Chapter 14 - Be in my side always

1262 Words
> Ikinabigla ko ang ginawa ni Tyron napaka-wild niya na hindi man lang pansin na nasa loob kami ng van at may mga kasama sa pagbiyahe. Umiinit ang buo kung katawan dahil sa paghaplos niya sa aking d_bdib at pagsubo dito. Kaagad akong kumilos para mapigilan ang susunod pa niyang gagawin. Kaagad kung hinawi ang kanyang ulo at nagmadaling umayos ng upo. Nakakahiya naman na makita kami ng mga kasamahan namin sa ganoong sitwasyon. “Tama na! Enough for this!” turan ko dito sabay tumagilid at tumingin sa labas ng dinadaanan namin. Malakas ang kanyang buntong hininga at narinig ko ang pagmumura nito. Hindi ko na lang pinansin pa para ipahalata sa kanya na hindi dapat ito ang mangyayari. “I will punish you for this, binitin mo ako Sweetie!” pabulong nitong sabi pero nanindig ang aking balahibo. Ipinangako ko sa aking sarili na hindi ako magbigay pansin sa mga kalahi ni Adan dahil para sa akin ang best priority ko sa ngayon ay makita ang aking naswawalang ama. Hanggang hindi ko pa nalaman ang totoong kwento sa pagkawala nito ang pag-aasawa ang huli kung gawin. Ay naku! Bakit ganito ngayon ang laman ng isip ko. Dahil ba nagpapahalik na ako sa boss ko mag-aasawa na ako kaagad. Kahit ilang beses na niya ako nahalikan pero Malabo pa rin sa akin kung bakit ginagawa niya ang lahat ng ito. In the first place hindi ko pa siya lubusang kilala. I don’t even know his family background. Malay ko bang may asawa na ito at pinaghuhumalingan lang niya ako dahil kusa naman akong bumigay sa kanyang mga ginagawa sa akin. Ang lahat ng mga empleyado ay ibinaba sa tapat ng Delmundo Garments Company. Pagkatigil ng aming sinasakyan kaagad akong tumalima para makalabas kaagad sa loob ng sasakyan. “Just stay on your seat! Nagmamadali ka na naman nakita mo nang marami pang bumababa sa unahang nakaupo!” suway sa akin ni Tyron habang kampanteng naglalaro sa kanyang telepono. Hindi ko na lang siya pinansin pa. Nakita ko kung paano umiba ang timpla ng mukha nito pagkatapos ng nangyari sa amin kanina. “Kath sasabay ka ba sa amin pauwi?” si Mariz ang nagsasalita. “She will be joining me! Ako na ang maghahatid sa kanya!” si Tyron ang sumagot dito. Kaya nang lubusan nang makababa ang lahat kaagad akong inalalayan ni Tyron sa paglabas sa sasakyan. “My car is in the parking lot on the left side of the building! Mauna ka na doon at ipapahatid ko na lang ang lahat na bagahe natin!” utos niya sa akin. Kaagad naman akong pumunta doon para wala nang problema. Mahirap makipagsagutan dito at aayaw pa dahil sa kalaunan talo pa rin ako sa kanya. Napapatayo na lamang ako sa parking area dahil hindi ko naman alam kung saan doon ang kanyang sasakyan. May apat na sasakyang nakapark pa doon. “Halika na!” sabay lapit sa isang magarang na kotse. “Bilisan mo na at maihatid kita kaagad, may pupuntahan akong mahalagang bagay after this! “Tyron pwede namang huwag mo na lang kaya ako ihatid, I can manage myself! Para makakaalis ka kaagad! “And you will be with Richard? No sweetie I will allow that to happen!” at kaagad ibinuksan ang pintuan at kaagad ako ipinapasok at saka umikot sa kabila para ito mismo ang magmamaneho. Nakikita ko ang pagseryoso ng kanyang mukha. Kakaiba ito sa awra niya nung nagbibiyahe kami kanina. “Ibaba mo na lang ako sa kanto papasok sa amin at huwag ka na pumasok pa sa masikip na kalye papunta sa loob!” sabi ko sa kanya. “Hindi pa pwedeng sa tapat mismo ng bahay ninyo kita ihatid? Bakit sa labasang kanto lang? “Basta sundin mo na lang ako para hindi ka pa mahihirapan!” Nang tumigil ang kotse sa itinuro kung daan kaagad akung bumaba kaagad. “Sige, salamat! “Hindi mo ba ako anyayahan na mag kape man lang sa bahay ninyo? At doon ako natigilan saglit “Akala ko ba may mahalaga kang pupuntahan!” at saka nito naitampal ang kanyang noo at sumenyas. Nakatalikod at nakahakbang na ng marinig ko ulit ang kanyang tinig. “May nakakalimutan ka!” sigaw nito sabay senyas na bumalik. Napapakamot naman ako sa aking noo dahil sa pagkaalala ko dalang dala ko na lahat. “Ano ba? At napadungaw ako sa bintana. Nagulat ako nang pinatakan niya ako halik sa labi. “Take care and dream with me tonight!” napakatamis ng ngiti nito kasabay nang pagpapaharurot nito ng kanyang sasakyan paalis. MASAYANG sinalubong ako ni Mama pagdating ko. Mabuti at walang problema hanggang sa pagbabalik ko sa lungsod. “Kamusta ang lakad ninyo, Anak? “Nag-enjoy po kami lahat Ma! Minsan lang nangyayari ang ganito kasi! “At magpapasalamat kayo sa bagong may-ari kung ganoon! Mabait siguro siya, Anak! “Ok lang po siya, pinag-aaralan pa ang takbo ng kanyang Negosyo!” walang ganang sagot ko dahil iba ang tinatakbo ng aking isip sa ngayon. Hanggang ngayon damang dama ko pa rin ang init ng aming halikan kanina. “Hoy, Anak natutulala ka yata, may nangyari ba?” nagtataka si Mama sa kakaibang ikinikilos ko. “Hindi pa kita nakitang ganyan or baka may problema ka anak sa trabaho sasbihin mo lang baka makakatulong si Mama sa’yo! “I’m okay po! Pagod lang siguro ako sa biyahe namin!” pagsisinungaling ko rito. Hindi naman namimilit pa si Mama or magtanong pa. Pagkatapos ko maibigay ang aking pasalubong kaagad akong nagpahinga sa aking kuwarto. Kanina pa ako nakahiga pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Maraming mga bagay ang pumapasok sa isip ko tungkol sa mga kaganapan sa pagitan namin ni Tyron. At ang saklap hinayaan ko siyang gawin ang mga bagay na iyon. Wala akong ipinagkaiba sa ibang babae diyan na nakilala na niya. Sa una lang pala ang pag-iiwas ko pero sa kalaunan mabilis din ako bumigay sa karisma niya. Napabalikwas ako dahil sa biglang pagtunog ng aking telepono. Sa ganitong oras sino pa ba ang tatawag at mang-distorbo. “Bakit napakatagal mong sumagot? Boses ni Tyron ang nasa kabilang linya. Napatutop ako sa aking bibig, may lakas loob pang tumawag sa ganitong oras. ‘Natutulog na!” sagot ko pero habang nakikinig may naririnig akong musikang background doon. “Saan ka ba? “Sa bar! Nagkayayaan lang ng mga bagong kaibigan!” tilang nakakainom yata ito dahil sa timbre ng boses nito. Maya’t maya pa may narinig akong boses ng babae na nakipag-usap. “Bakit ka napatawag? “I want to hear your voice!” dinig na dinig ko iyon. Ngunit parang may nagsasalita sa kanyang tabi na boses babae at naririnig ko pa ang kanilang pinag-uusapan. “Tyron, ibaba ko na ito and keep atensyon diyan sa nobya mo! Mahirap na mapapagalitan ka pa niyan!” diretsahang sabi ko dito. “D_mmit Kath!” narinig ko pang tinig niya pero kaagad ko nang na end call. Naiirita ako dahil sa pagkadinig ko pa lang sa boses babae sa linya. Hindi ako ganito noon sa mga kaibigan kung mga boys. Ilang minuto pa muling tumunog ang telepono ko at nang makita kung si Tyron pa rin ang tumatawag hinayaan ko na lang hanggang magsawa sa kakatawag. Maybe lasing na ito kaya ganoon iyon. Nag ring ang telepono ko at may pumasok na messages. Kung tinatawagan kita sagutin mo ako, I hate woman na maarte! Hindi ko gustong pinapatayan ako ng telepono pag kinakausap kita!  Mga mensahe na napapa-init ng tainga ko. He starting manipulating my life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD