Chapter 33

1235 Words
Hindi pwede ang ganito, kailangan ko na siyang mahanap. Ikamamatay ko kapag may nangyaring masama sa kanya. "Pwede ba akong humiram ng laptop mo?" Tila nagtaka si Doctor Jung pero mukhang agad naman niyang naisip na hindi basta-basta ang mga kasama niya ngayon. "Bilang doktor, hindi talaga ako papayag na magtrabaho ka nang hindi pa lubusang magaling yang kondisyon mo. Pero alam ko at naiintindihan ko ang bigat ng nasa puso mo." Matagal ko nang nakasama si Doktor Jung at isa siya sa mga taong nakaalam sa totoong nangyari at tanging nakakaalam kung ganoon kalaki ang pagmamahal ko kay Althea. "May mga gadgets dyan sa drawer, para talaga yan sa mga bisita ko. Use them anyway you want. Sana makatulong 'yan para mahanap n'yo si Althea." Sa paglabas niya, wala na akong ibang inisip kung paano ako makakagawa ng bagong gamit para ma-trace ko ang sasakyan ni Trent. Mabuti nalang at marami-rami ang gadgets na mayroon si Dok, may mga bago pero higit sa lahat may mga luma na akmang-akma sa kailangan kong gawin. Madalas man sumakit ang dibdib ko dahil sa Sayert, hindi ko maaring isipin ang sarili ko dahil ang pinaka importanteng tao para sa 'kin ay nasa delikadong sitwasyon. Gustohin ko mang harapin at kausapin si Cason pero hindi ako pinapayagang makalabas ng doktor sa kwarto. Baka raw mag-away lang kami at makasama pa sa kalagayan ko. Buong araw kong ginawa ang improvised satellite tracker, maya't mayang darating si dok para salinan ako ng dugo na galing niya sa ospital. Hindi na rin kasi pumayag si Cason na salinan ako ng dugo. Naiintindihan ko siya, alam kong galit na galit siya sa 'kin. Kung ako rin naman ang nasa posisyon niya ganoon din ang mararamdaman ko. Kaya hindi ko na rin muna siya kinausap buong araw. Kinagabihan, masyado nang malalim ang gabi pero hindi ako makapagpahinga. May mga nasasagap na paunti-unting impormasyon ang gawa ko. Pero hindi sapat para maibigay ang eksaktong lokasyon ni Trent. Unti-unti na akong nakakaramdam ng antok at pagod. Matapos ang operasyon ko ay hindi pa talaga ang nakakapag pahinga ng maayos. Hindi pwede dahil gusto kong makabawi kay Cason kahit pa paano. Bahagya kong inilayo ang lamesa na nakasakto sa kama ko. Ito 'yung mga ginagamit ng mga pasyente para kumain. Dito ko nilagay ang tracker para ma-monitor ko ito ng maayos. Nang sa kalagitaan ng paghiga ko sa kama ay may kumatok sa pintuan. Hindi na ako nag-abala pang sumagot dahil alam ko naman kung sino iyon. Imposibleng si doktor Jung iyon dahil kanina pa siya pabalik-balik sa kwarto at hindi naman siya kumakatok. Pagbukas ng pinto si Cason ang naroon. Kami lang naman tatlo ang nasa bahay. "Nakagawa na ako nang satellite tracker," Umpisa ko habang tinitignan siyang papasok sa loob. "Alam ko, nasasagap yun ng tracker ko." Aniya na inituro ang nasa labas ng pintuan. Mukhang buong araw din siyang nagtrabaho sa labas ng kwarto. Lumapit siya sa 'kin at inilagay ang naka-stapled na papel sa lamesa. Agad ko iyong kinuha at binasa. "Kilala bilang womanizer si Trent. Kapag nagustuhan niya ang isang babae, hindi siya pumapayag na makuha ang lahat sa kanya." Mga larawan ng mga babae ang nasa papel kasama rin ang mga impormasyon tungkol sa kanila. Nakakpanlumo na mabasa na ang ilan sa kanila ay nasa mental ospital at ang iba ay nawawala. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Totoo namang kasalanan ko, masyado akong naging maluwag sa kaligtasan ni Althea. I thought she is safe. Ako lang naman ang gusto ng mga demonyong hinabahol at tina-track ko. Hindi ko naisip na pati si Althea idadamay nila. "May nakausap ako sa telepono, isa sa mga naging babae ni Trent." Ani Cason. "Galing sa mental?" Tumango siya bilang sagot. "Marami raw bahay si Trent, mga hideout na pwedeng niyang pagdalahan kay Althea. May listahan na ako ng mga lugar na 'yun." Tumigil si Cason sa pagsasalita kahit alam kong may gusto pa siyang sabihin. "Bukas na bukas, uumpisahan kong puntahan ang mga 'yan." Wika ko. "Ako nalang. Hindi ka pwedeng umalis, mahina ka pa at sariwa pa 'yang Sayert mo. Hindi natin pwedeng hayaan si Althea na mag-isa kasama ang Trent na 'yon." Sandali siyang tumigil at tumingin sa 'kin. "Sabi ng babae, kailangan nating magmadali bago raw mahuli ang lahat." Maisip ko palang ang mga maaaring mangyari hindi ko kinakaya paano pa kaya kung mahuli kami. Uminit ang ulo dahil sa gali sa sarili, maraming beses kong sinuntok ang kama at kahit pa sumasakit ang Sayert ko dahil sa pagkabigla ay hindi ko iyon iniinda. "Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko lahat!" Hindi ko na kinayang pigilan ang nangangalit na luha sa mata ko. "Hindi ko siya naprotektahan. Ang tanga-tanga ko! Inilagay ko siya sa sitwasyong ito." "Patawarin mo ako Cason, inilayo ko siya sa 'yo. Nagsinungaling ako tungkol sa inyo. Ang gusto ko lang naman mahalin niya ako katulad ng pagmamahal niya sa'yo. Hindi ko, hindi ko sinadyang magiging ganito." Sobrang desperado na ako sa mga nangyayari. Gusto ko nang makita si Althea, gusto ko na siyang mayakap. "Hindi dapat 'yan ang iniisip mo. Dapat magpagaling ka, para kapag nabawi na natin siya kay Trent. Magiging masaya ang asawa mo." Hindi ko naisip na sasabihin ni Cason ang mga salitang iyon. Alam kong mahal niya si Althea at alam kong nasasaktan din siya sa mga nangyayari at sa mga nangyari na. "Cason, makinig ka sa 'kin," nilakasan ko ang loob ko at hinanap lahat ng tamang salita para maging malinaw kay Cason ang lahat ng katotohanan. "hindi kami kasal, pinilit ko itago ang lahat pero pilit ka pa ring bumabalik sa mga panaginip niya." Pakiramdam ko, matapos ang lahat nang nasabi ko, nawala ang tinik sa dibdib ko. Gumaan ang pakiramdam ko at kahit pa paano nabawas ang konsensya ko. Hindi ko na nakita kung anong naging tugon ni Cason sa mga sinabi ko, bigla nalang kasing tumunog ang tracker ko at ang tracker sa labas ng kwarto. Pareho kaming naaligaga ni Cason at agad na inasikaso ang mga tracker. Isang incoming message ang dumating nang sabay sa mga tracker namin ni Cason. Pagbukas ko ay bidyo ito nang natutulog na si Althea. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong okay na okay siya at hindi nasasaktan. Nakikita kong komportbale siya sa kinalalgyan niya ngayon, pero kinutuban ako. Base sa mga impormasyong nakuha ni Cason, womanizer si Trent. Hindi ko maatim na isipin ang namumuong pangyayari sa isip ko. "Nakikita n'yo ba?" Nanginig ang laman ko sa galit nang humarap sa bidyo ang mukha ni Trent. Malawak ang ngiti niya na nakakapanggigil sa galit. "Ligtas siya dito, hindi niyo na dapat siya inaalala. Wala ang silbi ang paghahanap niyo ng impormasyon tungkol sa 'kin. Akala niyo ba hindi ko malalaman?" Inayos ni Trent ang camera at nilawakan ang sakop nito. Sa screen makikita na puting bathrobe ang suot niya at sa background niya ang kama kung saan natutulog si Althea. "Alam kong ini-imbestigahan niyo ako. Sige lang, wala naman problema. Alam ko naman na gagawin at gagawin niyo 'yan." Ang mga sumunod na nakita ko ang lalong nangalit sa 'kin. "Hihintayin ko kayo dito, alam ko naman na hindi magtatagal mahahanap niyo rin ako. But for the mean time," Umakyat si Trent sa kama at tumabi kay Althea. "E-enjoy-in ko munaang bisita ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD