Chapter 39

1370 Words
Hindi ako mapakali sa kama kaya tumayo ako at naglakad lakas kahit pa masakit pa ang sugat ko.   Demonyong Trent na yan!   Anong ginawa niya kay Althea?   Natigilan ako sa naiisip ko maaari niyang gawin o ginagawa na.   "Mababaliw na ata ako!"   Halos sumigaw na ako sa sobrang galit hindi lang kay Trent kundi maging sa sarili ko.   Alam kong ako ang target ni Trent noong una palang dahil may mga nai-email na akong babala sa mga naka linyang mga kliyente na tinatakot at niloloko niya para makuhanan ng malalaking halaga ng pera at ari-arian.   Pero malaki ang pagtataka ko bakit kinuha niya si Althea?   Kung ang dahilan niya para lang gantihan ako ay dapat maging si Althea ay sinaktan na niya i binaril katulad ko.   Maaari ring kursunada niya ang misis ko.   Pero sa pagkakakilala ko kat Trent Avalos, hindi siya mag aaksaya ng panahon kung wala siyang makukuha pera.   Hindi kaya, alam ni Trent ang tungkol sa Imprint?   Dali-dali akong bumalik sa kama at humarap sa laptop na pinahiram ni Doc Jung.   Pumunta ako sa website ko. Walang basta basta nakakapasok sa website ko. Ako lang ang may alam ng website at maging ang tamang code para makapasok sa database.   Gamit ang website ay hinahanap ko si Trent Avalos. Bawat detalye makikita ko, mula sa maliliit na kaganapan sa buhay niya lalo na sa mga malalaki.   Tama si Cason. Womanizer nga si Trent. May mga lumabas na balita noon na may iilang babae ang sumubok na ireklamo siya dahil sa pang aabuso ngunit agad ring namatay ang reklamo. Paniguradong binantaan sila sa utos ni Trent o di kaya naman ay binayaran para tumahimik.   Napakalaki ng net worth ng lalaking ito. Hindi basta basta pero tila walang hanggang pera ang gusto niya.   Sa pag-click ko sa isang tab na kung saan nakalista ang mga taong konektado sa kanya. Lumitaw ang mga big time na negosyateng kinikikilan niya ng pera. Aktibo pa ang mga profile nila, ibig sabihin hanggang ngayon ay nagbibigay pa ang mga ito ng pera sa kanya.   Wala akong makita kapakipakinabang sa tab na 'to. Lumipat ako ng tab na kung saan maraming mga pictures ang lumitaw. Binata palang si Trent ay nakabantay na siya sa likod ng kanyang ama. Hindi na ako magtataka kung bakit siya ganito katuso. Manang mana lang siya sa tatay niya. Pati mga kalokohan ay minana niya.   Napakunot ako ng kilay nang may mamataan akong isang larawan.   Sa pag-zoom in ko nito ay may nakita akong pamilyar na mukha.   Si Director Bang.   Malayo sila sa isa't isa sa picture pero the fact na nasa isang event lang sila, hindi imposibleng hindi sila magkakilala.   Hinanap at inaral ko lahat ng iba pang negosyanteng kasama nila sa picture.   Isa lang ang bagsak ko. Lahat sila may atraso sa gobyerno. Lahat sila naka warning at nakamanman na maging sa kumpanya namin.   Isinandal ko ang ulo ko sa headboard ng kama. Iniisip kung paano ko ba mapapatunayan na may ugnayan nga si Trent at Director Bang. Imposible ng makahanap ako ng bagong impormasyon kay Director Bang dahil namatay siya kasabay ng pagsabog noon.   Kinuha ko ang cellphone na nagawan ko na ng paraan na magkaroon ng unlimited data connection sa lahat ng telco.   Hindi ko man alam ang number ni Cason ay mabilis ko lang iyong nahanap gamit ang satellite na gawa niya na konektado na rin sa cellphone niya.   "Hindi ko pa siya nahahanap." Bungad niya sa akin nang sagutin ang tawag.   "Wala pa man akong sinasabi, alam mo na agad na ako 'to?"   "Sayer, ikaw lang ang nakakagawang makakonekta sa mga gamit ko kahit anong block ang gamitin ko."   Napangiti ako. Tama naman siya. Nakakalaki ng ulo na marinig iyon mula sa isa sa mga pinaka magagaling na hacker sa mundo.   "Tumawag ako kasi may kailangan akong itanong sa 'yo. Alam ni Trent ang tungkol sa Imprint?"   Hindi man siya agad sumagot pero narinig kong mabigat siyang huminga.   "Liban sa gusto ka niyang patayin, iyan ang isa pang suspetsya ko." usto kong magmura! Naloko na! Delikado si Althea kung ganoon nga ang sitwasyon.   "Mahahanap ko siya. Bantayan mo ang tracker mo. Magpapasa ako ng signal kapag natunton ko na siya. Kakailanganin ko ang tulong mo kapag nandoon na ako."   Binaba ni Cason ang tawag at hindi na ako pinagsalita pa.   Pesteng sugat na kasi na 'to! Gusto kong ako ang maghanap kay Althea. Gusto kong ako ang una niyang makita.   Huminga ako nang malalim. Pero tama si Cason. Kailangan niya ng back up. Tulad dati. Siya ang naka-front at ako ang nasa background.   Muli kong tinrabaho ang tracker. Kailangan pa nito ng pagpapatibay para  lumawak ang sakop. Kakailanganin ko iyon para agad masagap ang signal na ipapadala ni Cason.   Sa kalagitnaan ng pag encode ko ng binary ay may nag pop up sa screen.   Incoming connection.   Nagdalawang isip ako kung tatanggapin ko ba. Alam kong hindi si Cason ito. Iba rin ang code sa ginamit ni Trent.   Maaaring dummy connection lang ito para makuha ang location ko. Baka utos ni Trent.   Pinindot ko ang cancel button. Mahirap na. Kailangan ko munang patibayin ang mock location ko bago ko iyon tanggapin.   Tatlumpung segundo lang ang lumipas ay muli na naman iyong nag pop up sa screen ko.   Maayos na ang mock location ko kaya kampante na akong papasukin ang contact.   Napalunok ako nang tanggapin ko ang incoming connection.   Isang segundo lang ang nag-pop up ang video screen mula sa kabilang linya.   Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong muling si Aling Theresa-- ang nanay ni Althea.   Ilang taon at buwan na ba ang nakakalipas nang huli ko siyang makausap? Hindi ko na matandaan.   Pero sa diin ng pagkakatingin niya sa akin ay isa lang ang alam ko. Galit siya sa mga ginawa ko.   Bilang isang agent ay alam kong imposibleng hindi niya alam ang mga ginawa ko kay Althea.   Ibubuka ko palang sana ang bibig ko para magpaliwanag ay nagsalita siya.   "Sayer, delikado ang lagay ng anak ko sa kamay ni Trent. Kailangan mo siyang mahanap sa lalong madaling panahon."   May kalabuan at panay ang stutter ng screen ng dati kong boss. Indikasyon na hindi stable ang connection niya at hindi malabong bigla nalang siya madi-disconnect sa system ko.   "Hinahanap na po namin siya. Tama ba ako sa naiisip kong interesado si Trent sa Imprint?"   Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon na makumpirma ang hinala ko.   Sandaling tumingin si Aling Theresa sa ginagawang pag-type sa computer niya saka siya tumango.   "Nakapasok ako sa utak niya gamit ang koneksyon namin sa Imprint. Sinubukan ko siyang pigilan. Pumayag siyang gawin ang extraction."   Nagkuyom ako sa dalawang kamay. Hindi 'to pwede. Halos mamatay si Althea sa unang extraction na ginawa sa kanya.   "Bakit siya pumayag?" bulong ko sa sarili.   Napailing nalang ako nang maalala kong hindi pala natatandaan ni Althea ang sakit ng extraction na ginawa sa kanya noon. Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit siya papayag sa extraction.   "Nangako si Trent na ibabalik niya lahat ng mga alaala niya. Nangako rin ito na hindi masasaktan si Althea sa proseso ng kanyang extraction."   Imposible.   "Labis nang nasaktan si Althea sa unang extraction. Paano mangyayaring hindi siya masasaktan ngayon?"   "May bagong developed system si Trent na ang team of experts niya mismo ang gumawa. Posible na iyon ngayon pero." Sandali siyang tumigil.   Hindi ako mapakali sa paghintay sa susunod niyang sasabihin.   "Pero?" Halos bumulwak ang galit na nararamdaman ko.   "Hindi siya makakaramdam ng sakit pero maaapektuhan ang batang nasa sinapupunan niya."   Bumagsak ang mga naninigas kong balikat. Para akong nabingi sa narinig ko.   Sa unang pagkakataon, nawalan ako maiisip. Nawalan ako ng sasabihin.   "Sayer, makinig ka. Hindi pa alam ni Althea na buntis siya. Nakita ko ang pagdadalang tao niya dahil sa Imprint. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko mapuprotektahan si Althea doon. Kailangan mong iligtas ang mag ina mo."   Bago pa man ako makapagsalita ay tuluyan n naputol ang koneksyon namin.   Natulala ako sa black screen ng laptop. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Naghahalo ang saya at lungkot.   Buntis si Althea. Buntis ang asawa ko pero kahit anong sayang meron ako ngayon ay natatabunan ng pag aalala.   Nasa delikadong lugar pa rin si Althea. Lugar na hindi ko man lang malaman kung saan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD