CHAPTER 4

1104 Words
LOURDES'S POV: Nang hapon ding iyon ay may nagdoorbell, kaya mabilis kong pinuntahan at agad pinagbuksan iyon. "Hello, is Dr. Danya available?" Maarte niyang sabi, habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa. "Ahhh... sino po sila?" Magalang kong tanong. "Tiffany, he knows that I'm coming," sagot nito sa maarte paring salita, sabay irap. Ano naman kaya ang iniirap-irap ng babaeng ito? "Wait lang po, sasabihin ko sa kanya." Pagkasabi ko no'n ay agad kong binuksan ang gate at pinapasok siya. "Maupo muna kayo rito." Alok ko, nang marating namin ang bench sa 'di kalayuan sa clinic ni sir Danya. Kaagad akong nagtungo sa clinic ni Sir Danya na nasa tabi lang ng bahay. Nakita ko siyang abala sa pagbabasa kaya't binati ko siya agad. "Ah, sir, may pasyente po ata kayo. Tiffany po ang pangalan," sabi ko nang magalang. Mabilis siyang tumindig at kaagad na umalis. Ni hindi niya ako binigyan ng pansin, na medyo ikinasad ko. Kaya nagpasya na rin akong lumabas, habang ang aking mga mata ay nakasunod sa malapad niyang likuran papunta sa babaeng sa tingin ko ay mapagpanggap. Hmp... jowa niya kaya 'yon? Kung makatingin kasi 'yung babae akala mo aagawan ng jowa. Inggit ata sa mahaba kong legs. Ang arte kumilos, wala naman pwet! Malaki lang dyoga, pero 'di naman kagandahan! Anong nagustuhan ni sir dun? Napailing ako nang makita kong nakahawak ang aking amo sa beywang ng maarteng si Tiffany, na nakangiti ng parang siya'y nanalo sa lotto. Akmang tatalikod na sana ako nang bigla akong tawagin ng aking amo. "Lourdes!" tawag niya nang may diin. "Pwede ka nang umuwi ngayon, bumalik ka na lang bukas nang maaga. Kunin mo na rin ang mga damit na kailangan mo. I need you here tommorrow, don't be late." Bigla, parang may pait na sumakal sa aking lalamunan nang marinig ko iyon, kaya dali-dali akong tumango at lumisan. Mas okay na iyon, at least makakasama ko naman ang anak ko ngayong gabi. Patakbo akong nagtungo sa silid. Nagbihis lang ako sa aking dating uniform, dahil nas desente iyong tingnan kesa sa uniform ko ngayon na sobrang iksi. Tapos ay agad ko nang kinuha ang bag ko, at mabilis na lumabas. Hindi ko sila nakita, kaya hindi na ako nagpaalam. Mabilis lang akong lumabas ng gate at sumakay ng tricycle, pagkatapos ay jeep. Bago umuwi ng bahay ay ibinili ko muna ng donut ang aking mahal na anak. "Bakit naman nakasimangot ang pogi kong anak?" Nang marinig niya ako ay otomatikong napatakbo siya sa akin na halos mapunit na ang labi sa sobrang kagalakan. "Mama!" Sambit niya, sabay yakap sa akin ng mahigpit. "May pasalubong ako sa'yo, heto!" Sabay pakita ko sa kanya ng isang box ng donut. "Wow! Da best talaga ang mama ko! Thank you, Lola look o, may pasalubong tayo kay mama," sabay pakita niya ng donut sa aking ina. "Alam mo habang lumalaki 'yung anak mo, lalong lumalabas 'yung hitsura niyang parang may lahi. Foreigner kaya nakabuntis sa'yo?" Tanong ng kapitbahay naming si Kate. "Hindi mo talaga siya kamukha!" Dagdag pa nito. Grabe si ante, parang may ibig sabihin siya dun ah. "Okay lang, maganda din naman ako kahit hindi ko kamukha anak ko!" Sagot ko, tapos ay naglakad na ako kung nasaan sila nanay. "O, anak! Kumain ka na muna rito. Mabuti at pinauwi ka ng amo mo ngayon?" Baling ni nanay sa akin. Pa'no? May kasamang hitad ang amo ko, siguro ay lalandiin niya 'yon kaya pinauwi ako. 'Yung mga paghawak-hawak sa beywang, iba na ibig sabihin no'n. Hays, bakit ba iyon ang nasa isip ko? Para akong jowa na nagseselos. Ipinilig ko ang aking ulo saka sumagot kay nanay. "Oo nga ho, mabuti na lang talaga." Sabay ngiti ko, kunwari hindi ako bitter. "Akyat po muna ako sa taas, magbibihis lang ako." Paalam ko saka mabilis na nanaog sa aming silid ng anak ko. Bakit kaya ganito nararamdaman ko? Talaga bang totoo 'yung love at first sight? 'Yung bang sa isang kitaan niyo lang ay nahulog na agad ang loob ko sa kanya. Para bang kay tagal na naming magkakilala, tapos sa tuwing madidikit siya sa akin ay parang may spark na kumakalat sa aking katawan sa isang hawakan niya lang. Kaya lang, mukha namang hindi niya ako type, at isa pa! Mukhang babaero ang lalaking iyon. Dahil sa lungkot, matapos akong magbihis ay napahiga ako sa kama, at hindi namalayanh nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nang marinig ang pag-iingay ng aking cellphone. Sino naman itong istorbo? Ang sarap-sarap ng tulog ko, e! Pagtingin ko sa aking cellphone ay number lamang ang rumehistro, pero dahil sa aking kuryosidad ay mabilis kong sinagot iyon. "Hello?" Inis kong sagot. "Where are you? Come pick me up!" Mariin niyang sabi, kaya bigla akong napatayo sa gulat. Kahit ba naman sa cellphone ay antipatiko parin itong makipag-usap? Damn him! Nakakainis! Bakit niya naman ako hinahanap, e pinauwi niya na nga ako! Tapos ngayon hahanapin ako. Come pick me up?! Loko! Mukha ba akong taga sundo niya?! At nasaang lupalop naman kaya ang lalaking ito, iniwan na ba siya ng kasama niyang babae? "Hindi ba pinauwi mo na ako?" Mataray kong sabi. "Balikan mo ako, please!" Parang bata nitong sabi. May sira ata tuktok nito, balikan ka dyan! Para lang 'yun sa jowa 'no! Tss! "Nasan ka ba?" Hindi ko natitiis itanong, habang nag-aantay ng sagot niya ay nagpalit na ako ng pantalo at blusang itim, tapos ay lumabas na ng silid. "Come pick me up at the Broken Compass Bar!" Mariin niyang sabi, na medyo ikinatawa ko. Malapit lang iyon dito, ngunit nakakatawa na doon pa siya nagtungo. Karaniwan kasi, ang mga pumupunta doon ay iyong mga bigo sa pag-ibig. Iyon nga ang bar na pinaka-iniiwasan ko, dahil karamihan ng mga kostumer doon ay laging umiiyak. Nang hindi na siya sumagot ay mabilis akong napatakbo, pababa. "Nay, aalis lang ako sandali. Susunduin ko lang 'yung pasaway kong boss!" Hindi ko na hinintay ang tugon niya, dali-dali akong lumabas ng bahay at swerteng may dumadaang tricycle, kaya agad akong sumakay at nagpahatid sa bar. Pagpasok ko sa bar ay agad ko siyang namataan sa bar counter na nakayukyok, kaya mabilis ko siyang dinaluhan. "Sir?" Untag ko sa kanya. Napailing pa ako nang umangat ang ulo niya sa akin at halatang lasing na lasing na. Sa sobrang tuwa niya nang makita ako ay inangat niya ang dalawa niyang kamay at otomatiko iyong ipinulupot sa aking leeg, ang huling ginawa niya ang ikinalaki ng mata ko. "You came!" Sambit niya, bago inilapat ang labi niya sa aking labi na halos ikahimatay ko sa gulat. "You came, my lovely wife!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD