Chapter 40

2314 Words
Kailangan kong makapunta sa isla namg hindi ako nakikita. Siguradong maraming nakabantay na tauhan si Trent.   Kung tama nga ako ng hinala, susubukan ni Trent ang extraction ng Imprint.   Sana hindi pa ako huli.   Nilibot ko ang tingin sa malawak na dagat. Sa hindi kalayuan ay may nakita akong resort. Marami pang nakakasiyahan na mga turista sa kanilang bonfire party.   Hinarurot ko ang sasakyan papunta doon. Mabuti nalang at hindi iyon ganoon kalayo.   Pagdating ko ay sarado na ang gate. At sa tingin ko ay pribadong resort ito at kahit mag check in ako ay hindi ako papasukin.   Nag park ako sa parteng may kadiliman. Binuksan ko ang SpySoftware upang alamin ang tungkol sa resort.   Tama nga ang hinala ko na private resort ito at kasalukuyan, may magbabarkadang naka check in dito.   Sunod kong hinahanap ang mga tours na offer nila. Mabuti na lamang at meron sila ng hanap ko-- scuba diving trip.   Kailangan kong makalangoy papuntang isla na hindi ako made-detect ng mga tauhang nagbabantay roon.   Kakailanganin ko ng scuba diving equipment na siguradung meron sila. Isa nalang ang problema ko. At iyon ay ang makapasok sa mismong resort.   Maingat akong lumabas sa kotse ko at pinilit makalapit sa gate nang hindi nakakagawa ng ingay.   Mabuti na lamang at abala ang mga nagbabantay sa pagtingin sa mga guest nilang nagsasayawan.   Inakyat ko ang pader na hindi naman ganoon kataasan. Sa kabilang banda ng pader ay may mga maliliit na bato na tiyak akong gagawa ng ingay kapag naapakan ko. Inakto ko sa  malakas na music ang pagbaba ko.   Sandali akong umupo at yumuko dahil tila ba narinig pa rin ng mga nagbabantay ang pagbaba ko.   Hinanda ko ang sarili ko sa posibleng pagkahuli pero mabuti nalang at inaya sila ng mga guest na sumama sa kasiyahan.   Pabor iyon sa akin dahil malaya akong makakagala sa loob ng resort para hanapin ang driving equipment na kailangan ko. Una akong pumasok sa mismong receiving area nila. Wala akong nakita kaiba roon at wala rin doon ang hinahanap ko.   Lumipat ako sa sunod na facility. Sa palagay ko ito ang lugar kung saan nila ipinapakita ang mga offer nila dahil sa mesa ay nakalagay ang iba't ibang pamphlet.   Kumuha ako ng isa at binasa ko iyon. Wala rin dito  ang hinahanap ko dahil sa facility malapit sa dagat naroroon ang mga iyon.   Ang problema lang ay kailangan kong daanan ang mga nagkakasiyahang guest bago ko iyon marating.   Wala akong choice kundi ang magpanggap na kasama sa mga guest. Lasing na ang karamihan sa kanila at sigurado wala na siyang pakialam pa kung nandoon ako.   Sana lang ay hindi pagsuspetsahan ng mga nagtatrabaho roon.   Inayos ang suot ko para magmukha akong kabilang sa kanila.   Inalis ko ang suot kong cap at bahagyang binuksan ang polo na suot ko. Kumuha na rin ako ng board shorts na itinitinda roon saka ko iyon isinuot.   Lumabas ako mula sa facility at nagtungo sa dalampasigan. Matulin akong naglakad ngunit nang aktong nasa bon fire area na ako ay may babaeng kumalawit sa kamay ko.   Lasing na lasing ang babae na panay ang hagikgik habang nakatingin siya sa akin.   "Nanaginip ba ako o nakakita ako ng anghel" she smiled. "Who are you?"   Pinilit kong tanggalin ang kamay niya sa kamay ko pero mahigpit siyang nakakapit doon.   "Thief?" she asked raising a brow.   Hindi ako sumagot. Wala naman dapat akong ipaliwanag sa kanya.   Her eyes widened and mouth opened. "Magnanakaw ka!"   I had to cover her mouth. Hindi ako pwedeng mahuli ngayon. I don't have the time.   But that commotion caused us to be seen by her friends.   They recognized that I wasn't a part of the group.   "Ash? What happening?" tanong ng isang lalaking kasamahan niya.   Dala ata ng kalasingan ay bigla nalang humagikgik ang babae tinawag na Ash.   Tinanggal niya ang kamay kong nakatakip sa bibig niya. "I-It's okay. I'm fine." Hindi ko napansin na may dala pa palang isang bote ng alak ang babae. Inubos niya ang laman niyon bago muling nagsalita. "He's an old friend. He can crash to the party, right?"   Tinignan ako ng lalaki mula ulo hanggang paa. Halatang hindi kumbinsido sa narinig niya.   "Come on, Jake! I know him! Baka naman pati siya pagseselosan mo?"   Nag iba ang ekspresyon sa mukha ng lalaki.   Napailing ako. Wala akong oras para sa problema ng dalawang 'to.   Bahagya kong itinulak palayo sa akin ang babae at humarap ako para kausapin ang lalaki.   "Wala akong balak manggulo. Aalis na ako."   Humakbang ako palayo sa dalawa. Nakahinga ako nang maluwag nang kahit pa paano ay nakalayo na ako sa kanila.   That Ash actually saved my ass there.   Hindi niya ako kakilala pero pinagtakpan niya ako. Buti nalang pala lasing siya.   "Hey!"   Narinig kong sumigaw ang babae. Alam kong ako ang tinatawag niya. Nagpanggap akong hindi ko siya narinig at nagpatuloy sa paglalakad.   "Hey!!" muli niyang sigaw. "Thief!"   Hindi na sana ako titigil pero dahil tinawag niya akong magnanakaw ay nagdesisyon akong tumigil at humarap sa kanya.   She was running. Hindi ko inaasahan iyon dahilan upang mabunggo siya sa akin at pareho kaming mahulog sa buhangin.   Imbes na magreklamo ay muling humagikgik ang babae.   "Ano bang kailangan mo?" tanong ko habang inaalalayan siya sa pagtayo.   "You owe me your life. I saved you."   Lasing pero gumagana pa rin pala ang isip niya.   "Miss, wala akong oras para rito. I have important things to do. Kung pasasalamat ang hanap mo, thank you." She really saved me back there pero naiirita na ako.   "I don't need that. I need this."   Bigla na lang niya akong sinunggaban ng halik. Dala ng gulat ay hindi ako nakakibo.   She cup my face, pinning her lips against mine.   Alam kong wala sa tama ang isip niya dahil sa alak pero bigla na lang siyang lumuha.   Sa pagbawi niyang muli sa mga labi ay ngumiti siya sa akin. "There. You're paid." Saka siya umalis.   Sumunod ang ulo ko sa paglakad niya paalis nang may kunot sa noo. “Lakas ng trip.” May ngiwi sa mukha ko nang umalis ako sa lugar.   Hindi mahalaga sa akin ang ginawa niya. Kung iyon ang hingin niya bilang kapalit ng pagtatakpan na ginawa niya para sa akin ay walang problema. Mas mahalaga sa akin na makapunta sa isla. Mabilis akong nakapagtago sa dilim. Sa madilim na parte ng dalampasigan nakatayo ang isang maliit na booth kung saan nakalagay ang mga diving equipment.   Hindi na ako nagsayang ng oras at binuksan ko iyon kahit pa naka lock ang pinto. Hindi naman mahirap para sa akin ang buksan kahit na anong klaseng lock pa.   Kumuha ako ng complete set ng equipment saka ko iyon isunuot. Bago ako lumusong sa tubig ay nagpadala ako ng signal kay Sayer. May pag aalala pa rin ako dahil may kalayuan na ang lokasyon ko at baka hindi iyon masagap ng tracker niya lalo na’t hindi naman iyon ang orihinal na gamit niya.   Bahala na.   Ang mahalaga natunton ko na si Althea.         ****   Nakatingin ako sa salamin sa kwartong tinutuluyan ko. Ilang oras palang ang lumipas nang subukan akong pagsamantalahan ni Trent.   Hanggang ngayon ay hindi pa lubusang maintinihan ang nangyari. Pero sa palagay ko ay pinrotektahan ako ng Imprint.   Alam kong sa katawan ko nanggaling ang lakas na kumawala dahilan para tumilapon si Trent at matigil siya sa ginagawa sa akin.   Malaki ang pasasalamat ko sa Imprint sa pagkakataong ito. Kung hindi ako pintrotektahan ng Imprint ay baka nagtagumpay na si Trent na gusto niyang makuha.   Pinunasan ko ang mga luhang nasa mata ko. Nakakapagtaka ang sobrang katahimikan sa palagid. Hindi naman ganito rito kahapon.   Sinubukan kong pihitin ang door knob pero naka lock iyon. Hindi na ako nagtaka. Alam kong ikukulong ako ni Trent dito at alam kong galit din siya panigurado.   Dala ng labis na pagod ay nagdesisyon na lamang akong humiga sa kama. Wala naman din akong magagawa sa ngayon.   Paano ko ba matatalo si Trent gayong wala naman akong alam sa mga kaya niyang gawin.   Alam kong makapangyarihang tao si Trent. Hindi na ako magugulat kung sa kanya nga ang islang ito. Alam kong mayaman siya. Napakaraming body guards ang nagbabantay sa kanya. Iba pa ang mga tauhan niyang pumapalibot sa buong isla.   Wala sa isip ko ang tumakas. Gusto ko rin naman malaman kung ano nga bang meron sa Imprint at bakit interesado si Trent dito.   Naalala ko, may isa pang taong nagka interes na rito. Hindi ko maalala ang pangalan niya pero natatandaan ko ang itsura ng matandang lalaki na nasa parehong lugar kung saan nangyari ang extraction.   Kaunting alaala lang ang bumalik sa akin pero nanginginig ang katawan ko nang sumaglit ang sakit mula sa extraction na iyon. Bakang binibiyak ang buong katawan ko.   Napapikit ako bigla nang sa sakit na gumapang sa ulo ko.   Hindi nagtagal ay may imaheng bumalik sa isip ko.   Si Cason na nakikipagbuno sa isang malaking lalaki.   Si Sayer na siyang tumulong sa akin para makatayo sa surgery table kung saan ako nakahiga.   Halos bumaon ang mga kuko sa ulo ko nang magtuloy tuloy ang alaala.   Naroon din si Nurse Nari at Doctor Jung, kasama ang iba pang medical personnel na hindi ko kakilala.   Napatayo ako sa kama. Hindi ko kayang makapagpahinga. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko na para bang lalabas na sa dibdib ko.   Halos mabingi ako nang makarinig ako ng pagsabog.   Pero hindi sa kasalukuyan ang narinig kong pagsabog.   Narinig ko iyon mula sa mga alaala ko.   Hindi nagtagal ay mukha ni Sayer ang nakita ko. Yakap yakap niya ako.   Kusang tumulo ang mga luha ko nang muli kong makita ang mukha ni Sayer. Bawat sulok ng mukha niya na hinding hindi ko makakalimutan.   Galit at pagkalito ang naramdaman ko nang malaman ko ang pagsisinungaling niya sa akin.   Pero nang makita ko siyang mabaril ay bumuhos sa akin ang pagsisisi.   Binalaan na niya ako pero hindi ako nakinig. Hindi ako naniwala.   Kasalanan ko kung bakit siya napahamak.   Kung maibabalik ko lang ang oras ay makikinig ako sa kanya.   Paulit ulit kong sasabihin kung gaano ako nagpapasalamat na inalagaan niya ko dahil ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit niya piniling itago ang katotohanan sa akin. Gusto niya lang akong protektahan.   Sa mga naaalala ko ay masasabi kong nasa bingit ako ng kamatayan nang iligtas ako ni Sayer.   Nandoon din si Cason. Pangalan niya binanggit ko bago ako nawalan ng malay pero may sakit na tumatarak sa puso na hindi ko alam ang dahilan.   I tried to rest my eyes pero bago pa man akong tuluyang makatulog ay bumukas ang pinto sabay sa pagpasok ng dalawang lalaking naka lab coats.   Walang mga salita ay hinila nila ako patayo sa kama saka isinakay sa wheelchair na dala rin nila.   "Saan n'yo ako daldalhin? Sino kayo?" Pinilit kong makatayo sa wheelchair pero itinali nila ang mga kamay ko roon.   Balot ang mga mukha nila ng gear na para bang isa akong virus na iniiwasan nilang mahawaan.   Sa pagtulak nila sa akin patungo sa isang mahabang pasilyo na ngayon ko lang nakita ay pumasok kami sa dulong pinto.   Elevator iyon na hindi ko alam kung saan papunta. Walang second floor ang bahay kaya nakakapagtakang may elevator dito.   Nang pintudin ng isa sa kanila ang nag iisang button doon ay naramdaman ko ang pagbaba ng elevator.   'Underground?'   Kahit anong gawin ko ay hindi ako makawala sa pagkakatali nila sa akin. At alam kong kahit na makawala man ako rito ay wala akong mapupuntahan.   Sa pagtingil ng elevator at pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin ang naka ngising mukha ni Trent.   "Welcome, Althea."   Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.   "Pakawalan mo ako rito, Trent."   Dumako ang mata niya sa akin. Sa tingin pa lang niya ay alam ko nang hindi maganda ang mga gagawin niya sa akin.   Sinenyasan niya ang dalawang lalaki sa likod ko na agad namang inalis ang pagkakatali ng mga kamay ko.   "Huwag kang magkakamali ng galaw, Althea. Wala kang kawala sa lugar na `to."   Alam ko na iyon. Pinapalibutan ng mga tauhan niya ang lugar at sa nakikita ko ay tangging ang elevator lang ang daan papasok at palabas sa lugar na iyon.   Nilibot ko ang mata ko sa pabilog na silid. Puno ng mga equipment na kahit hindi ko alam ay nakikita kong gagamitin para sa extraction.   "Dahil sa ginawa mo ay nagdesisyon akong ngayon na gawin ang extraction. You made me mad, Althea. I didn't get what I wanted."   Ngumiti siya sa akin at wala akong balak paniwalaan ang ngiti niyang iyon.   "Get her ready."   Nang umpisahang itulak ng lalaki ang wheelchair ay tumayo ako sumugod kay Trent.   "Nangako kang hindi ako masasaktan sa extraction!"   Hindi ko alak kung saan tumatama ang mga kamay ko naka kamao na agad niyang pinigilan. Mariin niyang hinawakan ang dalawang kamay ko.   "Just like what I said, I didn't get what I want from you. You leave me no choice. I will hurt you. It will be hell."     Sa pagkakataong iyon ay lumapit na ang dalawang lalaki ang muli akong binalik sa wheelchair.   Dinala nila ako sa gitna ng lugar kung saan nakapalibot ng salamin. Sa loob ay mayroong isang kama at sa tabi niyon ay may mga makina at computer.   Pinilit nila akong sumampa sa kama at kahit anong pigil ko ay wala na akong nagawa. Pagkabuhat nila sa akin sa kama ay siya ring pagtali nila sa mga kamay at paa ko.   Pumasok ang dalawa pang tao. Isang lalaki at isang babae. Inumpisahan nila akong kuhanan ng vitals nang bigla ko na lamang narinig ang boses ni Trent na nagmula sa speaker.   "Ano pang ginagawa ninyo? Umpishan n'yo na ang extraction!"   Sandaling natigil ang dalawa.   "Kailangan natin ang vitals niya, Dok," bulong ng babae.   Nagtitigan ang dalawa na para bang may pag aalinlangan.   "Umpisahan n'yo na!"   Nataranta ang dalawa nang muling sumigaw si Trent. Tinigil nila ang pagkuha sa vitals ko at inumpisahan ang kanilang pakay-- ang extraction.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD