CHAPTER 1: First Encounter
Hi guys for today's kwentuhan natin! Ako nga pala si Anya Tay Rodrigo. 20 years old, 2nd year college student na this year ,ang kurso ko nga pala ay BSFT , Bachelor of Science of Food technology sa St.Paul .
Di nyu alam yan diba? anu yan nagluluto ba yan? sa hotel yan?
And SCHOLAR din po ako. Opo tama po, yes po , ISKALARRRR po ako.
Wag kayo magalala di ko din alam yan bat napunta ako sa ganitong kurso. Well anyways malalaman nyu paunti unti kung sino po talaga ako, makikilala nyu po ako sa takdang panahon,sino kuya ikaw ba yerrrn? tama na po yan pagod na po ako.
"ARAY KO!" nalaglag at nagkalat yung mga requirements ko nauntog na lang ako sa hindi ko alam kung poste ba to o tao. anu ba yan Anya!
"Ayy sorry miss" sabi ng lalaking nakabunggo sakin
Tinulungan nya ko magpulot ng mga papers na nagkalat.
*Pulot dito*dampot duon*dampot dito*
ng mga papel na hindi naman kailangan sa buhay ? Chaaarr lang.
Kukuhanin ko na sana yung papel na hawak ni KOYA, kaso di nya binitawan at tinitigan lang nya yung papel na may picture ko na enroll na ko . Yung pangit pagkakuha sakin na mukhang niluma na ng panahon. HAYOOFF.
"Ehem,Eheeeeemmm ?~~~" parang naging kabayo naman ako neto .
"Here." sabi ni kuya.
Inabot sakin yung papel na may mukha kong pangiiiitt ,then umalis na sya. Mukha syang dito din nagaaral and mukhang architech student.
Dumiretso na lang ulit ako sa registar.
"Anya! Dali dito! Dito!"
Nakita kong kumakaway at tinuturo sakin ng bestfriend ko yung upuan sa gilid nya na walang nakaupo.
Dali dali akong naglakad papunta sa kanya.
Ang name pala ng bestfriend ko guys, (oh divaaa parang nagvlog lang HAHAHAHHA.) is Gem.
"Thank you sis, kanina ka pa dito?"-sabi ko kay Gem habang nakatingin ako sa kanya, ang ganda talaga ng babaeng to. Siguro kung lalaki lang ako , jinowa ko na to.
"Not really, alam ko malalate ka na naman Anya Tay sa usapan natin na oras na 8:00 am , anu oras na 8:30 na. Kaya nagreserved ako ng upuan sayo dito."
"Hehehe galing JOY ! JOY AH!" nakapeace sign ako kay Gem , kasi alam nyang Best in Late ako eh.
Listen ebribadi! Si Gem pala ay naging friend ko when we are in 1st year College. Sya yung unang kumausap sakin nung first day ko dito. Wala akong kakilala kahit sino dito sa UST, I`m from Pasig dun ako nag-aral nung elementary and high school. Nung elementary and high school ako i considered myself that " i am nobody"
Very introvert and nabully din ako, Ako yung tipo ng tao na hindi magsasalita kasi sobrang mahiyain talaga ako. Tapos nakaglasses ako na pang nerd, makapal kilay ko. Maayus naman ako manamit .Nagmumukha lang akong mas lalong loner dahil sa glasses ko.
Nung elementary may nangbully sakin,
susulatan nila yung notebook ko ng kung anu-ano , minsan kukuha sila sakin ng intermediete pad paper sakin uubusin nila yun ipapamigay sa mga classmates ko.Minsan magtatago sila ng ballpen and mga gamit ko sa bag.
Kung hindi naman ganun , may times din kinukuha nila sakin yung lunch ko.
Di ako umiimik nun , pero pumapasok pa rin ako nun kasi ayaw ko mamoblema sakin sila mommy and daddy.
Hindi ako nagsusumbong sa parents ko from grade 3 to grade 6 ganun senaryo ko .
Nung high school naman dahil magkalapit lang din ang school namin nung elementary.
Mostly naging classmate ko din yung mga elementary schoolmates ko din pagdating ko ng high school.
Kaya hindi na bago sa kanila na "Si Anya ay isang loser and loner yan "
Minsan , mali madalas . Sige na nga ! lagi lagi akong magisa kumakain sa canteen.
Pag may groupings kami , walang kumukuha o walang may gusto sakin na maging kagrupo nila.
Pero nahandle ko yun kahit ako lang magisa and wala akong friend kahit isa.
Mali !! hindi pala ako naging magisa nun, nagkaroon ako ng kaibigan nung first year high school.
(BACK STORY )
First year High school
Pauwi na ko ng bahay namin ng maisipan kong dumaan sa playground dahil sobrang sama ng loob ko dahil yung akala kong friend ko na si Ara , hindi pala friend tingin nya sakin .
Niyayaya ko sya kumain tuwing breaktime tinanggihan nya ko lagi , malaman-laman ko ay dahil kasama pala nya yung tropang D.Evil may 12 silang miyembro si Ara yung pang 13 kala mo kulto amputek .
Simula na naging tropa nya ang mga D.Evil , lumayo na rin sya sakin . Kaya loner na naman ulit ako.
Dumadaan ako ng playground kasi yun yung tingin ko na safest place .Hapon lagi ako pumpunta dito tuwing mag6pm na dahil pagabi na , alam ko kasi wala nang naglalarong mga bata dito at wala nang mga tao, dito ako nagmumuni muni , dito ako umiiyak, dito ako nagpapalipas ng sama ng loob at galit.
Habang naglalakad patungo sa playground may nakita ako grupo ng mga lalaki apat ata sila, Oo apat talaga sila pero may isa na nakaupo sa duyan na lalaki na chubby chubby habang tinutulak nila ng malakas at nagtatawanan. Parang magkaka-age lang din kami
Mukhang pinagtutulungan nila yung chubby na lalaki. Sa sobrang sama ng loob ko at hindi ko namalayan mas stick may nakita ako mahabang patpat, sangay ata ng puno ito .Dinampot ko at sumigaw ako mula sa kinatatayuan ko.
"HOOOYY! ANUNG GINAGAWA NYU SA KANYA! -
sigaw ko ng malakas kasi umuusok na ata yung ilong sa sobrang galit.
Naglakad ako ng mabilis sa kanila, hinawi ko ng malakas yung kamay ng lalaki na isa na nasa likod ng chubby na lalaki.
"Anu sa tingin mo ginagawa mo, pangit!"
Mukhang nagulat yung lalaki sa ginawa ko amazona ata ako eh. Tinignan ko sya mula ulo mukhang paa ay este hanggang paa at mga uniform nila alam ko kung saan school mga nagaaral tong mga to. Kasi teacher dito yung tita ko, kapatid ni Mommy.
"S-sino ka b-ba HAA!"
sigaw ng isang lalaki na nakabukas yung butones ng uniporme nya. Nauutal pa nga. Baho naman ng hininga neto. Maka-HAA.
Ewan ko kung san ako kumuha ng lakas ng loob at superpower. Nagsalita ako sa kanila.
"Alam ko kung saang school kayo, dyan nagtratrabaho Mommy ko, teacher sya dyan (kahit tita ko heheheeww~). Kilala nyu si Maam Salvez, terror teacher diba yun. Sya mommy ko baka gusto nyu isumbong ko kayo sa mga katarantaduhan nyu. "
sabay kuha ng cellphone ko at kinuhan ko sila ng picture isa-isa, binulsa ko ulit. Parang ang ganda ko sa part na yan, sa scene na yan. Ang lakas makawattpad o diiiivaaaa ?.
Eh mukhang aagawin pa ng lalaki yung cellphone ko ,tinutok ko sa kanya yung stick na hawak ko.
"Sige subukan mong kuhanin to, marunong ako mag taekwando,(eme eme lang yung taekwando di talaga ako marunong) baka gusto mong maging punching bag ko at sipa sipain ko yang mga mukha nyu at itlog nyu."
(Medyo bastos tayo sa part na yan, parang mukhang hindi na ko anak ng teacher , mukha na kong anak ng gangster dahil sa pinagsasabi-sabi ko?).
Mukhang natakot naman sila kinuha na nila mga bag nila sa sahig at umalis.
Nakatulala ako at nangangatog ng very light habang nakatayo.
"Miss"
"Ay itlog, ay mali betlog! Ayyy anu bayan" Nagulat ako ng kalabitin ako ng chubby na lalaki. Syempre nashocked din ako sa ginawa ko eh.
"HAHAHAHAHAHA"
Humagalpak ng tawa si chubby na lalaki . Nagtataka ako bakit sya tumatawa ng malakas , mamatay na ata to eh. Nakatingin lang ako sa kanya habang hawak ko pa rin yung stick.
"Thank you miss pero bat ka nangangatog , yung stick na hawak mo oh?"-Tinuro nya yung stick na hawak ko
.
Tinignan ko naman. Nangangatog nga ako. Sabay bitaw ng stick na hawak ko.
"Okay ka lang ba?"Tanong ko.
"Thank you miss, okay lang na ako. Mataba kasi ako kaya binubully nila ako. " - malungkot na sinabi ni chubby na lalaki'
"Dapat lumalaban ka!"-sagot ko sa kanya(wow, comin from you Anya ha?)
Tinignan lang nya ako at yumuko ulit. Hinawakan ko sya sa balikat.
" Simula ngayon lumaban ka kasi nandito naman ako chubs, ako nga pala si Anya Tay."
"A-ako nga pala si..."
Biglang nagring yung phone ko.Nagmessage sakin si mommy. Hinahanap nya na ako.
"Sige chubs una na ko, see you next time." kumaway na lang ako sa kanya.
(End of Back Story)
Ewan ko ba siguro noong araw na yun, nagkaroon ako ng lakas loob dahil sa sobrang inis ko kay ara. Naisip ko na kahit man lang ibang tao maipagtanggol ko , kahit hindi ko magawang lumaban para sa sarili ko.
Pero gumaan pakiramdam ko nun. Kasi siguro okay na ako lang nakakaranas nang pambubully , wag nang madagdagan.pa ng ibang tao. Ayaw ko makaramdam sila ng pambubully.
Naging friend ko si chubs ng first year , kaya kahit wala akong friend sa school ko, paglabas ko ng school nandyan namn si chubs. Nung mag second year na kami .
Nagpaalam lang sya sakin na magbabakasyon lang sila sa province ng family nya ng one week , nagantay ako sa playground ng isang buong linggo ,a month pero wala na akong balita sa kanya pati sa family nya.
Chubs lang ang pinangalan ko sa kanya , di ko alam buo nyang name . Ayyy ewan ko ba bat hindi ko naitanong man lang tunay nyang pangalan. Kaya wala na kontak sa kanya.
Pero hindi ako galit sa kanya. Kung bumalik sya edi matutuwa ako. Kung hindi okay lang baka hindi nya ko tinuturing na friend. Pero ako hindi ako nagsisisi na naging friend ko sya baka may reason lang sya.
Kung makikilala nyo ko nuon di nyu siguro gugustuhin na maging kaibigan ako, baka gustuhin nyung makipagusap na lang sa langgam kesyo sakin. So in short masasabi ko na hindi ko gusto yung mga panahon nung elementary and high school days meron ako nuon.
Until one day me and my dad had a car accident. Dun ko narealized lahat-lahat . Dun ako nagsimulang magbago, nagtry na ko mag reach out sa ibang tao. Nagtry ako magstart ng convo, umalis ako sa comfort zone ko. Nagsimula din akong mag-alaga ng sarili ko. Kaya kayo Labas na!! chaaar
Si Gem alam nya lahat ng kwento ko naikwento ko na sa kanya lahat. I'm very thankful pagdating kay Gem. Kasi masasabi ko na i found the one .Kasi tinanggap nya ko kahit nalaman nya lahat ng kwento ng buhay pang MMK na baga pwede na isulat kay Maam Charo. And naadopt ko minsan yung ugali nya na go with the flow and sobrang madaldal sya kesyo sakin at mas matapang.
Parang kapatid na din turing ko kay Gem.
"Sis, anu kaya ba for today's bayad? "- tinapik ako ng Gem sa puwet. Mahilig talaga yan si gem manapik o manghawak kung saan saan. Nagbayad na kami ng Tuition Fee namin.
"First Day of the School Year being a 2nd year college"
Anya POV
*Playing Perfect-Ed sheeran*
"Anya? Right?"
Totoo ba to? Kinakausap ako ni Robin? Myghhhhaaaddd?
"Uhm-ah -eh -OU Anya nga name ko"
Lord pede mo na ko kuhanin. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at pinagpapawisan ko ng bongga.
"Can i have a dance with you" sabay abot nya sakin ng rosas at kinuha nya kamay ko. (Sheeettt, namamasa kamay ko,baka malaman nya na may water falls ako)
Ipinatong ni robin yung kanang kamay ko sa may anu nya!
(Omyghaad mga seshh ang tigas, ang shereep matulog dito,nagiisip ka nu? Kung san nilagay nya kamay ko? Ipinatong nya sa balikat ko yung kamay ko!!! Huh anu ba sinasabi ko? )
IPINATONG NYA ANG KAMAY NYA SA BALIKAT KO!!
Para naman akong tanga sa " Ipinatong nya balikat ko sa kamay ko" exorcis lang Giiiirl?
Hinawakan nya mga bewang ko, lord baka bigla akong mahinatay neto, help pooo. Nanlalambot ako
Nagsasayaw kaming dalawa, nakatingin lang sya sakin. Ang ganda ng gabing ito lord kung panaginip wag mo na po ako.gisingin, ay joke lang po gisingin mo pa rin ako lord marami pa po akong pangarap sa buhay.
" Bakit ganyan ka tumingin robin , konti na lang matutunaw na ko. "
"Kasi ang ganda mo ngayong gabi Anya" sagot sakin.ni robin at tumigil sya sa pagsasayaw.
"Huh? Naririnig mo nasa isip ko"- nagulat ako dahil nababasa kaya nya nasa isip ko.
"Awww."-kamot ko sa noo ko kasi pinitik nya ko ng konti sabay ngumiti sya sakin.
"HAHAHHAikaw talaga !Mongoloid ka"
Huminto sya sa pagtawa at tumigil kami sa pagsasayaw. Tinignan lang nya ko ng 5 years. I mean mga ilang minuto pero para sakin feeling ko ambagal ng oras .
Lumalapit ng lumalapit mukha nya sakin hanggang magsanggi nga ilong namin. At sinayaw nya ko .
Pumikit ako, kasi di ko kinakaya si Robin. Baka nakikita nyang sobrang namumula na ko at kinikilig talaga ko.
(Lord, first kiss po to pede na po akong maging ipis, bat ang bait mo po sakin)
*Tsup*Tsup*Tsup*
Nakapikit pa rin ako
Parang may mali bakit parang ambaho na medyo ng bibig ni robin, sobra naman ata humalik to si robin parang puro laway , parang dura na nga to eh. kulang na lang kainin nya mukha ko.
"Arf!Arf!Arf!"
"Dumilat ako unti-unti"
"Ayyy hayuup ka lokiii" nagulat ako aso namin si loki tinatahulan ako at dinidilaan kaya pala iba panaginip ko, kala ko naman totoo na.
Chineck ko yung phone ko kung anu oras na.
"Sheeeettttt! Late na ko"
7:00 am na bibiyahe pa ko. Nagdali dali akong magbihis ng uniform ko. Dyusko ko naman Anya!
Anya Tay anuna tuwing first day lagi ng school ang hilig mo magpalate.
"Mommy! Alis na ko" sigaw ko kay mommy, syempre naligo ako ha at nagtoothbrush.
(SCHOOL)
Habang nagmamadali ako maglakad papuntang classroom ko
*Boogsh*Boogsh*
(Pagpasenyahan nyu na guys mga sound effect ko , low budget tayo mga ses xD)
*Aray !sorry po- sinabi ko sa nabunggo ko habang dinadampot kung mga librong hawak ko.
Bakit nga pala ako guys may dalang libro baka sakali lang po na makasalubong ko yung Mr. Perfect Dream boy ko. Mala w*****d lang .Di naman masamang itry diba hahahahha. Chariiiiissss lang
Tinulungan ako , nung nakabunggo sakin .
(Guys baka eto na talaga yoooooooonnn! yung malawattpad , baka mangyari sakin na . LIKE REALLY?!!! LIKE OMYGHAAAAD?! )
Unti unti kong inangat yung ulo ko.
"Tha...n....k
(PANGIIITTTT!! di totoo guys kakawattpad ko to)
kinuha ko ng madalian yung libro. At nag thank you naman ako. Sabay takbo na parang horse
(CLASSROOM)
"Anya!! Anya dito oh" tawag sakin ni Gem.
"Kala ko late na ko ses" umupo na ako sa tabi ng Gem.
Habang nagaantay kami ng prof......
"Totoo ba ses? Classmate natin Robin ulit?" tanong ko kay Gem
"Ou ses, may inspiration ka para magaral"
"Oyyyy , wag ka maingay. Ingay-ingay mo talaga"
Napatingin kami sa pintuan, kasi iniluwa pa ba naman ng pintuan ang isang "ROBIN". Syempre as usual nagpaganda bigla na mga classmate kong babae. Kanya kanyang labasan ng makeup kit.
"Hi Robin"- mga nagpapansin na mga tatlong bebe girls na pak na pak ang lips parang nga gold fish. Nakaabang na agad sa pintuan eh.
Nginitian ni Robin at nag-hi din sya. Pinapansin at nginingitian ni Robin mga nagpapansin sa kanya.
Ang bait talaga ni Robin kasi di sya snob.
Napahinto si Robin at nakatingin sakin .Bumibilis t***k ng puso ko Robin.Bat ka ganyan huh!?
???HUHUHUHU!! Lord feeling ko parang Kamatis na ko dahil sobrang namumula na siguro ako.
TO BE CONTINUEEEDDD!!
AUTHOR'S POV
(Message in a Bottle-Taylor Swift).
May mga pag-ganyan po ako . Kada episode.po guys may mga kanta akong gusto kong iplay nyu habang nasa part na po kayo sa AUTHOR'S POV. Dami Arte nu? hahahaha. ?
"Hi guys, hopefully nagustuhan nyu unang episode pa lang pagpasensyahan nyu ang aking mga words at kung medyo cringy"