LOURDES'S POV:
Hi, my name is Maria Lourdes Ortega, 25 years old. Lumaki ako sa San Isidro, Nueva Ecija. High school lang ang natapos ko, pagkatapos ay nakipagsapalaran na sa Manila. Ilang taon din ako nagsilbi sa dati kong among matanda, bago inilipat sa apo niyang babae, ngunit sa kasamaang palad ay doon ako naaksidente.
Pero simula nang maaksidente ako ay nanatili na lamang ako sa lugar namin. Hindi na ulit akong nagtangkang bumalik roon. Hanggang sa manganak ako kay Remus.
Isang taon na rin akong nagta-trabaho sa isang mall, ngunit ngayon ay bigla na lang akong natanggal dahil sa aking katangahan. Kung bakit ba naman kasi nakakaakit makatingin ang boss ko, hindi ko tuloy naiwasang magpantasya. Pero ipinagpapasalamat ko parin na mayroon parin akong trabaho.
"What took you so long?" Sita niya sa akin nang makalapit ako sa kanya sa pintuan ng aming boutique.
"Pasensya na po nagpaalam lang sa mga katra-" hindi ko pa natatapos ay tumalikod na siya, kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya, hanggang sa makarating kami ng elevator.
Kinagat ko ang aking labi habang nasa loob kami ng elevator. Bumilis ang t***k ng aking puso habang tahimik kong pinagmamasdan ang aming mga repleksyon sa salamin ng elevator. Bakit kaya tuwing magkalapit kami ay mabilis ang t***k ng aking puso? Marahil, ito ang pakiramdam kapag kasama mo ang isang gwapo at kaakit-akit na tao sa elevator, nakakakilig nga.
Kung p'wede lang na umirit ay ginawa ko na.
Ang sabi sa akin ng manager namin ay siya raw si Danya Gallego, 30 years old, isang psychology doctor. Isa raw siyang kilalang doctor sa Manila. Ang pinagtataka ko ay kung bakit naririto siya sa probinsya at dito niya pa talaga piniling magtayo ng isang boutique. At bakit ko ba iniisip iyon? E, sa dito niya gusto magtayo ng business, bakit ba pakialamera ka, Lourdes? Para akong timang sa mga naiisip ko. Diyos ko!
Pagbukas ng elevator, agad siyang lumabas at dali-dali akong tumakbo upang sundan siya. Malalaki ang kanyang mga hakbang kaya napilitan akong tumakbo dahil sa takot na baka maiwan ako.
Pagkalapit namin sa kanyang kotse, agad niyang kinuha ang susi at pinindot ang pindutan para magbukas ito. Lumapit siya sa pintuan ng kotse at dali-daling binuksan ang shotgun seat, saka niya ako tinitigan nang may pagkasungit.
"Get in!"Mariin niyang sinabi, kaya halos nagmadali ako para agad na makapasok sa kanyang kotse.
"Seatbelt!" Masungit niyang sabi, kaya mabilis kong hinatak ang seatbelt at kinabit iyon.
Muntik na akong mahimatay nang kanyang pinaarangkada ang kotse, kaya't dali-dali akong kumapit sa hawakan at ipinikit ang aking mga mata. Sa tulin ng kanyang pagmamaneho, tila ba lumilipad ang sasakyan, at ilang ulit akong nag-antanda dahil sa matinding takot.
Gusto na atang mamatay ng lalaking 'to! Diyos ko, idadamay pa ako! Shocks, pag naaksidente kami, dudukutin ko talaga ang dalawang mata niya!
Nang mas lalo niya pang binilisan ay parang may nagflash na alaala sa aking isipan ang nanagyaring aksidente noon. Bigla ay nanginig ako sa aking pagkakaupo sa takot.
Kitang-kita ko ang galit sa pagmamaneho nang hindi ko maaninag na mukha ng babae. Para siyang nasisiraan ng bait, habang mabilis na nagmamaneho at sumisigaw.
"Hindi kita hahayaan, mapupunta tayong dalawa sa impyerno!" At pagkatapos niyang sabihin iyon ay bigla niyang kinabig ang manibela at agad kaming bumangga sa paparating na sasakyan.
Nanginginig ako sa takot, habang mahigpit na nakahawak sa hawakan ng kotse. Napadilat ako nang bigla kong narinig ang malutong niyang tawa.
"What the hell? Did I scare you so much?" Nakakaloko niyang tanong.
At nagtanong pa talaga itong antipatiko na lalaking ito! Sino bang hindi matatakot? Para ngang lumabas ang kaluluwa ko sa takot. Sa aking pagkainis ay hindi ko na lang siya pinansin, at nanatiling mahigpit ang kapit sa hawakan.
Dahil sa bilis ng kanyang pagmamaneho, agad din kaming nakarating sa kanyang bahay.
Napanganga ako sa ganda ng bahay niya. Gawa iyon sa semento, pero kung titingnan ay parang gawa sa kahoy. Sobrang napakaganda at nakakamangha, lalo na nang makapasok kami sa loob.
Wow, is he a fan of the hobbits from The Lord of the Rings movies? This house looks exactly like a hobbit's dwelling.
Para tuloy akong napunta sa fairy tale, na hindi ko maipaliwanag. Para bang matagal ko nang pinapangarap ang ganitong lugar.
"Wow!" Hindi ko na napigilang bigkasin. "Inspired ba ito sa the hobbits?" Namamangha kong tanong.
"Yap, it's my wife favorite design. So, I created one here."
Aww! May asawa na pala siya, sayang naman. Kaya pala suplado, taken na.
Naglakad siya papasok, habang ako ay naiwan sa sala na panay parin ang lingon sa bawat nakaukit sa wall. Pati na rin ang mga gamit ay hindi ko napigilang hawakan sa sobrang tuwa ko.
Pagbalik niya ay may dala na siyang damit na nakaplastic.
"Ito ang lahat ng iyong uniporme," sabi niya. "At ang pintong iyon, iyon ang magiging silid mo," dagdag niya habang nakapamulsa.
Sa sobrang excited ko ay agad kong dinampot ang aking uniform at mabilis na pinuntahan ang aking magiging silid.
Oh my gosh!
Sobrang ganda ng aking room, hindi ko na napigilang mapairit sa saya. Pero bigla ring nawala ang aking excitement ng maalala ang aking anak. Kailangan ko nga pa lang umuwi, at magpaalam sa aking anak.
Nang tunalikod ako para muling puntahan si sir Danya ay kaagad na itong nasa aking likuran, sa sobrang lapit namin ay napahawak pa ito sa beywang ko upang hindi kami magkabungguan nang tuluyan.
Shocks! Parang may gumapang na kuryente mula sa kanyang kamay patungo sa aking beywang, na ikinabilis ng pagtibok ng aking puso.
Nang mapatingin ako sa labi niyang mapula ay parang nangalos ang aking tuhod. Hindi ko alam, pero parang may kiliting hatid sa akin iyon nang mapatitig ako. Para bang kay sarap niyon halikan.
Wala sa sariling napakagat ako sa aking labi, habang mapupungay ang aking mga mata na nakatitig sa labi niya.
"Stop doing that!" Mariin niyang sabi na nakapagpabalik sa akin sa reyalidad.
Nang matauhan ay agad kong kinastigo ang aking sarili. Ano ba namang puso 'to! Tumigil ka nga, may asawa na 'yan! Maghunos dili ka, puso! Masasaktan ka lang dyan! Oh God, ang hirap naman magtimpi kung ganito kagwapo ang kaharap ko. Sana ay maglock siya ng silid niya, baka kasi mamaya ay bigla na lang akong mapunta sa ibabaw niya.
"What the hell?!" Muli niyang singhal na ikinatayo ko na ng tuwid.
"S-sorry, akala ko kasi wala ka sa likod ko." Nahihiya kong sambit, sabay titig sa mga kamay niyang patuloy na nakahawak sa aking beywang.
"f**k!" Mariin niyang mura nang mapansin na nakahawak parin pala siya sa aking beywang na ikinangiti ko nang mabilis siyang umatras at tumalikod.
Marunong din palang mahiya ang isang 'to. Ang cute mamula ng pisngi niya ang sarap mangurot!