Dream 94

2320 Words

Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses ako nagpaikot ikot sa harapan ng salamin. Kasalukuyan kasi na suot suot ko ang kulang bughaw na dress na siyang inihanda ni Apollo para sa aming dadaluhan na event. Aaminin ko na tamang tama lamang ang pagkakahapit nito sa aking katawan at tumutugma din ang kulay nito sa aking balat. Para tuloy alam na alam ni Apollo kung ano ang dress ang nababagay sa akin na siyang labis na nakakapagtaka. Hindi ko nga rin alam kung sa paanong paraan na nalaman ni Apollo ang mga sizes ko. Masyado na kasi personal ang information ko na iyon para matuklasan pa niya. "Urrrgh! Paano kaya nalaman ni Apollo ang mga tungkol dito?" nagtatakang bulalas ko pa. Ngunit kahit labis na nagtataka ako ay mas nanaig sa oras na ito ang kaba ko. Kanina pa kasi ako hindi mapakali

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD