LOURDES'S POV:
"Change into your uniform and start cleaning!" Masungit niyang sabi, bago tuluyang naglakad palabas ng aking silid.
Akmang isasarado ko ang aking pinto nang maalala ang gamit ko sa kanyang kotse. Sobrang nagandahan ako sa design ng bahay niya, nalimutan ko tuloy ang mga gamit kong dala.
"Ah... sir!" Mabilis kong habol sa kanya.
"What?" Masungit na namang tanong niya.
Ganito ba ito lagi? Parang may regla?
"May regla po kayo este 'yung susi niyo po sa kotse. Baka p'wedeng hiramin, naiwan ko po kasi ang mga gamit ko sa loob," sabay tawa ko ng kaunti para naman mabawasan ang tensyon ng pagtitig niya sa akin, parang gusto niya kasi akong tirisin.
Mabilis siyang dumukot sa bulsa niya at agad iniabot sa akin ang susi, na kaagad ko namang kinuha at tumakbo.
Diyos ko sa katangahan ko, nakakuha tuloy ako ng among daig pa si Luciper sa sungit! Para pinaglihi sa mangga, sobrang asim ng ugali pero sobrang pogi naman, kaya ayos lang din naman.
Kaagad kong pinatunog ang kotse tapos ay agad kinuha ang aking mga gamit. Mabilis akong nagtungo sa aking silid saka binuksan ang nakaplastic kong uniform.
Agad bumungad sa akin ang iba't-ibang kulay ng uniform.
Nang mailadlad iyon ay napanganga ako sa iksi at liit niyon. Mukha atang pambata itong nabigay niya sa akin? Sa tangkad ko na 5'8 ay baka hindi pa ito umabot sa gitna ng aking legs. Samantalang itong uniform ko sa boutique niya ay hanggang tuhod ang palda.
Nakakaloka talaga! Wala akong nagawa kung 'di ang maghubad, at saka isinuod ang bago kong uniform na kulay pula. Mabuti na lang at nagkasya ito sa akin. Iyon nga lang, halos lumuwa ang dibdib ko dahil sobrang fit na fit ang damit sa akin.
Bakit naman kasi ganito ang biinigay niya sa akin? P'wede naman duster na lang. Tss! Iniliagay ko ang aking cellphone sa aking bulsa matapos mai-silent iyon. Baka masita ako kapag biglang nagring iyon. Ang sungit pa naman ng amo kong iyon.
Napabuntong hininga ako bago lumabas ng silid.
Naglinis lang ako ng konti, dahil hindi naman marumi ang paligid. Naglabas na lang ako sa ref ng p'wede kong lutuin. Napili ko na lang magnilagang baboy, saktong mayroon din ingredients doon kaya hindi na ako lalabas pa para mamalengke.
May celery din na mamalaki kaya iyon ang una kong nilagay, bago ang mga gulay. Saktong paglagay ko ng gulay ay lumabas ang amo kong masungit.
"What are you cooking?" Seryoso niyang tanong, habang umuupo sa kabisera ng lamesa.
"Ahh... nilagang baboy. Nagugutom ka na ba? Saglit na lang 'to." Nang sipatin ko ang orasan ay mag-aalas onse na ng tanghali, sakto lang para sa tanghalian.
"Yeah, nagutom ako sa amoy," sambit niya na ikinangisi ko.
Mukha ngang gutom ang amo ko, hindi nagsusungit, e.
"Saglit na lang ito, isang minuto na lang ay p'wede ko nang ihain sa'yo," sambit ko saka, tumalikod. Saktong hahaluin ko ang niluluto ko nang maramdaman na dumikit siya sa aking likuran, kitang-kita ko ang pagpikit ng kanyang mga mata habang inaamoy ang usok ng niluluto ko. Kung hindi ko lang siya boss ay iisipin ko na ang buhok ko ang inaamoy niya.
Malaki ang espasyo sa tabi ko para makita ang aking niluluto, bakit pa siya tumayo sa likod ko? Sinasadya kaya niya?
"Ang bango talaga!" Sambit niya na ikinasinghap ko.
"Oo nga, ang bango mo este nung niluluto ko, sir!" Sabay gilid ko upang makaiwas. "Balak niyo po bang tikman ang sabaw ko este ang niluluto kong sabaw ng nilaga?" Sabay tingin ko sa gilid, baka sabihin niya pa inaakit ko siya sa sabaw ko, e talaga namang masarap ang sabaw ko.
"Oo, sana." Parang nahihiya niyang sabi.
"Luto na ito, ihahain ko na." Mabilis kong sabi.
Mabilis siyang bumalik sa lamesa na animo'y isang masunuring tupa. Pagkain lang pala ang magpapaamo sa lalaking ito, e.
Nang maihatid ko ang ulam at kanin sa lamesa ay mabilis siyang kumain, na tila isang taong hindi nakakakain.
"Tubig po, sir!" Alok ko sa kanya, sabay lagay ng tubig sa harap niya na mukhang hindi titigil sa pagsubo kaya umalis na ako roon, bago pa maging tigre ulit ang amo ko.
Dali-dali akong nagpunta sa aking silid at dinial ang number ng aking ina.
Nang sagutin niya ang tawag ko ay agad kong sinabi ang nangyari at naiintindihan naman iyon ng aking ina. Tapos ay ang anak ko naman ang sunod kong kinausap. Mabuti na lang at matalinong bata si Remus, madaling sabihan. Kaya nakahinga ako ng maluwag nang maibaba ko ang aking cellphone.
Nang bumalik ako sa dining area ay naroon parin si sir Danya na puno parin ang plato, na tila hindi ginagalaw. Nang matanaw niya ako ay mariin siyang nagsalita.
"Why don't you join me?" Masungit niyang tanong. Sa tanong niyang iyon ay tila biglang tumunog ang tiyan ko sa gutom, kaya naging mabilis ang hakbang ko at kumuha ng plato para sa akin.
"Akala ko hindi ka na babalik dito para kumain," masungit niyang sabi.
Tumawa ako ng kaunti saka nagsalita, "naggugutom din po kasi ang mga alipin!" Biro ko.
Pero napaawang ako ng aking mga labi sa sagot niya sa aking sinabi.
"Yeah, akin ka na ngayon. Simula ngayon ay alipin na kita!" Mariin niyang sabi na ikinataas ng kilay ko.
Bigla akong natawa sa sinabi niya. Nakakalimot ata siya, nagtatrabaho lang ako, e sa kanya na agad?
"O, bakit ka ganyan makatingin? Akin ka, hindi ka naman alipin ng kapitbahay 'di ba? Tama naman ako, 'di ba?" Hirit pa nito na tinitigan ko lang, sabay subo ng sinandok ko.
Bahala siya sa kung anong gusto niya. Basta may trabaho ako ay ayos na sa akin. Basta't kumikita ako para sa aking anak, kahit anong itawag niya sa akin ay ayos lang, balang araw ay makakaganti rin ako, sabay ngiti ko sa kanya ng matamis.
"Asan nga pala ang wife mo? Bakit wala siya rito?" Taka kong tanong, na nakapagpa-igting ng panga nito. Sa isang iglap ay mariin niyang nahawakan ang aking braso, na ikinagulat ko.
"Ahhh... ang sakit!" Daing ko.
Nang marealize niya kung anong ginagawa niya ay binitawan niya ang aking braso saka tumingin sa malayo.
"Wala na siya, don't ever mention her again!" Mahigpit niyang sabi, bago ako mabilis na iniwan mag-isa.
Napabuntong-hininga ako nang makita na hindi pa ubos ang kinakain niya. Dahil sa inis ay binatukan ko ang sarili. Malay ko ba naman kasing wala na ang asawa niya, ang bata-bata pa niya para mawalan ng asawa. Hays!