Chapter 26

1119 Words
"Got it!" Gigil kong wika nang makuha ko ang imahe na hinahanap ko. Kinuha ko ang gamit ko at tumayo. Hawak ang isang papel kung saan naroon ang imaheng kailangan ko ay mabilis akong naglakad palabas ng opisina. "Ikaw na muna ang bahala sa agency, pagkatapos nito gagawin ko ang report." Huling wika ko kay Tres bago ko tuluyang isara ang fully secured office door. Lulan ang sasakyan ko ay pilit ko tinatawagan si Althea pero hindi ito sumasagot. I'm getting worried about her safety, lalo na ngayong alam na ng target ko ang identity niya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa oras na may mangyaring masama kay Althea dahil lang sa kapabayaan ko. Delikadong tao si Trent Avalos isa siyang business man na kilala rin sa pagiging bad player. Marumi kung makipagtransaksyon si Trent sa mga ibang business man, kapag gusto niya tiyak makukuha niya. At kung ako ang gusto niyang mapatay, walang problema, huwag lang niyang idadamay ang mahal ko. I retraced Althea's steps after she went out of that subdivions riding the taxi I am after for. Panigurado malapit lang dito ang ruta niyon. I saw few taxi's with the same color and same car type pero iba ang plate number nila. As I was able to lose hope, my phone rang and Althea's name went up. "Babe! Nasaan ka? Kanina pa ako tumatawag, bakit hindi ka sumasagot?" Bungad ko sa kanya. Hindi ko maiwasang mapataas ng boses dala ng labis na pag-aalala. "Nasa byahe ako kaninang tumatawag ka, nasa bahay na ako." Malungkot ang pa rin ang boses niya. Gustong-gusto ko nang marinig ang masaya niyang boses. My heart yearns for her laughter and joy. I miss her. . so much. "Babe, huwag kang lalabas ng bahay. Hinatayin mo akong makauwi." Rinig ko sa kabilang linya ang paghinga niya ng malalim. Alam kong galit pa rin siya sa 'kin. "Alam ko galit ka, pero sana makinig ka pa rin sa 'kin. Lahat ng ginagawa ko para sa 'yo." Tahimik sa kabilang linya, alam ko naman na wala siyang isasagot dahil kahit sa bahay hindi man niya ako kinakausap. Nawawarak ang puso ko sa tuwing titignan ko siya pero hindi man lang siya titingin sa 'kin. Gusto ko siyang yakapin para man lang sana mabawasan ang bigat ng nararamdaman niya pero naiisip ko na kung gagawin ko iyon, baka lalo lang nadagdagan ang bigat sa puso niya. "Hindi ko lang talaga alam kung anong paniniwalaan ko ngayon Sayer, pasensya ka na, pero sana –" Hindi ko nakuhang narinig ang mga huling salita ni Althea. Langitngit ng sasakyan ang pumuno sa tenga ko. Dali-dali kong tinignan ang pinagmulan ng malakas na ingay. Ito ay sa sasakyan sa likuran ko na mabilis na umaandar papunta sa 'kin. Hindi maganda ang kutob ko. "Althea! I-lock mo lahat ng pinto at huwag na huwag kang magpapapasok ng kahit na sino!" Natataranta kong wika sa kanya. "Sayer, anong nangyayari?" Rinig ko sa boses niya na nag-aalala siya. Nag-aalala pa rin pala siya sa 'kin. "Mamaya ko na sasabihin, basta uuwi ako," sandali akong tumigil at tinignan ang sasakyan sa likuran ko. Malapit na lang iyon sa 'kin kaya naman lalo kong tinapakan ang gas para bumilis ang takbo ng kotse ko. "Bakit parang mabilis ata ang takbo ng sasakyan mo? Sayer, anong nangyayari?" Lumalakas ang boses niya. "Althea makinig ka, kung sakali mang hindi ako makauwi, si Tres lang ang paniwalaan mo." Sa pagsilip kong muli sasasakyan ay may tao ng lumabas mula sa bintana nito at nagtutok na ng baril sa 'kin. "Tandaan mo, mahal kita higit pa sa buhay ko." Hindi ko na hinintay na magsalita si Althea, agad ko iyong pinatay at itinapon sa daan. Mgakakasunod na pagpapaputok ng baril ang inabot ng sasakyan ko. Bawat putok ay napapayuko ako, mahirap na baka matyempuhan ako. Sa muli kong pagtingin sa rear view mirror ay nakita ko ang mukha ng lalaking nagpapaputok ng baril sa 'kin. Hindi ako pwedeng magkamali, siya ang lalaking nagmamaneho sa taxi na sinakyan ni Althea. "Damn! Tama nga si Tres. Ipinapain si Althea para makuha ako." Binuksan ko ang compartment ng sasakyan ko at kinuha sa ilalim niyon ang baril na naroon para lamang sa mga ganitong pagkakataon. Isa akong hacker, oo pero sinanay naman ako sa mga ganitong labanan kahit pa paano. Nilabas ko ang baril sa bintana at pinaputok iyon sa lalaking kalaban ko. Sa mga unang bala ay hindi ko siya natamaan, pero kalaunan tinamaan ko na kahit ang sasakyan man lang niya. Mamamatay ako kung magtatagal pa ito. Kailangan kong mag-isip ng ibang paraan para makatakas sa lalaking ito. Pasikot-sikot ang daan na tinatahak namin, maraming mga kanto at eskinita na pwedeng kong pasukan. Ang problema lang hindi ko alam kung may kapupuntahan ang mga daan na ito. "Detect location!" Sigaw ko sa GPS Navigation Monitor na sinet-up ko katulad ng isang security intelligence. "Checking." Hindi nagtagal lumabas sa monitor ang mismong paggalaw ng sasakyan ko sa gitna ng isang street map. "Find a way to the main road!" "Checking... Calculating... Done." Ipinakita sa monitor ang maari kong daanan palabas sa main road. Ngunit bago ko pa man nailiko ang manibela ko sa eskinitang dapat kong pasukan ay binangga na ang sasakyan ko. Namataan ko na muling lumalabas ang lalaki sa bintana para paputukan na naman ako ng baril kaya naman mabilis kong kinuha ang baril ko at inunahan na siya sa gusto niyang gawin. Matagumpay ko natamaan ang lalaki, hindi ko man alam kung saan ko siya tinamaan ang importante ay bumalik ito sa loob ng sasakyan. Hudyat para paandarin ko ulit ang sasakyan ko at makapasok sa eskita para maisagawa ang pagtakas ko. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo, nagsalita ang monitor sa sasakyan ko. "Connecting... Permission to accept impending connection." Mayroong nakakakuha ng IP Adress ng security intelligence ko at gusto niyang ma-connect para makapasok ang tawag niya. "Checking Security... Secured.. Permission to accept impending connection." Ulit nito. "Accept." Ilang sandaling naghanda ang system ko para sa tawag na kinokonek sa hindi ko pa kilalang tao. At hindi nagtagal lumitaw ang mukha niya, mukha ni Trent Avalos. "Bravo! Agent Sayer, ang saya palang makipaglaro sa 'yo." Bungad niya sa 'kin. "Trent Avalos. Kung may problema ka sa 'kin, ako ang harapin mo." Ngunit ngisi lang ang nakuha kong sagot mula sa kanya. Sa masusi kongp pagtingin sa monitor ay bumungad sa 'kin ang isang pamilyar na lugar. "Ang tagal bago mo mapansin!" Galit niyang wika. Sa labas ng gate ng bahay namin kuha ang video at nasa loob ng bahay si Althea. Napakamao nalang ako sa galit. "Huwag mo siyang idadamay dito!" Nakakalokong ngitilamang ang nakito ko sa monitor bago niya tuluyang tinapos ang tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD