
Hunted by an unknown force, napakahirap umiwas sa bawat araw na kasama ni Kathlene ang kanyang bagong boss na si Tyron. Super gwapo, matalino at pinapantasya ng mga kababaihan pero araw araw naman na laging galit sa kanya. Kaya todo iwas siyang mag-krus ang landas nilang dalawa.
Isinumpa ng dalaga na kailanma’y hindi mag-aasawa hanggang hindi niya malaman ang totoong pagkawala ng kanyang ama ng ilang taon. Hanggang isang araw natagpuan niya ang sarili na nakakulong sa bisig ng kanyang napaka-aroganteng boss at pakiwari niya ito ang kanyang magiging sandalan. Damang dama niya ang init ng mga halik nito na tilang nagpa-alala sa kanya sa nakaraan.
Paano kung si Mitoy at si Tyron sa kanyang nakaraan ay iisang katauhan lamang na nangangako sa kanya noon na papakasalan siya pagdating ng tamang panahon?
Ngunit mangyayari pa kaya kung may isang Cheska na palang nagmamay-ari ng puso nito? Paano niya ipaglaban ang kamusmusang pangako?

