "Come on, Savannah," nakangising sambit ni Zeus at nagpatuloy sa paghila sa akin, "Hayaan mo na ipaalam niya sa boss natin na nawawala ka at nakita na lamang na kasama ako. Bwahaha! Tignan natin kung paano siya magrereak sa oras na malaman niya na ako ang kasama mo." Agarang napanganga ako at hindi makapaniwala na napatingin kay Zeus dahil sa binabalak niyang iyon. Alam ko na sa simula pa lang ay hindi na maganda ang pakikitungo nila ni Apollo sa isa't isa nang dahil sa akin. Pero hindi ko akalain na aabot sa ganitong punto ang pang-aaasar ni Zeus ka

