CHAPTER 1

1273 Words
LOURDES'S POV: Agad kong inayos ang bag ng aking anak at isinilid ang kanyang baon upang hindi siya mahuli sa kanyang klase na magsisimula ng alas otso, samantalang ang aking pasok ay sa alas nuwebe. Tama, may anak na ako, at Remus ang pangalan niya. Mula nang maaksidente kami ng aking amo na babae, nawala ang aking alaala ng nakaraan. Kaya hindi ko matukoy kung sino ang ama ng aking dinadala. Natuklasan ko na lamang na ako'y buntis nang ako'y magising sa ospital. Wala rin namang lumalapit sa akin na lalaki o nagke-claim na lang na anak niya ang dinadala ko, isang bagay na aking ikinalungkot. Marahil ay hindi ako tunay na minahal ng ama ng aking anak. Hindi ko na tuloy mawari kung anong uri ng babae ako dati. Siguro ay ayaw ng ama ng aking anak sa akin dahil nasunog ang aking mukha nang dahil sa pagsabog ng aming sinasakyan noon, ngunit maigi na lamang ay nailabas ako agad. Iyon nga lang ay hindi nailabas ng buhay ang aking amo. Matapos akong manganak ay kinausap ako ng magulang ng aking amo. Dahil kasalanan daw iyon ng kanilang anak ay marapat lang na tulungan ako na maiayos ang aking mukha, na ikinatuwa ko. Ngayon ay 4 years old na ang aking anak at maayos na rin ang aking mukha. "Aba'y matagal pa ba kayo d'yan, Lourdes?" Apura sa akin ng aking ina. "Ito na ho, bababa na!" Nagmamadali kong sabi. Inayos ko lamang ang suot na uniform, bago tuluyang hinila ang aking anak palabas ng aming silid, at agad bumaba. Isang maliit lamang na bahay na gawa sa kahoy ang aming tinutuluyan. Ngunit masasabi ko na masaya naman kaming lahat kahit mahirap ang buhay namin. Sa awa ng Diyos ay nalalagpasan namin ang hirap ng buhay. "Kanina pa naghihintay 'yung pinara kong tricycle!" Sabi ng aking ina. "Opo, ito na!" Mabilis akong hunalik sa pisngi ni Nanay at gano'n din kay Tatay na nakaupo sa kahoy naming upuan. "Mag-iingat kayo ng apo ko ha," bilin ni tatay. "Oho, salamat, tay! I love you!" Paalam ko na lalong ikinangiti ng aking ama. "Kow! Ikaw talaga, mabuti na lang ay hindi umalis itong driver!" Sabi ni Nanay na nakasunod sa amin habang papalapit sa kami sa tricycle. "Ayos lang ho iyon, basta't sexy at maganda! Hindi ho nakakapagod hintayin!" Biro ng driver na ikinatawa ko. "Mauna na kami, Nay! I love you!" Sigaw ko, habang kumakaway. Simula kasi nang maaksidente ako ay palagi na akong nagsasabi ng I love you sa aking ina at ama, kahit na hanggang ngayon ay hindi ko parin sila maalala. Hindi ko maalala kahit isang pangyayari mula sa aking kabataan. Kaya naman, ang payo nila ang aking sinusunod. Pagkatapos kong ihatid ang aking anak sa daycare, dumiretso na ako sa mall kung saan ako nagtatrabaho. Maaga akong bumabyahe, palagi kasing traffic. Lalo na kapag weekdays, napakaraming estudyante. Kung minsan ay hirap pa akong makasakay. "Good morning, sexy!" Bati sa akin ng guard ng mall na matamis kong nginitian. "Good morning din, Kuya!" Sanay na sanay na ako sa pambobola nila, kaya matamis ko na lang sinusuklian ang mga kabutihan nila. "Kailan mo ba ako sasagutin para naman dalawa na tayong bumubuhay sa anak mo," biro niya pa na ikinailing ko. Dumeretso na lang ako sa boutique na aking pinagtatrabahuhan at kaagad nag-ayos matapos mailagay sa locker ang aking mga gamit. "Hoy, be! Nakikita mo ba 'yung lalaking iyon?" Bulong sa akin ni Mayan, habang pasimpleng itinuturo ang isang lalaking gwapo na nakasuot ng itim na suit. "Grabe, kanina pa siya nakatingin sa'yo! Tinanong ko na nga kung anong kailangan niya, pero inilingan lang ako. Suplado, pero yummy!" Saad niya pa, na parang naiihi sa kilig. "Sira ka talaga! Magtrabaho ka na nga! Baka madamay pa ako sa kalokohan mo!" Sita ko, saka muling nagsalansan ng mga sapatos. Nang mapadako ang mga mata ko sa itinuro niyang lalaki ay napalunok ako ng 'di oras. Talagang makapapigil hininga ang hitsura nito, at biglang tumibok ng mabilis ang aking puso sa paraan ng pagtitig niya. Bigla akong nakaramdam ng pag-init sa aking pisngi. At nang lumapit nga ito ay agarang ang aking pagsinghap. Hindi ko naiwasang mapapikit nang maamoy ang mabango niyang pabango na nanunuot sa aking ilong, na para bang dinadala ako sa dimension na tanging ako at siya lamang ang naroon. "Do you have this in size 44, miss?" Kung gwapo na siya sa malayo, ay mas gwapo pa pala siya sa malapitan. Parang lumuwang tuloy ang garter ng aking panty. "Miss?" Untag niya sa akin na ikinapitlag ko. Damn! Halos masabunutan ko ang aking sarili sa mga aking iniisip. May inabot lang pala siya sa gilid ko. Sobrang lapit no'n na akala ko ay magpapakilala siya sa akin. At bakit may nalalaman pa akong pagpikit? Nakakahiya ka, Lourdes! May anak ka na, kumakarengkeng ka pa! Ilusyunada! "Ang sabi ko kung may malaking size ba kayo nito?" Masungit niyang tanong na lalo kong ikinataranta. "A-ah... y-yes, sir! Just a minute lang po." Taranta kong sabi, bago tumalikod, ngunit bigla ring napaharap nang maalala ang size. "Ahh... a-ano pong size, sir?" Kamot-ulo kong tanong, habang pasimpleng ngumiti para matakpan ang aking katangahan. "Size 44!" Masungit niyang sabi, agad bumaba ang tingin ko sa nakaumbok sa pagitan ng kanyang hita, bago tumingin sa mukha niyang napakakinis. Shocks! Ang laki no'n! Ang sabi nila, kapag malaki ang paa ay malaki rin ang ano! Oh my God! Sa isipin pa lang ay parang tumitirik na agad ang aking mga mata. Damn! Parang pinagpawisan ako ng malagkit nang pumasok sa aking isipan na pawisang nakadapa, habang siya ay bumabayo sa aking likuran. Oh, damn! "Miss? Are you okay?" Sambit niya, matapos akong tapik-tapikin na nagpagising sa akin, mula sa aking Pagpapantasya. "I don't mean to annoy you, but please stop licking your lips!" Mariin niyang sabi, bago ako tinalikuran. Oh, shìt! Napatakbo ako sa storage room sa aking pagkapahiya. Oh my God! Hindi ko namalayang napadila na pala ako sa aking labi. Ang gago mo talaga, Lourdes! Paano kung nagmukha ka na palang manyak sa harap niya? Paglabas ko ng storage room bitbit ang sapatos, agad akong sinalubong ng aming manager at inutusang pumunta sa opisina. Bagama't gusto kong balikan ang masungit ngunit gwapong lalaki, dali-dali akong lumiko at iniabot na lamang ang sapatos kay Mayan. Dahan-dahan akong kumatok sa pintuan ng opisina pagkarating ko. Unti-unti kong binuksan ito at kaagad kong nakita ang aking boss na lalaki na nakatalikod. Bakit niya ako pinapunta rito? Paano pala kung tanggalin niya ako? "Sir," mahina kong sambit. "Ipinatawag niyo raw ako?" Nangangatog ang aking tuhod nang makilala ko ang lalaking customer na walang iba kundi ang aking boss. "Hindi ko nagustuhan ang iyong ipinakita kanina. Ganiyan ba ang pakikitungo mo sa lahat ng iyong mga customer? I'm sorry, pero tinatanggal na kita sa pwesto mo!" Mariin niyang sabi, na ikinabahala ko. "Sir, h'wag naman po. Kailangan ko ho ng trabaho. Hindi ko po sinasadya 'yung kanina. Sir, bigyan niyo pa ako ng pagkakataon para mapatunayan ko na maayos ako makitungo sa mga customer. Lahat po gagawin ko, h'wag niyo lang ako tanggalin." Sunod-sunod na pakiusap ko. "Lahat?" Ulit niya na agad kong ikinatango. Lahat gagawin ko, h'wag lang mawalan ng trabaho. Napakahirap maghanap ng trabaho sa ngayon, lalo at may anak akong binubuhay. "Yes, sir!" Agad kong sabi. "Sige, pero sa bahay ko muna ikaw maglingkod, no buts! I'll give you a minute para maimpake mo ang gamit mo, bago sumama sa akin ngayon!" Ultimatum niyang sabi na ikinatigalgal ko. "Leave now! Bilisan mo, bago magbago ang aking isip!" Saad niya pa. Ano daw? Sasama sa kanila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD