Siksikan sa tapat ng school board. Lahat kami kabado dahil ngayon na namin malalaman kung nakapasa ba kami sa licensure examination. Kailangan akong makapasa. Simula pa lang ay napakarami ko ng pinagdaanan para makapasok sa kolehiyo. Kinailangan ko pang balikan ang ilang subjects ko noon sa high school para ma credit at makapasok ako sa university. Wala na sana akong balak mag aral pa. Nakapasok na ako noon bilang secretary ng nag iisang pre school teacher sa isla pero kinumbinsi niya akong mag aral. She said she is getting old and will retire soon. Malaki ang tiwala niya sa akin and she told me she believes I can be a better teacher, better than her. Hindi ako naniniwala noon dahil sadyang napaka galing niyang nagturo at may mahaba pang pasensya sa mga maliit at makukulit na batang est

