"E-Eh? K-Kasal?!" gulat na gulat kong pag-ulit sa itinanong na iyon ni Vulcan. Ngunit biglang malalakas na napasinghap sila na akala mo ako pa itong may maling naging reaksyon. Na tila ba maling mali na magulat ako nang banggitin nila ang usapan ng kasal. "N-No way..." takot na takot na sambit pa ni Eros. "Miss Savannah! Huwag mong sabihin na wala kang balak na pakasalan itong si Apollo?" hindi makapaniwalang tanong naman sa akin ni Ares na akala mo isang kriminal na gumawa ng malaking kasalanan. "Aba! Pagkatapos mo bihagin ang mailap niyang puso ay wala kang balak na pakasalan siya?!" pag-aakusa naman ni Ajax. "Hindi pwede iyon! Kailangan mo siya panagutan! Hindi kami makakapayag na hindi mo siya pakasalan!" pag-apila naman ni Caleus na akala mo nasa gitna kami ng korte. "Tama! Resp

