"You're all settled Miss Ynna. Makakapag umpisa ka next week. Congratulations!" Nagpalakpakan ang lahat ng tao sa faculty room matapos kong maisumite lahat ng requirements para maging official na akong pre school teacher. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagpasalamat sa kanila lalo na kay Teacher Paula na kahit pagod na sa party na katatapos lang ay sinigurado niyang makikita niya na maging official ang pagta trabaho ko sa paaralang matagal niyang pinagsilbihan. "Now I can finally say that I retire. Alam kong nasa mabuting mga kamay ang mga estudyante ko," she said. Minsan ay nahihiya na ako sa mga co teachers ko dahil baguhan lang ako pero napaka laki ng tiwala sa akin ni Teacher Paula mabuti na lang at naiintindihan at nirerespeto nila iyon at wala akong naging problem

