Chapter 32

1060 Words
SAYER’S POV   Si Althea! Nagising ako sa sakit na tumuturok sa dibdib ko. Halos hindi ako makahinga at sa bawat paghinga pa'y ramdam ko ang pagbulwak ng dugo sa sugat dulot ng bala. Alam ko ang nangyari, sariwa pa sa isip ko nang marinig ko si Althea na sumisigaw bago tumama ang bala sa dibdib ko. Dama ko pa ang bugbog na sanhi ng pagtama ng braso ko sa sahig nang nawala bigla ang lakas ko. "Sayer, naririnig mo ba ako?" Untag ni doctor Jung sa 'kin. Kitang-kita ko ang hawak niyang maliit na aparato na duguan pa. Hindi ko makuhang makasagot dahil tuyot na tuyot ang lalamunan ko kaya tumango nalang ako. "Huwag kang mag-aalala, natanggal ko na ang bala. Isasara ko na 'tong sugatt." Hindi na ganoon kasakit ang Sayert marahil sa wala ng balang nakabaon sa katawan ko. Liban sa malabong imahe ni Althea ay isa pang mukha ang muling bumalik sa isipan ko, si Cason. Ang buong akala ko patay na ang isang ito. Bakit nga ba hindi ko naisip na imortal pala 'tong hacker na ito noon at bakit hindi ko naisip na hanapin ang katawan niya matapos ang pagsabog? Masyado yata akong naging masaya sa piling ni Althea. Lumingon ako sa bandang gilid ko at nandoon si Cason, nakatalikod at may kinukuhang aparato na kanyang iaabot naman sa doktor. "Ito ba yung scissors na sinasabi mo? Hindi 'to mukhang gunting." Reklamo ni Cason. "Natural pang operasyon yan kaya ganyan itsura nyan. Halika, i-cut mo dito." "Ako? Ayoko nga! Nasaan ba kasi si Nari?" Kahit pa nagrereklamo ay lumapit pa rin si Cason sa 'kin pero para lang ibigay ang gunting. "Hindi na pumasok noong isang linggo pa. O ayan, Sayer okay ka lang? Tapos na ang operasyon mo. Mabuti nalang hindi ka napuruhan at walang tinamaan na malaking ugat." Tuyot man ang labi ko't lalamunan ay pinilit kong makapagsalita. "T-Althea." Pangalan lang niya ang nasabi ko. Alam kong nakuha siya ni Trent at walang magandang gagawin ang lalaking iyon sa asawa ko. "Huwag ka munang mag-isip ng sobra, ang kailangan mo ay pahinga." Paalala ni Doktor Jung habang itinutulak ang inihigaan ko papasok sa isa pang kwarto. Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko kahit nga ang paningin ko ay parang umiikot nang walang tigil. "Sayer, magpahinga ka na muna rito, ihahanda ko lang gagamitin natin para sa blood transfusion. Cason, maghanda ka na rin, mag-relax ka lang din." Pinilit ko makita si Cason kahit pa nakaupo ito malayo sa 'kin. Dumating si Doktor Jung at inuna siyang tinurukan ng karayom at hindi nagtagal ay sa 'kin naman. "Relax lang ka Sayer, uumpisahan ko na pagsalin ng dugo. Maraming dugo ang nawala sa 'yo, mabuti nalang at ka-blood type mo si Cason at pumayag siyang salinan ka ng dugo niya." Hindi ako makapaniwala na pumayag si Cason na dugtungan ang buhay ko. Matapos ang lahat ng ginawa ko, matapos ang lahat ng pagsisinungaling ko at higit sa lahat, matapos kong ilayo sa kanya si Althea. "Iiwan ko muna kayo para makapaglinis ako sa kabilang kwarto, babalik-balik ako to check the transfusion." Sa pag-alis ni Doktor Jung, naging tahimik ang kwarto, naririnig ko lang ang makina na kung saan naka-konekta ang mga karayom sa ugat namin ni Cason. Unti-unti ko ng nararamdaman ang pagkawala ng sakit ng Sayert ko at pagbabalik ng lakas ko. Tumingin ako kay Cason na tahimik lang nakaupo. I cleared my throat para magpapansin, hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimula. "Ang awkward ng ginagawa mo Sayer, nakakakilabot." Mabuti nalang at nagsalita si Cason kaya kahit pa paano ay hindi na ako nahirapan pang kausapin siya. "Siraulo. Gusto ko lang magpasalamat." "Oo na niligtas kita, okay na un, ginagawa ko lang 'to dahil kay Althea." Halos pabulong nalang niyang tinapos ang pagsasalita pero dahil tahimik ang kwarto ay narinig ko pa rin. "Alam ko kaya dapat mailigtas natin siya agad." Hindi na siya sumagot. Nararamdaman kong iniiwasan niyang mapag-usapan si Althea. Pero alam ko ito na ang tamang panahon para masabi ko sa kanya ang lahat. Tama na lahat ng pasisinungaling. "Ang akala ko talaga patay ka na, hindi ko nagawang balikan ka noon dahil sa pagsabog." Sinubukan ko umpisahan ang usapan simula sa umpisa. "Kasama mo si Althea at iniligtas mo siya. Okay na 'yun sa 'kin." Seryoso siya pero alam kong may galit pa rin siya sa 'kin dahil sa tono ng boses niya. "Iniligtas ko nga siya pero, naging makasarili ako." Inangat ko ang sarili ko mula sa pagkakahiga para makita at makausap ko siya ng maayos. Sandali siyang tumingin sa 'kin pero humarap din siya sa kabilang banda na kung saan hindi niya ako makikita. "Mahal na mahal mo si Althea," lakas loob kong sabi sa kanya. Sa pagkakataong iyon, humarap na siya sa 'kin at hinintay ang sasabihin ko. "pero mahal na mahal ko rin siya. At gusto ko sa 'kin lang siya." Umiling-iling siya't kasabay pa ang ngiting alam kong inis na inis na sa 'kin. "At alam kong mali ako, hindi sa pagmamahal sa kanya. Pero dahil sa paglayo ko sa kanya sa taong mahal niya." Nakikita kong dahan-dahan nang nangunguyom ang mga kamay niya, kung hindi lang dahil sa pagsalin ng dugo kanina pa niya ako sinuntok. "Tumahimik ka na Sayer." Pigil ang galit ni Cason sa 'kin dahil alam kong iniisip niya ang kalagayan ko. Pero hindi ko na kayang dalhin pa 'tong kasinungalingang ito. "Hindi totoo ang kasal namin. Nagsinungaling ako sa kanya, sinamantala ko ang pagkawala ng alaala niya para mahalin niya ako." "SABING TAMA NA!" Umuusok sa galit si Cason na bigla pang napatayo dahil sa nangyari, mabuti nalang at sakto namang dumating si Doktor Jung. "Alisin mo na 'to, baka lalo ko lang siyang mapatay 'pag nagtagal ako rito." Galit niyang utos sa doktor. "Hayyy! Hindi ko talaga dapat kayo iniwan, sabi ko na nga ba't mag-aaway kayo e." Reklamo ng doktor habang inaalis ang karayom na nakatusok sa kamay ni Cason. "Kulang pa itong dugong naisalin sa 'yo Sayer." Aniya pa. "Kaya ko na 'to. Ang importante mahanap ko si Althea." Hindi na nagsalita ang kausap ko dahil inaasikako niya ang mga karayom na nakatusok sa katawan ko. Bigla kong naisip si Althea, paano kung pinapahirapan ulit siya katulad nang sa extraction? Paano kung ang pangalan ko ang isinisigaw niya para humingi ng tulong?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD