Chapter 1 - Scar from the Past

1233 Words
“Kathlene, kanina ka pa namin hinintay dito sa cafeteria bakit ang tagal mo naman bumaba?” si Mariz ang pinakamalapit sa kanya sa Garments company na pinagtatrabuan niya. “May meeting kasi kami kay Sir Tony at ngayon lang natapos!” bagsak ang balikat niyang sagot sa kaibigan. “Sobrang tagal naman ni Sir Delmundo makipag-usap sa inyo! Kahit nga si Mam Tess na chief ng department namin inabot sila ng tatlong oras kahapon sa close door meeting kay Sir! “Ano ba ang napag-usapan bakit sobrang seryoso naman iyan!” “May position swapping na magaganap sa kompanya batay sa sinabi ni Sir Tony sa amin. Mag-takeover na daw ang totoong may-ari nitong kompanya at siya na ang mamamahal ang buong negosyo niya!” Kaya kailangan mag-orient ni Sir sa mga dapat gawin ng bawat department para makatulong sa bagong boss natin!” sabay upo sa katabing upuan. “Naku naman! Baka strict pa iyon kay Sir Delmundo! “I think hindi naman batay sa kwento niya sa amin pero very hands-on daw iyon sa negosyo! “Babae ba or lalaki?” mukhang interesadong si Mariz “Total bachelor daw sabi!” hagikhik na kwento sa kaibigan. “At maghanda ka na dahil sigurado ikaw ang mauna na pipila!” dugtong pa dito. Kahit sa kanilang pagkain naging laman ng usapan ang papalit na boss ng kompanya. Sa Delmundo Garments Company ay si Tony Delmundo ang kilalang owner nito pero magiging iba na after ibinanggit nito ang totoong owner ng kompanya sa head ng bawat department. Hindi pa naman humarap ang ito personally pero everyone’s anticipated the personality of their new boss. “Sana mabait lang at hindi sya magbabawas ng tauhan!” Richard isa sa kanyang buddy sa kanilang department na laging kaagapay at katulong niya sa mga gawain sa quality control department. Siya ang tumatayong head dito kaya lagi nagdadala sa kanya ito ng stress lalo na kung in times of inspection of manufacturing process flows, specifications, workmanship lalo na throughout the manufacturing process. Mas lalo pa kung may new investors sila na papasok at kailangan niya ang tamang monitoring at requirements na kakailanganin na dapat ipadala sa buyer for approval. “I think Sir Delmundo has influence him at saka pamangkin din lang naman niya kaya may say din naman siya if magkataon!” “Tama ka Kath! “Asset tayo ng kompanya niya at mahirap maghanap sa katulad nating mga magaganda!” pabirong sabi ni Mariz pero lakas loob pang rumampa sa harapan nilang dalawa. ‘Si Kathlene lang ang sabihin mo at hindi ka diyan kasali sa sinasabi mo!” banggit din ni Richard “Ito naman namimihasa ka na sa lagi mo akong napapansin pero tandaan mo ito ‘epal pag ako hiningian mo ng tulong para kay Kath, hands down na ako sa’yo! Wala kang mapapala sa akin, tandan mo iyan!” nakaismid na banggit. Napatawa siya rito. Alam niyang nagpaparamdam sa kanya si Richard na may balak itong manligaw pero hindi niya binigyan ng pansin dahil may mga pangako siya sa sarili na hangga’t hindi niya malaman ang totoong dahilan ng pagkawala ng ama nito pagkatapos sila iwan papuntang Dubai hindi siya mag-entertain ng kahit sinumang lalaki. Minsan masama ang loob niya dahil sa pag-iwan sa kanila nito at sa loob ng 12 years wala silang balita rito kung buhay o patay na ba ito. Minsan may balitang kumalat na ang pagkawala ng kanyang ama ay dahil may iba na itong pamilya pero hanggang sa ngayon hindi pa rin niya napatotohanan. Pag makita niya ang isang masayang pamilya mas lalong naiinis siya sa kanyang sarili at awa na rin dahil hindi niya naranasan ang magkaroon ng kompletong pamilya. Siya si Kathlene May Cruz nag-iisang anak lamang at namumuhay kasama ang kanyang Mama Den na may-sakit at siyang tumatayong breadwinner ng pamilya. Sobrang pihikan sa mga manliligaw dahil sa karanasan sa ama na hanggang ngayon naging pala-isipan pa rin ito. “Mariz, ito naman hindi mabiro! Sige na nga tutulungan kita kay Ronald..baka sabihin mo hindi ako nagmamalasakit!” si Richard na nakangisi. “Tse..kahit hindi mo gawin kayang kaya kung luluhod sa paanan ko ang lalaking iyon!” pagmamalaking sabi dito. BAGO umuwi si Kathlene kinahapunan napadaan muna siya sa isang grocery store na madadaanan niya. Siya lang naman ang mag-budget ng kanilang kakailangin sa buong buwan. Minsanan lang siya nag-grocery at lahat na kakailanganin kailangan mabili na niya. Hindi niya hinahayaan ang ina na gumala sa mataong lugar dahil laging nahihilo ito. Tumataas kasi ang pressure ng dugo nito kaya lagi siya nag monitor dito pagdating sa bahay. Napapaikot siya sa vegetable section at sa dairy products. Ang huli niyang inikot ay ang grocery section para mabili niya lahat batay sa nailista ng kanyang Mama. Ito ang kagawian niyang gawin pag buwanan ng sahod at halos ang fifty percent ng kanyang pera ay sa pangangailangan lang nila pumupunta. Gusto din niya magtrabaho sa ibang bansa para maghanap ng greener pasture pero hindi nito maiwan mag-isa ang kanyang Mama. Alam niyang sa kursong BS in Fashion Designing may mararating siya. Noong maliit pa siya nasanay kasi siya sa Daddy Roman na lahat ng gusto ay masusunod. Engineer kasi ang kanyang Daddy at may mataas itong posisyon sa kompanya na pinagtatrabahuan nito kaya hindi sila nahihirapan sa expenses nilang magpamilya. Bigla lang umiba ang kanilang mundo nang umalis ito para magtrabaho sa ibang bansa at hindi na bumalik pa. “Naku naman Kathlene kung mayaman ka lang, e di sana may sasakyan kang paglalagyan nito!” kausap ang sarili habang tumatawid sa kabilang daan para doon magbantay ng taxi. Isang mabilis na sasakyan ang nag-cross galing sa isang section ng daan at paharurot na pasalubong sa kanyang pagtawid. Naka-freeze siya sa gitna at napapikit at hinintay na masagasaan siya nito. Isang busina at sagitsit ng sasakyan ang kanyang narinig kasabay ng pagtapon ng kanyang dalang groceries. “What a damn are you doing, young lady!” ang baritong boses na nakapameywang pagkatapos bumaba sa sasakyan nito. Nanginginig ang mga tuhod na dinampot ang natapong laman ng plastic na dala. “If you’re crossing the road just keep on eye ahead of you! Huwag yung nakatulala ka habang tumatawid!” hindi pa rin umaalis ito at nanatiling nakatingin sa kanya na dinadampot ang mga nagkalat na dala. “Iyan mahihirap sa inyong mga mayayaman, kesyo may sasakyan kayo mabilis na kayong magpatakbo! Kunting respeto naman sa mga tumatawid!” inis na sabi sabay hinarap ang nakabangga sana sa kanya. Its an eye-to-eye na halos tatakbo siya..OMG..ang gwapo ng lalaking kanyang nakaharap. Naka-suit pa ito at tumaas pa ang kabilang kilay nito habang nakipagtitigan sa kanya. “Sa susunod tingnan mo ang dinadaanan mo Miss, sayang ang ganda mo masagasaan lang!” Inis na pinag-ayos ang dala at wala sa loob na tinalikuran ang lalaki. “Hep! Walang pasalamat diyan at nailigtas ka!” pahabol na sabi pa nito. “Wala! Ikaw ang papatay sa akin, ano ka hello! Di hamak na kaba ang ibinigay mo sa akin, Kuya!” inis na sabi sabay kaway sa taxi na paparating. Kahit tumatakbo ang sinakyang taxi panay pa rin bulong nito sa nangyari sa kanya. Ang torpe naman ng lalaki at hindi pa siya nito tinulungan kahit damputin man lang ang nagkalat nitong dala sa daan. “Grrr…! Lahat kayong mga lalaki pahamak talaga sa buhay ko!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD