Chapter 14 CLARISSE’S POV “B-Bitawan mo ako Travis.” Matinis ko na lang na asik na hawak-hawak ni Travis ang pulsuhan ko hatak-hatak na nag lalakad kami sa pangalawang palapag. Mangiyak-ngiyak na ang aking mga mata sa kirot lalo’t naka hawak siya ng mariin sa aking pulsuhan, na konti na lang babaliin niya sa higpit na pag kakahawak niya. Tinignan ko na lang si Travis, na ngayon napaka dilim na ng kanyang mukha at ang mata’y nanlilisik sa galit, namuo na lang ang matinding takot sa aking dibdib lalo’t sa pagiging tahimik niya. “Ano ba! Ang sabi ko, bitawan mo ako!” Malakas kong singhal na pilit kong hinahatak ang aking sarili, makawala sa kanyang pag kakahawak subalit hindi sapat ang aking lakas kumpara sakanya. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko Travis? Bitawan mo na ako, bitaw!” H

