Chapter 25

1081 Words
SAYER’S POV   Masakit para sa 'kin ang makita at makasama si Althea nang alam kong galit siya sa 'kin. Ngayong alam na niya na nagsinungaling ako, kailangan ko na siyang ilayo sa lugar na ito at mag-umpisa ng bagong buhay. But I have other things to finish first before we can go. Kailangan kong matapos ang trabahong ibinigay ng agency sa 'kin. Hindi ako nagpalit ng trabaho, realtor ang sinabi kong trabaho ko pero magpahanggang ngayong isa pa rin akong hacker. Hindi na ako masyadong tumatanggap ng trabaho dahil kailangan kong isipin ang kaligtasan ni Althea. Ngunit ang trabahong hawak ko ngayon ay ako mismo ang gusto ng agency na tumapos. Ngunit simula nang mag-away kami ni Althea hindi ako maka-focus sa kahit na anong gawin ko, palagi na lang mali ang mga binary ko kaya hindi ko matunton ang taong pinapahanap sa 'kin – siTrent Avalos. Simula nang mamatay si Cason sa pagsabog naging masaya ako sa piling ni Althea. Masyadong masaya na nakalimutan ko nang gawin ang trabaho ko. Ang akala ko kasi kayang kong maging normal na tao kahit pa delikado ang trabaho, pero mali ako. "Sayer, kailangan na ang report mo sa agency." Untag sa 'kin ni Tres ang nag-iisang kasamahan ko sa trabaho. Napahawak ako sa ulo ko. Wala akong maibibigay na report sa kanila dahil wala pa akong napapala sa paghahanap sa lokasyon ng target ko. "Kailangan ko pa ng oras." "Dalawang beses ka ng binigyan ng palugit ng agency. Hindi na kita kayang pagtakpan." Aniya. "Subukan mo lang ulit baka mapapayag mo pa sila." Pagmamakaawa ko. "Alam mo naman ang sitwasyon ko ngayon, marami akong iniisip." Narinig ko siyang nagbuntong-hininga. "Una palang sinabi ko na sa'yo, sakit lang ng ulo 'yang relasyon mo sa babae na 'yan." Sumalubong ang kilay ko sa narinig ko mula sa kanya. "Ang babae na 'yun ang importante sa 'kin." Pagmamatigas ko. "Importante pa sa trabaho mo?" "Oo!" Madaling mag-init ang ulo ko dala ng mahabang listahan ng problemang iniisip ko. Hinampas ko ang dalawa kong kamay sa computer table at dahil doon ay natigil si Tres. "Kung hindi mo na akong kayang tulungan, umalis ka na lang sa harapan ko." Bumalik ako sa harapan ng computer ko at itinuon na lang doon ang atensyon ko. "Baka sakali ito makatulong." Bahagyang hinampas ni Tres ang isang papel sa ulo ko na agad ko namang kinuha. "Nandyan ang lahat ng impormasyon sa business ng target mo, galing doon ang asawa mo." Hindi ko sinasabi ang katauhan ni Althea kay Tres pero hindi na ako nagulat na malalaman din ni Tres ang tungkol sa kanya. "Wala ka naman pwedeng itago sa 'kin Sayer, hacker din ako katulad mo." Aniya na may ngisi pa. Agad kong tinignan ang papel at doon ko nga napatunayan na tama nga ang sinasabi ni Tres. Base sa oras na nakasulat ay pumunta si Althea sa Cafe matapos ang check-up niya. Bakit doon, hindi ko maiwasang magtaka. Malayo ang Cafe sa klinika at maraming pasikot-sikot bago matunton ang lokasyon niyon. "Nakakapagtaka, hindi ba?" Untag ni Tres na pinagmamasdan pala ako sa pagbasa sa papel na bigay niya. "Imposibleng naglakad lang siya papunta sa Cafe, masydong mabilis kung susumain ang oras." Dugtong pa niya. "Taxi. Nag-taxi siya." Sigurado kong wika. Agad kong binitawan ang papel sa gilid ng computer ko at hinanap ang lokasyon ng Cafe kasama na rin ang mga establishment na may CCTV na maari kong masilip. Kailangan ko makita ang plate number ng taxi na sinakyan ni Althea. "Ibinigay ko sa'yo 'yan para makatulong sa trabaho mo, huwag mo sanang gawing dahilan 'yan para manmanan ang asawa mo." Hindi ko na pinakinggan si Tres, malaking tulong na ang binigay niya sa 'kin at sa palagay ko may makukuha akong impormasyon dahil dito. Ilang CCTV ang matagumpay kong nasilip pero wala ni isa ang mayroong footage sa mga oras na dumadaan si Althea roon. "Sira ang ilang footage sa mga private establishment na dinaanan ng taxi." Sabi ko kay Tres na abala rin sa ginawang trabaho. "Nakita ko nga, sigurado akong may nanira niyan." Aniya na hindi man lang ako tinitignan. Kakaumpisa palang ng umaga, malaking sakit na ng ulo ang sumalubong sa 'kin. Gayunpaman, hindi dapat ako magpatalo dahil hindi lang trabaho ko ang nakasalalay dito, maging ang buhay ko at buhay ni Althea ay nakataya rin dito. Tumayo ako at naglakad patungo sa rooftop na tangging lugar na maari naming puntahan sa oras ng trabaho. Dito nagpahangin muna ako at pinilit ang sarili na makaisip ng paraan para matapos ang mga problema ko. Kung normal na tao lang ang magkaroon ng ganitong klaseng problema tiyak lumundag na siya sa rooftop, pero hindi ako normal na tao. Wala man sa itsura at pagkatao ay maraming sikreto ang nalalaman ng utak ko. Mga pamamaraan para mahanap ang mga taong hindi mahanap ng batas. Marami akong paraan para matapos ang mahirap na trabahong ibinibigay sa 'kin. Pero ngayon tila lumilipad sa langit ang utak ko. Walang ibang pumapaligid kung 'di si Althea. Tumingala ako sa langit at nakita ang asul at puting ulap. "Satellite." Bulong ko. Dali-dali akong bumalik sa loob ng opisina at humarap sa computer ko. Isang ideya ang pumasok sa isip ko na maaring makapagbigay ng bagong impormasyon tungkol sa target ko at kay Althea. Konektado ang computer sa internet na konektado sa satellite na nasa orbit ng mundo. Mula rito susubukan kong kumuha ng satellite image na kung saan makikita ko ang taxi at plate number na sinakyan ni Althea papunta sa Cafe ni Trent. Hindi ganoon kadali na makuha iyon kaya naman doon ko itinuon ang atensyon ko. "Nga pala," untag ni Tres sa kalagitnaan ng trabaho ko. "Anong plano mo 'pag nakita mo na hinahanap mo?" Kahit ganoon pa kabilis ang utak ko sa pag-iisip ng mga binary codes upang makuha ang larawan at kahit na gaano man kabilis ang pag-type ko sa keyboard ay kayang-kaya ko pa rin siyang sagutin sa tanong niya. "Kakausapin ko ang driver, kailangan kong malaman kung sino ang nag-hire sa kanya." "Hindi kaya, alam na ni Trent na siya ang target mo? Kaya," Sinadyang tumigil ni Tres para tignan ko siya. "ginagamit niya ang asawa mo para mahuli ka niya?" Malakas ang kutob ko na ganoon nga ang senaryong nangyayari. Sa tingin ko si Trent Avalos ang may pakana sa pagpapapunta kay Althea sa Cafe. Pero hindi ako pwedeng manghula na lang, kailangan ko ng kongretong ebidensya na magpapatunay sa mga hinala ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD